Two

43 7 5
                                    

Maaga akong nagising alas-sais palang ay gising na ako para magawa ang dapat kong gawin.

Bumangon na ako, at hinanda ang mga gamit ko para sa trabaho. Hinanda ko na din ang uniporme ko para sa fast food, rekta na kasing sinusuot yun, nagpapalit nUalang after ng working hour mo.

Kinuha ko na ang tuwalya at bumaba. Nagsaing muna ako para habang naliligo ako ay naluluto na sya, pang buong araw na ang sinaing ko para hindi aksayado sa gas. Hindi na ako nagluto ng ulam dahil de lata lang naman ang uulamin ko para less hassle.

Nang maisalang ko na ang sinaing ko ay nagsimula na akong maligo. Kuskos dito, kuskos dun, buhos ng tubig, shampoo ng buhok, buhos ulit ng tubig, toothbrush, mumog. Ayan tapos na akong maligo!

Pagtapos ko ay, sinilip ko ang niluluto kong kanin, pain-in pa lamang ito. Binuksan ko na yung uulamin ko, sinalin ko sa bowl at nilagay sa loob ng niluluto ko para uminit din ito.

After a couple of minutes, naluto na ng tuluyan ang kanin, at syempre kumain na ako dahil baka malate pa ako sa trabaho ko. Matapos kong kumain, nag-toothbrush ulit ako, para fresh ang breath hahaha!

Umakyat na ako at nagbihis ng damit pang-trabaho. 7:16 am palang naman medyo maaga pa. Pero kailangan ko parin magmadali dahil baka traffic ngayon, kasi ganon pag umaga, oras ng pasok ng mga tao. Bumaba na ako, nilock ko muna mabuti ang pinto ng bahay at umalis na ako.

Hindi naman ako naglakad ng mabilis dahil baka pagpawisan ako at mangamoy maasim pa ako. Kawala ng poise pag-ganun!

Mabuti na lang at may jeep na maluwang-luwang papunta sa trabaho ko, minsan kasi punuan ang jeep papunta duon kaya naman ang hirap sumakay, kinakailangan ko pang maghintay ng matagal. Tama na ang dada, tutal nakasakay naman na ako.

Nang mapuno na ang jeep ay umandar na ito. 7:35 na, 25 minutes na lang ay malelate na ako, kailangan kasi bago mag-eight naka time-in kana, yung para bang attendance. 2 beses palang akong umabsent sa mga trabaho ko dahil nagkasakit ako, walang nag-aalaga sakin nun, kundi sarili ko. Pinipilt kong bumangon para magluto, at bumili ng gamot. Ang nasa mind set ko ng mga oras na yun ay 'Kailangan kong gumaling agad dahil baka mawalan ako ng trabaho.' at dahil mabait ang Diyos, gumaling din ako after two days at back to work na ako.

"Para po!" Pagpara ko sa jeep.

Sarado pa ang pinagtratrabahuan mo dahil naghahanda pa kami. Nang makita ako ng guard ay agad ako pinagbuksan ng pinto.

"Good morning, Kuya Toto." Bati ko sa kanya, may katandaan na si kuya Toto, nasa 40's na sya.

"Magandang umaga din sayo, Allison." Bati nya rin at ngumiti sakin, ginantihan ko din sya ng ngiti at pumasok na.

Binati ko ang mga katrabaho ko, ganun din naman sila sakin. Nag-time in na ako para makapagsimula na.

Binaba ko ang mga table na magkakapatong, inayos ng lugar at pinunasan ito. Marami pa kaming ginawa, nag-mop ng sahig, nire-fillan ang mga lalagyanan ng softdrink at juice, at iba pang gawain ng isang fast food crew.

"8:10 na. Tapos na ba lahat? Magbubukas na tayo." Tanong ng Manager namin.

"Opo, tapos na." Sagot namin sa kanya. And as of cue nag-open na nga kami.

Medyo madami na ang tao, abala na kaming lahat sa pagkuha ng order, paghahatid ng order, paglilinis ng pinagkainan nila, pagpapanatili ng linis ng kapaligiran at paghahanda ng order ng mga costumer.

"Allison, pahatid sa #14 yung order nya." Paki-suyo sakin ni Meryl pagkatapos kong linisin ang isang table.

"Eto lang ba?" Tanong ko ng makuha ko na ang tray na may laman na order.

"Oo, ayan lang." Sagot nya sakin. Tumango na lang ako at umalis na.

"Here's your order, Sir." Nilapag ko ang order nya. "Eto narin po pala resibo mo." Inabot ko sa kanya yung resibo at bumalik na sa gawain ko.

Nang matapos ang oras ng trabaho ko sa fast food ay nagtime-out na ako para pumunta sa isa kong trabaho, isang tutor.

**

Ding dong.. Ding dong..

Mayaman ang tinuturuan ko. Grade 6 student ang tinuturuan ko, bunso sya sa pamilya nila. Ang alam ko dalawa lang silang magkapatid, hindi ko pa nakikita kapatid nya kahit kelan.

"Ate Allison!" Nang mabuksan ang gate ay agad akong niyakap ni Alice.

"Hello Alice! Kamusta?" Nakayakap sya sakin habang papasok kami ng bahay nila. Ang cute-cute ni Alice!

"Okay lang po! Ate Allison, wala na naman po sila Mommy." Malungkot nya sabi sakin. Madalas kasi wala sila Ma'am at Sir kaya lagi syang malungkot. Kaya kung minsan pag wala akong trabaho, sinasamahan ko sya. Pero minsan lang yun.

"Para sa inyo naman ng kapatid mo yun e. Nagtratrabaho sila para mabigyan kayo ng magandang buhay. Mabuti ka pa nga may magulang ka pa, andyan para sa inyo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumingin sya sakin at ngumiti, "Tama ka naman, Ate e. Andyan nga sila pero parang wala din dahil lagi silang wala. Wala silang oras kasama kami, laging may meeting pati sunday na supposed to be family day, wala sila." Ngumiti sya ulit sya sakin, mahahalata mo sa mata nyang malungkot sya. "Daig pa namin ang walang magulang, Ate."

Malungkot na naman sya. "Nako! Ang lungkot na naman ng princess namin." Princess ang tawag ko sa kanya, mukha kasi sya princesa.

"Hahaha! Hindi na ako malungkot, Ate! Andyan ka na kasi!" Masayahin naman syang bata nagiging malungkutin pagdating sa pamilya nya.

**

A/N: Hindi ko malagay picture ni Alice, mobile lang kasi gamit ko, walang multimedia.

Captured MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon