jane's POV
napakabilis ng panahon at ngayon ay nagdidiwang ako ng ika 25 birthday ko..
hindi na ako nagpaparty at pinili ko na lang na magcelebrate kasama ang mag ama ko as in kaming tatlo lang...
kaya wala ng nagawa sila mama at pinabayaan nalang nila ako sa gusto ko at pinadala na lang nila dito sa bahay ang regalo ko ganun din sila mommy key at candice...
pero sa lahat ng naging birthday ko ito ang pinaka masaya dahil maghapon kaming magkasama ni charles..for the first time kasi nagleave siya para sa akin at hindi niya muna inasikaso ang tungkol sa presentation niya sa susunod na araw..
sabay kaming nagbreakfast at naglunch kaya ngayon ay pinagiigihan ko ang pagluluto ko ng dinner...lalo na dito sa paborito niyang menudo nilagyan ko pa ito ng maraming cheese at nilagyan ko pa ng all purpose cream para mas lalong sumarap..aba eh! dapat lang na maging masarap to at ng di naman masayang ang pinag aralan ko'... graduate pa naman ako ng culinary...
habang nagluluto ako ay di ko pa rin maiwasang maalala yung mga masasayang pangyayari kanina..
yung time na masaya kami ni charles habang hinahabol namin si charlane..yung pareho naming pinapaliguan ang anak namin na halos pati kami ay naligo na rin dahil sa likot ni charlane kaya pati kami nabasa rin..yung naglunch kami for the first time kasi nagkasabay kaming maglunch dahil lagi siya sa office at ngayong dinner ay dapat maging romantic first time din kaya naming magdinner ng sabay dahil ang lagi niyang kasabay is yung shit na babae na yun..o kaya naman pagdumadating siya tulog na ako...
ilang sandali pa ay luto na at inihanda ko na ang mesa..
patayin ko kaya ang ilaw tapos magsindi ako ng kandila para mas maging romantic?tsk! wag na nga lang yung parang ordinary na lang..hay naku para akong teenager kinikilig ako..^_^
at walang istorbo ngayon kasi tulog na si charlane..hindi kasi ako makapag enjoy pagandito yun dahil kaylangan ko pang subuan..pero ngayon na wala siya ay maeenjoy ko na ang dinner^_^
haha feeling ko magdedate kami hihihi bigla naman akong nagblush sa naisip ko *^▁^*
pagkatapos kong ayusin ang mesa ay pinuntahan ko na si charles sa sala para sabihing handa na ang dinner...
pagdating ko ay naabutan ko si charles na may kausap sa iphone niya..hindi ko man naririnig pero alam kong may problema.worried na worried kasi ang itsura niya..siguro nagkaproblema sa opisina..
nang matapos ay humarap na siya at inilagay sa bulsa ang ang iphone niya..nginitian ko naman siya ng pagkalapad ^____________^
"charles handa na ang dinner"
"s-sorry hindi kita masasamahan,may nangyari kasi"
sabi niya sakin..kaasar naman! ah!basta hindi ako papayag na opisina pa ang uunahin niya kesa sa akin hmp! ngayon na nga lang magdidinner eh!
"eh,saka na yang problema,bukas na lng please!!*_*"
sabi ko with matching puppy eyes pa
" sorry jane,next time nalang ,meg needs me,but promise babalik ako before 11"
what?!! so hindi pala opisina ang dahilan at si meg pala..shit!shit!damn that girl!she ruined my birthday! fuck her so much silang dalawa ng magaling kong asawa..
sa sobrang init ng ulo ko ay ibinato ko sa sahig yung vase na nasa tabi ko!wala na akong pakialam kong mahal at imported man ang vase na yun!na siya namang ikinabigla ni charles
"ANO?!PUPUNTAHAN MO SIYA AT IIWAN MO AKO DITO!?!NYETA NAMAN CHARLES BIRTHDAY KO PERO MAS UUNAHIN MO PA ANG BABAENG YUN! ANDITO AKO PERO NASA KANIYA PA RIN ANG ATENSYON MO!ISANG TAWAG NIYA LANG ALIGAGA KA NA PARA MAPUNTAHAN SIYA!ANO BANG MERON SA KANIYA NA WALA AKO HA! ANO?!!ESPESYAL NA ARAW KO NGAYON PERO UUNAHIN MO PA SIYA DAHIL LANG SA MAY PROBLEMA SIYA?!!THATS BULLSHIT!!!"
BINABASA MO ANG
MARTIR (A WIFE STORY)
RomanceMasaya nang magpakasal si Jane sa bestfriend nyang si Charles. Matagal na niya itong mahal subalit kabaligtaran naman ang nararamdaman nito dahil kung siya'y mahal ito, ito naman ay may mahal ng iba. Maaari kayang mag iba ang pagmamahal ng asawa nya...