After nine years, muling nagbalik sa Pilipinas si Naxhea para sa trabahong binigay sa kanya ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan sa London.
Isa syang architect sa isang sikat na construction company sa London at nagkataon naman na may mga proyekto ang nasabing kompanya sa Pilipinas at sya ang napiling magdisenyo ng mga ito.
And at the same time ay umuwi din sya para maging abay sa kasal ng kaibigang nakilala sa London.
Magkahalong kaba, takot at excitement ang nararamdaman nya habang papalapit na ang pagdating nya sa Pilipinas. Excited sya dahil sa wakas ay makikita na nyang muli ang MAMENS na matagal na nyang di nakikita at nakakausap dahil nawalan sya ng communication sa mga ito.
Pagdating sa airport ay sinalubong sya ni Samantha ang kaibigang nakilala nya sa London at ang aabayan nya sa kasal.
SAMANTHA: Naxh... I miss you friend! (bungad nito kay Naxhea sabay akap sa kaibigan)
SAMANTHA: Akala ko di kana aattend sa kasal ko eh..
NAXHEA: Matitiis ba naman kita. Tsaka di ko dapat mamiss ang wedding of the year dito sa Pilipinas noh! ( biro nito)
SAMANTHA: Grabe! Wedding of the year talaga? Pero pwede nadin. Hahaha...
SAMANTHA: Hay naku, umuwi na tayo 'coz I'm sure that you're really tired. Ituloy nalang natin ang kwentuhan sa condo mo.
NAXHEA: Oo nga eh, may jetlag pa ko. And gutom na din ako ehh..
SAMANTHA: Yeah I know, don't worry pinahanda ko ang mga paborito mo. Alam kong namiss mo yun ng sobra.
Napangiti naman ang dalaga.
Tuluyan na silang lumabas ng airport at habang nasa biyahe sila ay nakatingin lang sa labas si Naxhea, marami syang naaalala masasaya at kahit ung mga malulungkot na memories.
SAMANTHA: Sobrang namiss mo ang Pilipinas noh?!
NAXHEA: Sobra... (nakangiting tugon nya)
NAXHEA: I feel so at home, kahit madame nang nagbago dito, it's still the Philippines that I loved. (may pagrereminisce nitong sabi)
SAMANTHA: Really!? Baka naman yung naiwan mo dito yung namiss mo? (biro nito)
NAXHEA: Hmmm... let's just say... I miss my friends here!
SAMANTHA: Okay, sabi mo eh..
Tumuloy sila sa condo unit na tutuluyan ni Naxhea. Binigay ito ng kompanyang kapartner ng kompanyang pinagtatrabahuan nya at syang gagawan niya ng mga bagong disenyo.
SAMANTHA: You know what, ang ganda nitong unit na binigay nila sayo. Very cozy and refreshing. At ang view, super ganda tanaw ang sunset at ang Makati skyline.
NAXHEA: Yah! You're right. (sagot nito habang nililibot din ang condo)
SAMANTHA: Manang luto na po ba yung lunch? (Narinig nyang tanong nito)
MANANG: Yes ma'am, ihahain ko na po. (sagot naman nito)
NAXHEA: You hired a maid?
SAMANTHA: Nope, sinama ko lang yung cook namin sa bahay to prepare a lunch for us habang sinusundo kita. But if you want, may alam akong agency.
NAXHEA: Ahh.. no need, I can manage.
SAMANTHA: Okay, tara kain na tayo.
Ginisang ampalaya na may itlog, chicken curry and leche flan dessert ang hinanda ng cook nina Samantha.
NAXHEA: Wow! Namiss ko to sobra. (sabi nito sabay kinuha ang plato ng ampalaya at nagsalin sa sariling plato.)
NAXHEA: Mmmm... I love it, infairness ha, hindi sya mapait, sarap. Manang ang galing niyo po idol ko na po kayo.
Ngumiti lang ang matandang kusinera.
SAMANTHA: Special dish nya kase yan.
NAXHEA: Kaya pala. For sure mapaparami ang kain ko nito.
****
Nasa working table nya si Naxhea at subsob sa disenyong kanyang ginagawa para i-present sa CRF Landholdings Incorporated ang Real State company na ka partner ng kompanyang pinagtatrabahuan nya, ng tumawag si Samantha.
SAMANTHA: Naxh, can you come over? I want you to meet my fiancee. (dinig nyang bungad agad nito sa kanya)
NAXHEA: Ha? Ngayon na ba? (alanganin nyang tanong)
SAMANTHA: Yup! Please..
NAXHEA: Okay, sige.
SAMANTHA: Thanks, I'll text you kung nasaan kame. (yun lang binaba na nito yung phone.)
Niligpit na ni Naxhea ang mga gamit at nagshower sandali. She wear a maong skinny jeans and a tee na syang fave get up niya. She apply a light blush on and a light lipstick which make her look simple and yet very beautiful.
Agad siyang pumunta sa restaurant na tinext ng kaibigan. Pagpasok niya sa nasabing restaurant ay agad nyang hinanap si Samantha at nakita naman agad niya ito.
NAXHEA: Hi! Sorry kung late ako. (Anya sabay beso sa kaibigan.)
SAMANTHA: No, it's okay. Pero sayang di mo sya nameet ngayon.
NAXHEA: Oo nga pala, asan na sya?
SAMANTHA: May emergency kase kaya nagmamadali syang umalis.
Actually kaaalis nya lang talaga. (May lungkot na sabi nito)
NAXHEA: Well, there's always a next time.
SAMANTHA: You're right, maybe sa rehearsal nalang wedding namin. For sure magkakakilala na kayo.
BINABASA MO ANG
NAXHEA: Right Love at the Wrong Time
RomanceI was so stupid for making myself believe na there's a chance for a happy ending para sa aming dalawa, but then wala naman pala.. ...