Tunay na Pagmamahal

843 3 0
                                    

Magmula ng ako'y isilang ng aking ina
Pawang pagmamahal ang kanilang pinakita ni ama
Sila'y nagsilbi kong ilaw
Sila'y nagsilbi kong gabay sa mundong aking kinagagalawan
Sila ang aking sandalan sa tuwing ako'y nalulungkot at umiiyak
Dahil sa pang-aaway ng mga kalaro sa labas
Sila ang nagsilbi kong guro na itinuro saken tungkol sa makamundong bagay
Kung ano ang nararapat kong gawin sa mundong puno ng paghuhusga
Sila ang aking tagapagligtas na sa tuwing ako'y nalulungkot dahil sa mga taong mapanghusga
Sila ang nagsisilbi kong kanlungan
At ngayon, ako'y malaki na
Nagkakaroon ng mga ugaling hindi maganda
Panay na ang uwi ng hating gabi, dahil gumagala kasama ang mga barkada
Sa tuwing ako'y pinagsasabihan, ay sasagot ng pabalang
Dahil sa mga maling kaibigan, ako'y nalihis sa tamang daan
Ako'y nagpauto sakanilang mga matatamis na salita
Gagala kasama sila, uuwi ng gabi, mapapagalitan ni ina at ama
Yan ang madalas na routine ko pag-uwi sa bahay
Lumipas ang maraming panahon
At sa paglipas ng maraming panahon, ay maraming nagbago
Mas lalong naging pasaway at madalas sumuway
Nakikipag-inuman sa barkada
Nagbubulakbol sa eskwelahan
Paiba iba ng nakakatuluyan
Uuwi ng gabi at walang pakialam sa isip nilang dalawa
Yan madalas ko nang routine sa nakalipas na panahon
Na parang walang pakialam sakanilang mundo
At sa hindi inaasahang pangyayari, bigla ako'y iniwan ng aking mga kaibigan
Iniwan na umiiyak at walang matakbuhan
Dahil sa pag-uugali sa eskwela, ako ay pinatanggal
Napakaraming problema ang dumating sa aking buhay
Nasa kadiliman, umiiyak dahil sa mga patung patong na problema
Walang masabihan ng bigat na dinadala
Nang biglang tumabi ang aking mga magulang
At tinanong ang aking problema
Sa una ay nagdadalawang isip pa
Nahihiya dahil sa mga kasalanan na nagawa
Ngunit nagawa ko pa rin ibahagi sakanila
Imbes na sila'y magalit at ako'y saktan
Ako'y kanilang yinakap
At sinabihan na "magiging ayos din ang lahat"
Nang marinig ang salitang iyon, hindi maiwasang umiyak
At paulit ulit na manghingi ng tawad
Sa dinadami ng kasalanan na aking nagawa, ako pa rin ay kanilang pinatawad
Tinulungan nila akong bumangon sa aking pagkakadapa
At sinuportahan sa aking pagsisimulang muli sa buhay
At duon na napagtanto na, kahit marami kang kasalanan sa iyong magulang
Kahit napakalaki nito
Ang pagmamahal nila sayo ay hindi pa rin magbabago
Dahil ang kanilang pagmamahal ang nagbigay suporta sa buhay kong puno ng pagsubok.

English and Tagalog Poems/Spoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon