Jane's POV
"Anak, pakabait ka ha..dalhan mo ng pasalubong si mommy pag uwi mo , okey?"
"Yes mommy,dadalhan kita ng favorite mong siomai..bye"
"Charles ingat kayo ha"
Sabi ko bago patakbuhin ni charles ang kotse
Kung nagtataka kayo kung anong meron ngayon..well araw kasi ng sabado ngayon, at tuwing sabado ay lumalabas silang mag ama dahil tuwing sabado ang bonding time nila...lagi kasing wala si charles dahil sa trabaho...
Kaya ito ako ngayon mag isa sa bahay at maglilinis lang siguro maghapon..
siya nga pala gusto kong malaman niyo na mahabang panahon na rin ang lumipas at ngayon ay limang taon na si charlane..
Bibong bata at matalino..lagi ngang top 1 sa school na pinapasukan niya...
Habang nagvavacuum ako., ay hindi ko maiwasang mag isip kong saan na naman dadalhin ni charles si charlane paniguradong si meg na naman siguro ang kasama nila...pero medyo panatag ako dahil alam ko naman na mahal ni meg si charlane..pero di ko maiwasang mainis dahil ako dapat ang nanduon...
Buti nga at nakakapagtiis pa ang asawa ni meg sa ginagawa niya eh!hay naku!tulad ko rin kasi ang isang yun...martir din gaya ko....
Pagkatapos kong mag vacuum ay nakaramdam ako ng hilo at pananakit ng tiyan ko..
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sobrang pamimilipit ko sa sakit!
Lagi na lang ganito..ilang buwan ko na tong nararanasan pero binabalewala ko na lang baka kasi sa pagod lang o kaya naman dahil sa nalilipasan ako ng gutom kong minsan..
Pero habang tumatagal padalas ng padalas ang pananakit nito at pasakit ng pasakit ang nararamdaman ko na halos mamatay na ako sa sobrang sakit!
Nang medyo nawala ay pumunta ako ng banyo at agad na nagayos..pupunta ako ngayon sa ospital para matanong kung ano ba tong nararanasan ko...
Alasdos ng hapon ng makarating ako sa st.lukes..
"Matagal mo nang nararamdaman ang ganyan at hindi lang ngayon diba?"
Tanong sa akin ni dr.sanchez..
"Opo,paano niyo naman po nalaman doc?"
"Matagal mo na tong nararanasan pero bakit ngayon mo lang naisipang magpatingin?"
Medyo kinakabahan ako dahil napaka seryoso ni doc. Pagkatapos parang may mali..
"Ahm,doc akala ko po kasi simpleng sakit lang dahil pagod ako at kung minsan hindi kumakain,"
Paliwanag ko sa kaniya
"Hindi lang ito simpleng sakit!at malala na ang kundisyon mo jane!"
"A-ano pong ibig niyong sabihin?may malubha ba akong sakit?"
pilit kong pinapanatag ang loob ko at pinipigilang tumulo ang nooy namumuong luha sa mata ko....
"Paprangkahin na kita,para maging handa ka na sa ano mang mangyari..."
Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si dr.sanchez bago ulit magsalita..
"Im sorry to tell you ,but you have a cancer....a gastric cancer jane.at malala na ang kundisyon mo..."
Napatulala ako sa mga narinig ko mula kay dr.sanchez at napaiyak na lang...
Naglakad lakad ako habang nagiisip tungkol sa nalaman ko..hangang sa napansin kong sa park pala malapit sa village namin ako dinala ng mga paa ko...pagtingin ko sa mga taong naroon ay agad kong nakita ang mag ama ko kasama si meg...
BINABASA MO ANG
MARTIR (A WIFE STORY)
RomansaMasaya nang magpakasal si Jane sa bestfriend nyang si Charles. Matagal na niya itong mahal subalit kabaligtaran naman ang nararamdaman nito dahil kung siya'y mahal ito, ito naman ay may mahal ng iba. Maaari kayang mag iba ang pagmamahal ng asawa nya...