yujin
nasa baskin robbins na kami ni wonyoung, at nagoorder na siya.
umupo ako sa upuan, at hinintay si wonyoung. onting mga sandali lang at may pumasok nang ibang customer, at napatingin ako sa kung sino pumasok.
tatlong babae-
wait lang,
putangina.
"Uy, Yujin!"
punyeta, anong klaseng araw to?
tumingin lang ako kay minjoo ng saglit at umiwas na rin ako agad. ayoko talaga makakita ng demonyo ngayong araw.
"Sungit mo naman, crush." banggit ni minjoo at umupo siya sa harapan ko.
nakakainis yung mukha niya.
"Yujin-" napatingin ako kay wonyoung na halatang gulat, at nakatingin sa aming dalawa.
"Oh, nandito rin pala si Wonyoung! Hello!" bati naman ni minjoo sakaniya, at tumayo pa ang gago.
"Hello." sabi ni wonyoung, at ngumiti lang siya kay minjoo.
i saw yuri and chaewon from my peripheral vision. kasama nga pala niya. ngumingiti yung dalawa at nakatayo. magulat nalang ako, may tinatago rin pala tong mga to.
"Minjoo, bakit di mo pansinin mga kaibigan mo?" sabi ko, at tumayo ako.
handang handa na ako umalis.
"Bakit? Bawal ka ba pansinin, crush? Hehe." sagot niya, at nakangisi.
"Basta ikaw, hindi. Sayang oras ko dito eh. Alis na ako, bye!"
hinatak ko agad si wonyoung, at kumaway sakanila.
"Bye, Yuri at Chaewon! Patinuin niyo sana yang kaibigan niyo!"
kumaway sila pabalik, tumango at umalis kami ni wonyoung palabas.
nagsimula na kami maglakad pauwi, kasi malapit lang naman talaga yung baskin robbins sa amin.
napagisip-isip ako, bakit kaya nandon yung hayop na yon? bakit naglalandas nanaman yung mga gawi namin? bakit ngayon ko lang siya nakita uli?
ang weird, to be honest.
"Won."
"Oh?"
Napatingin ako sakaniya at sa hawak niya. Dalawang tub pala hawak nito, di man lang nagsasabi.
"Akin na nga yan, ang bigat bigat ng dala mo, di ka man lang nagsabi?"
Kinuha ko sakaniya yung bag at binitbit yon.
"Ano, wala man lang thank you?"
"T Y." sagot niya, parang bata talaga kahit kailan.
mga ilang sandali lang at nasa tapat na kami ng bahay ko.
binuksan ko yung gate, at pinauna ko si wonyoung.
at nung pumasok kami, humilata ako agad sa sofa at napapikit.
naweweirduhan talaga ako kay minjoo.
"Wonyoung, may sasabihin ako."
"Ano yon?" lumakad naman siya papunta sa isa pang sofa at umupo doon.
"Ako lang ba naweweirduhan kay Minjoo?"
"Ata? Di ko alam." she nonchalantly said. iba mood nito ngayong araw ah.
"Eh pano ba naman kasi, nung umalis tayo, nandoon siya sa Coloriz Café. Diba, tayo palang customers non sa umaga?"
"Madaming may alam na magbubukas sila nung araw na yon, kaya for sure nung pagkaalis natin, may mga customers na rin sila. Maaga kasi tayo pumunta don."
nagulat naman ako nung tumayo siya at pinausog ako.
"Umupo ka nga, hihiga ako."
sumunod ako, syempre. katulad ng kanina, pinatong niya sa hita ko yung unan at tsaka siya humiga.
"Natatakot ka no? HAHAHHAHA"
"Hindi. Gusto ko lang humiga."
tinitigan ko siya, at takot nga.
"Putangina mo. Wag mo ko titigan." sabi niya.
napansin ko yung mukha niya, bakit namumula?
"Gago, may sakit ka ba? Namumula ka."
"Bobo. Hindi. Tuloy mo na nga yang kinekwento mo."
kumuha siya uli ng unan, at tinakip niya yon sa mukha niya. parang bobo talaga.
"So ayon. Isa pang observation, hindi ko siya nakikita sa school. Wala naman akong nabalitaan na may nagtransfer."
"Oh, tapos?"
"Tapos, ngayon naman, nag-Baskin tayo, tas nandoon rin siya. Iniistalk niya ba ako?"
eh gago? hindi bat ang creepy non? kung nasaan ako, nandoon siya. stalker ko ba siya?
"Hindi ko alam. Tanungin mo siya, wag ako."
"Tch. Okay."
BINABASA MO ANG
❝ dense ❞ ; annyeongz
Fanfiction❝ tangina naman yujin, bakit ba ang manhid manhid mo? ❞ 𝙤𝙝𝙩𝙤𝙠𝙚𝙞. © OHTOKEI