Mga Pangarap na Hindi Natupad

1.1K 3 0
                                    

"Mahal kita, akin ka lang"
Salitang binitawan mo nung tayo pa
Na napakasarap pakinggan
Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nagsimulang dalawa?
Nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan na laging nagkukulitan, nagtatawanan at sabay na nakikinig sa musikang hilig nateng dalawa
Naalala ko pa nga yung isang bagay na nagkasundo tayong dalawa
Alam mo yung tipong pinagbiyak tayo para sa isa't isa
Yung tipong lagi akong nasa tabi mo at handang makinig sa mga  kwento mo, kahit na puro kalokohan pa ang mga ito
Naalala ko din yung mga araw na sabay nateng binuo yung mga pangarap na sana sabay nating gagawing dalawa
Kaso sa hindi inaasahang pangyayari, bumitaw ka
Ngunit lumaban pa rin ako para sating dalawa
Dahil mahal na mahal kita
Kahit na ako'y nahihirapan na, ako'y lumaban
Kaso nagulat ako nung biglang napagod ka na
Akala ko "tayo hanggang huli" ngunit ako pala ay nagkamali
Walang araw, oras na inaasahan kong babalik ka pa
Kaso nalaman kong may iba ka na pala
Gusto ko sanang umasa sa pangako mong babalik ka pa, saglit aayusin ko muna sarili ko
Binigyan kita ng panahon dahil umaasa ako na sa pagkakataong maayos mo na yung sarili mo, ay maayos mo na rin yung tayo
Ngunit naalala ko na wala nang tayo dahil meron ng kayo
Iniwan mo ko sa mga pangarap nateng dalawa
Mag-isang umiiyak habang nakikinig sa paborito nateng musika
At umaasang babalik ka pa
Pero para saan pa nga ba?
Kung masasaktan naman ako sa parehong paraan
Ngunit patawarin mo ko, mahal ko
Lilisan na ako sa pangarap na sabay nateng binuo
Dahil napapagod na rin ako
Napapagod umasa na babalik ka pa
At napapagod umasa na magbabago ka pa
Kaya patawad mahal ko kung ako'y lilisan na
Sa mga pangarap nateng dalawa na hindi naman natupad
Paalam dahil hindi na kaya ng puso ko
Sana'y maging masaya ka sa piling ng bago mo
Habang ako ay nagluluksa dahil sa sakit ng panloloko mo.
At sa pagbalik mo, wag kang umasa na ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko

English and Tagalog Poems/Spoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon