CHAPTER EIGHTEEN

2.1K 117 6
                                    

LUMAYO nang bahagya si Sofia kay Zafrix. Unang-una ay dahil nasa labas sila at maraming nakakakita. Pangalawa, ay kinikilig siya sa sinabi nito at hindi niya alam kung ano ang dapat isagot. At huli ay wala naman itong dapat na ikaselos kay Marcus dahil magkaibigan lang sila at sadyang magaan lang ang loob niya sa lalaking iyon.

Nang maisip si Marcus ay naalala niya ang sinabi nito tungkol sa kaniyang introduction.

"Bakit pala wala kang nababanggit sa 'kin tungkol sa introduction? Na gaganapin na iyon next week?" takang tanong niya rito, muling nararamdaman ang kaba. Naiisip palang niya na haharap siya sa napakaraming taong-lobo ay ibig niyang panghinaan ng loob.

"I've been busy. Nawala sa isip ko. But do not change the subject."

She frowned up at him. "Wala kang dapat ikaselos kay Marcus, Zafrix. He's just a friend."

"And when did this friendship start, exactly?"

Sumimangot siya. "Kanina lang."

"Kanina lang? And yet you looked like you have known each other for a very long time."

Napatitig siya rito. "Why do I feel like you are accusing me of something?" she asked flatly.

Walang ekspresyon na sinalubong lamang ng tingin ni Zafrix ang mga mata niya.

"I just want to make it clear that you are my beloved. And mine, only."

Nakaramdam na siya ng pagka-irita. Hindi siya bagay na puwede nitong angkinin nang basta-basta.

"Zafrix, I'm not your possession. Just because I am your beloved doesn't mean that you could own me," inis na sabi niya rito at umatras ng ilang ulit.

"Oh, but I can. And I always will. You are mine, and that's final, Sofia," he growled lowly.

Inisnaban niya ito. "Kausapin mo nalang ako ulit kapag matino ka nang kausap," she hissed and turned her back on him.

She felt her arm being grabbed by his. "Ano ba?!"

Noon siya natigilan nang makita kung gaano kadilim ang anyo nito. Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya nang makita ang mga mata nito. She gasped in fear when his eyes turned to golden yellow and black.

No...

From the corner of her eyes, she saw her body guards tensing in fear, seeing what was happening. Saka niya nakita sina Kersten at Jeremiah na tumatakbo nang mabilis papalapit sa kanila, may hawak na tig-isang malaking syringe na gaya ng dati ay puno rin ng liquid silver at wolfsbane.

"You. Are. Mine." He growled loudly, the sound causing her to flinched away from him. Sobrang humihigpit din ang pagkakahawak nito sa brask niya na ilang segundo lamang ay baka mabali na nito. "Do. You. Understand?" gigil na gigil nitong sabi sa pag-itan ng makapanindig-balahibong mga pag-angil. "Sa 'kin ka lang. At papatayin ko ang lahat ng lalaking aagaw sa 'yo mula sa 'kin."

She was too frozen that she wasn't able to move or utter a single word. Nawawalan na naman ng kontrol si Zafrix. At base sa panginginig ng katawan nito ay malapit na itong magpalit sa nakakatakot nitong anyo.

"Z-Zafrix."

She gasped when he held both of her arms so tight that she could no more feel the blood from them.

There were a lot of footsteps, and the sound of chains. Hindi niya magawang lumingon sa takot na baka may gawin si Zafrix. Hindi nagtagal ay napansin na nito ang sariling mga tauhan. He roared in fury, his very long canines showing. He felt like he was being challenged.

"Lady Sofia! You need to get away!" Narinig niyang sigaw ni Kersten.

Sofia didn't need to be told twice. Nang makalingat si Zafrix ay kumawala siya mula sa pagkakahawak nito. She kicked him forcefully on the knee, surprising him enough for him to let her go. Nang mabitawan siya nito ay mabilis siyang lumayo at iniwasan ang mga kamay nito na nagtangkang humablot sa kaniya ulit.

Overcoming the Darkness (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon