Sa gilid ay may isang kabataan
Nakaupo at tahimik lang
Na kung titingnan mo siya ay nasa malalim siyang pag-iisip
Iniisip na saan ba siya lulugar, kanino sasama at kung ano ba ang dapat niyang gawin
Hindi alam kung sasabay sa uso
Hindi alam kung magpapalamon ba sa sistema ng modernisasyon
Hindi alam kung kanino sasama
Hindi alam kung kanino sasabihin ang problema
Problemang tinatawanan ng ibang kabataan
Na wari bang napaka OA at drama niya
Na wari bang isa siya sa mga kabataang nanlilimos ng atensyon
Na wari bang nanlilimos siya ng pagmamahal
Pagmamahal na hindi mo makikita sa labas
Yung pang habangbuhay na pagmamahal
Saan ba natin ito mahahanap?
Sa pera? Sa mga kagamitan? Sa nobyo o nobya? Sa kaibigan?
Saan ba natin mahahanap ang pang habangbuhay na pagmamahal?
Ah! Alam ko na!
Sa ating Panginoon
Ang ating Panginoon ang tanging makakabigay saatin nito
Ngunit maraming kabataan ang sarado ang puso't isipan
Na kapag sinabi mo sakaniya ito siya'y magbibingihan
Sasabihinh kalokohan
At kung anu-ano pang negatibo
Bakit maraming kabataan ang pilit na sinasarado at puso't isipan?
Bakit ba pilit kayong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan kapag ang Panginoon na ang usapan?
Bakit pilit niyong sinasara ang puso?
Hindi ba gusto niyo ang pang habangbuhay na pagmamahal?
Kung ganon bakit hindi niyo subukang tanggapin ang Panginoon?
Bakit di niyo buksan ang puso upang alisin niya lahat ng negatibo sa puso mo?
Huwag kang matakot na tanggapin siya
Dahil siya ang ating tagapagligtas
Siya ang ating kaibigan
Siya ang ating sandalan
Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba
Huwag kang mahiyang ipakita na naniniwala ka sa Diyos
Huwag kang mahiyang magdasal
Huwag kang mahiyang sabihin sa Panginoon ang iyobg problema
Huwag kang mahihiya
Dahil wala kang dapat na ikahiya
Lagi mong tatandaan na mahal ng Panginoon
Kaya ikaw kabataan hawakan mo ang aking kamay
At sabay nating puntahan ang tahanan ng Panginoon
Isuko natin ang buong buhay natin sakaniya
At tiyak ibibigay niya ang pang habangbuhay na pagmamahal na ating inaasam
Hindi pa huli ang lahat upang magbago
Handa ang Diyos na bigyan ka ng pagkakataon
Dahil pag tinanggap mo ang Panginoon,
Ang puso at isipan mo ay punong puno ng pang habangbuhay na saya at pagmamahal
BINABASA MO ANG
English and Tagalog Poems/Spoken Poetries
PoesieMga tula na gawa sa imahinasyon ko. Tungkol sa kahit ano love, friendship, family, and so on. Hope you guys would like it Please do not copy my poems. You can get some ideas but you can never copy it. Remember plagiarism is a crime. So please do not...