mag dadalawang linggo na mula noong nalaman ko ang tungkol kay meg...nagalit na ako at lahat lahat ngunit sadyang matigas at manhid ang puso ng asawa ko...kaya ibinuhos ko na lang ang oras ko sa pagaalaga kay charlane at pag aasikaso sa gawaing bahay since wala na si manang, pina balik ko na kasi siya sa kanila mama dahil kaya ko naman nang magtrabaho..
iniiwasan ko rin si charles dahil masakit sa akin na mas pinagtutuonan niya pa ng oras si meg kaysa sa amin ng anak niya,kaya pinili ko na lang na umiwas sa kaniya,hindi ko kasi mapigilang magalit!
charle's POY
alasnuebe na ng gabi ako dumatimg sa bahay kakagaling ko lang kasi sa unit ni meg para magdinner..lagi kasi akong abala sa kompanya bilang presidente at paghahanda na rin sa pagiging chairman,balak na kasing iwan ni daddy ang kompaniya sakin at since si papa ni jane ang major stock holders ng kompanya ay ako ang napagkaisahan na magiging sunod na chairman,at pumayag naman ang ibang board members,mayroon mang tutol dahil sa bata pa daw ako pero hndi pa rin sila nagwagi dahil mas marami ang sumang-ayon..
pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si jane na nagpapadede ng anak namin,tinignan niya lang ako at agad ding itinuon ang tingin kay charlane,.
pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako ng sala pero wala na sila dun,kaya sunod kong pinuntahan ang nursery room at tanging si charlane lang ang nakita ko na mahimbing na natutulog.
pinuntahan ko lahat ng parte ng bahay kusina,banyo at sa bawat kwarto pero wala si jane.saan na naman kaya nagsusuot yun? pumunta ako ng veranda at duon ko siya nakita , nakaupo siya sa may upuan sa garden..lumabas ako ng bahay upang tunguhin ang lugar kung nasan siya...
jane's POV
gabi na naman siyang umuwi!panigurado galing na naman siya sa babaeng yon!hanggang kaylan ba ako magtitiis,?!hanggang kaylan ko ba masisikmura ang pangangaliwa ng asawa ko?gusto kong umiyak at gusto kong isigaw lahat ng mga hinanakit pero ayaw ko naman na magmukha akong mahina sa harap niya...
nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang may nagsalita sa likod ko at si charles yon..
"jane,gabi na ah bat nandito ka pa?tara na sa loob"
hndi ako lumingon sa kaniya dahil nangingilid na ang mga luha ko ,ayaw kong makita ni charles na pulang pula na ang mata ko dahil sa pagpipigil ko ng luha ko..
"nagpapahangin lang" yun na lang ang sinabi ko at tuluyan ng lumayo sa kaniya
nakakailang hakbang pa lang ako ng hilain niya ako sa braso at iharap sa kaniya ..napatingin ako sa kaniya at nakita ko na nakakunot ang noo niya..agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya at tumingin lang sa damuhan..
"iniiwasan mo ba ako!!?ano bang problema mo ha!?! magsalita ka!!"
alam kong galit siya pero di pa rin ako sumagot sa kaniya ,sa halip ay inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagsimula na namang maglakad palayo..pinipigilan ko ang mga luha kong nais ng tumulo
"ano ba!kinakausap kita!galit ka pa rin ba dahil sa hindi kita nasamahan noong nanganak ka!? c'mon jane wag ka naman OA,,anong big deal kung hndi kita nasamahan?!parang yun lang!!"sinabi niyang lahat yun habang sumisigaw halata na ang pagkairita sa boses niya..
at dahil dun napatigil ako at napalingon sa kaniya.
"OA huh?!hindi ako over acting charles!nasasaktan ako dahil hindi ko man lang naranasan ang presensya mo nung sandaling ipinapanganak ko ang anak mo! ni hindi mo nga nasubukang tanungin kong ayos lang ba ako? na anung pakiramdam pag sumisipa ang anak natin!, na anong gusto kong kainin!,wala ka man lang inilaan na oras sa akin noong nagbubuntis ako!!kaya umasa ako na kahit sa panganganak ko man lang sana maramdaman man lang kita!yung suporta mo sa amin ng anak mo ! pero wala! wala akong naasahan! dahil nandoon ka sa babae mo!at hanggang ngayon siya pa rin ang pinagtutuonan mo ng panahon" hindi ko na napigilan ang luha ko..kaya umiyak lang ako ng umiyak sa harap niya
"jane,alam mo naman na sa umpisa pa lang ay si meg na ang mahal ko diba? ngayon lang ulit ako naging masaya kaya sana pagbigyan mo na ako"
at talagang nasabi niya pa sa akin yun
"so anong gusto mong gawin ko?!magbulagbulagan at pabayaan ka sa kaniya?!" sarkastiko kong sabi sa kaniya
hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin.,silence means yes so ibig sabihin ganun ang gusto niyang mangyari!
"fine! papabayaan na kita sa gusto mong mangyari at magbubulagbulagan ako sa mga ginagawa mo..wag sana akong magsawa"
pagkatapos kong sabihin yon ay pumunta na akong kwarto at humiga..maya maya pa ay naramdaman kong humiga na rin si charles..tumalikod ako sa kaniya at tahimik na umiyak,,
BINABASA MO ANG
MARTIR (A WIFE STORY)
عاطفيةMasaya nang magpakasal si Jane sa bestfriend nyang si Charles. Matagal na niya itong mahal subalit kabaligtaran naman ang nararamdaman nito dahil kung siya'y mahal ito, ito naman ay may mahal ng iba. Maaari kayang mag iba ang pagmamahal ng asawa nya...