Meg's POV
Mag iisang linggo na rin ang lumipas mula noong gabing inatake si papa..
ayoko nang mangyari ulit yung nangyari kaya napagpasyahan kong ituloy ang kasal namin ni josh at yung agreement naming dalawa ni josh na after 5 years ng wedding ay ipapa annul namin ang kasal...
Pagkatapos kung makapagdesisyon ay kinuha ko ang cellphone ko at nagdial ng number..
Ilang ring lang ay sinagot na ito ni papa..
"Good morning pa"
"Ahm,pwede po ba tayong magkita?"
"Hindi na po,ako na lang po ang pupunta jan"
"Magkita nlng po tayo sa coffee shop malapit jan"
"Opo,dun nga po,ah sege po papunta na po ako,bye"
Pagkatapos kong i-end ang call ay nagmadali na akong lumabas ng unit ko at agad na nagtungo sa parking lot...
Nang makasakay na ako ay agad na akong nagdrive papunta sa coffee shop kung saan kami magkikita ni papa...
Pagkarating ko ay agad kong nakitang nakaupo si papa sa bandang sulok ng coffee shop at may kausap sa cellphone, nang makita niya ako ay agad niya akong kinawayan at ibinaba ang ang phone niya..
Agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi...
Pagkaupo ko ay tumawag na ako ng waiter at sinabi namin ang order namin..isang slice ng cake lng ang akin at isang black coffe with no sugar naman kay papa...
"So pa, kumusta na po ang pakiramdam niyo?"
"Ayus na ako anak.."
"Pasensya na po kayo pa,nang dahil sa akin kaya kayo naatake"
Sabi ko sabay yuko
"Ano ka ba anak.,wala kang kasalanan,sadya lang talagang tumatanda na ang papa mo kaya ganito. Haha "
Agad naman akong napatingin sa kanya
"Pa,napagpasyahan ko po na magpakasal na kay josh,basta wag na po kayong ma aatake ulit ha"
Sabi ko sabay hawak sa kamay niya..
Ngumiti naman siya at agad ding nagseryoso..
"Anak,alam kong wala kang nararamdaman para kay josh kaya sana pilitin mo siyang kilalanin...mahalin.."
"Pa pipilitin ko po, pero hindi ko po maipapangakong magagawa ko"
"Anak,mabuting bata si josh,hindi naman kita ipapakasal sa kanya kung hndi siya karapatdapat sayo...mahal na mahal ka ng batang yun., lagi ka niyang tinitiis,lagi ka niyang inuunawa kahit lagi kang hindi sumisipot sa mga dates niyong dalawa, pero kahit ganoon hindi pa rin siya sumusuko sayo...sana makita mo ang effort niya"
"Pa, hindi niyo kasi maintindihan,kasi wala naman po kayong alam sa nangyayari"
"Anak,may alam ako sa nangyayari,nakwekwento ni josh ang mga bagay tungkol sayo,alam kong meron kang mahal na iba,pero may asawa na siyang tao meg,pinalaki ka naming maayos ng mama mo at ayaw namin na maging mistress kalang ..kaya kung pwede layuan mo na lang ang taong yun anak..nakakasira ka ng pamilya,tandaan mo may anak sila"
"Pa,hindi ako mistress! In fact ako naman ang nauna kay charles,nagkahiwalay lng kami dahil sa pagpunta natin sa canada,pero ako ang mahal niya pa,ako lang wala ng iba, tapos ipapa annul naman niya ang kasal nila kaya hindi ako magiging mistress!"
"C'mon meg dont be selfish! Edukada kang tao alam mong bawal makipagrelasyon sa taong may asawa na,tapos anong sabi mo?ipapa annul niya ang kasal nila? Meg, hahayaan mo bang may mawasak na pamilya dahil sayo? Naisip mo ba ang mararamdaman ng asawa niya? ng anak niya?"
"Pa,alam ko po yan, pero pano naman ako?maaatim niyo po bang magpakasal ako sa taong hindi ko mahal?"
"Anak,subukan mo lang, alam mo bang alam ko ang tungkol sa agreement niyong dalawa na pagkatapos ng 5 taon niyong pagsasama ni josh ay maghihiwalay kayo..alam mong hindi niya gusto ang ideyang yun pero tinanggap niya pa rin dahil gusto niyang patunayan sayo kung gaano ka niya kamahal..malay mo anak pagkatapos ng limang taon na yun ay matutunan mo siyang mahalin.,o wala pang limang taon ay mahulog ka na sa kaniya.."
"Pa,susubukan ko po"
"Alam ko anak,na sa huli ay pasasalamatan mo rin ako dahil sa ginagawa ko..hindi ka na makakahanap ng tulad niya"
Pagkatapos sabihin ni papa yun ay binigyan niya ako ng makahulugang ngiti..
"O panu anak, una na ako at may meeting pa akong dadaluhan, dahil bukas na ang balik ko sa US, pakabait ka dito ha"
"Yes pa, sa bahay na rin ako matutulog mamaya para mahatid ko pa kayo bukas"
Pagkatapos ay umalis na siya....
BINABASA MO ANG
MARTIR (A WIFE STORY)
RomanceMasaya nang magpakasal si Jane sa bestfriend nyang si Charles. Matagal na niya itong mahal subalit kabaligtaran naman ang nararamdaman nito dahil kung siya'y mahal ito, ito naman ay may mahal ng iba. Maaari kayang mag iba ang pagmamahal ng asawa nya...