Isang bagay na ayaw nating mawala
Saan man tayo magpunta, bitbit naten siya
Hindi lang ginagamit sa paglalaro
Hindi lang ginagamit sa panunuod
Hindi lang siya pampalipas ng oras
Oo, maaring isa ito sa dahilan ng ating pagpuyat
Ang dahilan ng pagiging lutang natin tuwing nag-aaral sa eskwelahan
Ang dahilan ng paglabo ng ating mga mata
Ang sagabal sa ating paggawa
Ngunit kahit na ito ay may negatibong epekto sa ating buhay
Ay mayroon rin naman tong magandang epekto sa ating buhay
Maari natin ito magamit sa ating pag-aaral
Sa tuwing may research ay hahanapin ito at kay pareng google ang punta
Upang makahanap ng impormasyon
Dahil sa gadget ay nagiging updated tayo sa mga nangyayari sa ating mundo
Nagkakaroon tayo ng komunikasyon
Napapabilis ang mga gawain
Nagiging advance mag-isip
At nakakausap natin ang mga mahal sa buhay na malayo sa atin
Gamit ang gadget ay nagkakaroon tayo ng magandang komunikasyon sa ating kapwa
Kaialangan lamang gamitin ito nang may disiplina
Hindi ang gadgets ang may sala
Kundi tayo na walang disiplina
Kaya't ating baguhin ang ating sarili
At i-balanse at paggamit ng gadgets
Dahil kung gagamitin naten ito ng may wasto at may disiplina
Tayo ay mamumuhay ng mayroong magandang ugnayan sa ating kapwa at pamilya
BINABASA MO ANG
English and Tagalog Poems/Spoken Poetries
PoésieMga tula na gawa sa imahinasyon ko. Tungkol sa kahit ano love, friendship, family, and so on. Hope you guys would like it Please do not copy my poems. You can get some ideas but you can never copy it. Remember plagiarism is a crime. So please do not...