Mundo'y walang kulay
Dahil sa napakagulong buhay
Walang mapagsabihan ng problema
Dahil ayaw nila akong makasama.Ngunit bigla iyon nagbago
Nang kayo'y dumating sa buhay ko
Tila ako'y nawala sa aking kulungan
At nawala ang dilim sa aking isipan.Sa hindi inaasahan ay nakabuo ng pagkakaibigan
Pagkakaibigan na may iba't personalidad
Na kung saan kami ay nagkakasundong lahat
Tunay at walang lamangan.Maaring nagkakaroon ng mga di pagkakaintidihan
Ngunit sa huli mas lamang pa rin ang pagmamahalan
Magkakabating muli
At tanggap lahat ng pagkakamali.Kaya't salamat aking kaibigan
Sa inyong pagtanggap
Maaring paghiwalayin ng tadhana
Ngunit pagkakaibigan natin ay di mawawala
Dahil ang inyong mga mukha ay nasa aking puso at isipan.
BINABASA MO ANG
English and Tagalog Poems/Spoken Poetries
PoetryMga tula na gawa sa imahinasyon ko. Tungkol sa kahit ano love, friendship, family, and so on. Hope you guys would like it Please do not copy my poems. You can get some ideas but you can never copy it. Remember plagiarism is a crime. So please do not...