Mula Noon Hanggang Ngayon

1.1K 7 0
                                    

Nagsimula itong nararamdaman ko mula nang makita kita

Unang silay ng mga mata ko sayo ay hinangaan agad kita

Hinde ko alam kung bakit ganun kabilis kitang hinangaan ngunit wala naman masamang humanga diba?

Kaya simula nung araw na yun,lagi na kitang hinahanap

Hinahanap ang maamo mong mukha

Lumipas ang mga araw at linggo lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo

Wala ka naman ginagawa ngunit nabighani mo pa rin ang puso ko

Ngunit sa paglipas ng mga buwan duon ko lang napagtanto na may gusto ako sayo

Gusto kita,gustong gusto kita na sa sobrang pagkagusto ko sayo nahahalata ako ng mga kaibigan mo

Nahahalata nila na si tuwing nagtatagpo landas natin ay tinatawag nila ang pangalan mo

Tinatawag lamang nila ang pangalan mo ngunit para saken tinutukso nila tayo(ay teka wala nga palang tayo)

Hinde ko alam kung bakit ngunit natutuwa ang puso ko

Kahit sa simpleng panunukso na yun natutuwa pa rin ang puso ko

Alam kong napakababaw ng kaligayahan ko ngunit masisi mo ba ko kung mahal na kita

Mahal kita sa puntong umaasa ako

Umaasa ako na mapapansin mo ang nararamdaman ko

At umaasa ako na magugustuhan mo ang isang tulad ko

Ako na nagmamahal sayo!ngunit sayo,sayo na estranghero lamang ang tingin sakin

Masakit,masakit na estranghero lamang ang tingin mo sakin

Ngunit titiisin,titiisin ang sakit na nararamdaman upang ako'y iyong mapansin

Ngunit paano?paano mo ko mapapansin kung sa mga simpleng tingin mo lang ako'y napapaiwas ng tingin

Mga tingin mong napakalalim,napakalalim na hindi ko masisid

Gusto ko malaman,may pagtingin ka rin kaya sakin?

May pag-asa bang ako'y iyong mapansin?

At may pag-asa bang ako'y iyong mahalin at ika'y maging akin?

Ngunit alam kong isa lamang yun panaginip,panaginip na sa paggising ko ay sasalubong saken ang katotohanang hinde ako ang iyong mamahalin

Kaya mahal ko,ito na lamang ang sasabihin ko sayo

Mahal kita,mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo

Hinde ko man masabi sayo nang harap-harapan,ganun pa man ay nasabi ko sayo ang aking nararamdaman

Dahil mula noon hanggang ngayon minamahal pa rin kita bg lubos-lubos(kahit sobrang sakit na)

English and Tagalog Poems/Spoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon