Five

28 5 2
                                    

"Hoy! Bitawan mo s'ya!" Sigaw ng lalaki at tinulak 'tong unggoy paalis sa ibabaw ko.

"Miss, tabi ka muna du'n." Sabi sakin ng lalaking tumutulong sakin.

Sinunod ko agad sya, ayaw ko din naman masaktan pa. Pinagsusuntok ng lalaki si Unggoy at hinila palabas ng store, hindi ko alam kung saan nya dadalhin yung unggoy na yun.

Umupo muna ako. Nanginginig pa rin ako sa takot, hindi pa din tumitigil ang agos ng luha ko. First time nangyari sakin 'to. Mabuti na lamang may dumating at tinulungan ako.

Mamaya ay bukas ulit ang pinto ng store, napatayo ako baka bumalik yung unggoy. Nakayuko lang ako, kaya hindi ko makita kung sino ang pumasok, natatakot ako baka saktan na talaga nya ako ng tuluyan.

Napa-atras ako ng hawakan nya balikat ko. "Miss, wag ka matakot. Ako 'to yung nagligtas sayo, wag ka nang magalala nasa baranggay na yung lalaki nanloob dito sa store nyo." Tumingala ako at tinignan sya.

"S-salamat sa t-tulong mo." Nakapagsalamat ako sa kanya kahit umiiyak pa rin ako.

"Walang anuman. Wag ka nang umiyak, ligtas ka na naman, hindi ba?" Tumango lang ako.

"May number ka ba ng Boss mo?" Tumango lang ulit ako.

"Pwede ko bang makuha? Tatawagan ko sya para maka-uwi ka na." Kinuha ko cellphone ko sa bulsa ko at hinanap ang number ng Boss ko para maibigay sa kanya.

"Eto oh." Inabot ko sa kanya cellphone ko para makuha nya ang number.

Nang makuha na niya ang number, lumayo muna sa sakin ng konti.

"Hello? Good evening ho. Andito po ako sa convenience store nyo. May nangyari ho kasi gulo- Okay na naman ho, nasa baranggay na yung lalaki. Pwede po bang mag-off na yung kahera nyo?" Nilayo nya saglit ang cellphone sya kanya at tumingin sakin. "Ano nga pala pangalan mo?" Tanong nya.

"A-allison Ventura." Tumango lang sya, at kinausap muli si Boss.

"Si Allison Ventura ho ang naka-duty ngayo. Sige ho, hintayin ka namin dito." Binaba na nya ang cellphone nya.

"Allison, papunta na Boss mo dito, hintayin na lang natin." Pagbigay alam nya sakin.

"Sige. Salamat ulit." Pagpapa-salamat ko, nakayuko pa rin ako.

Nang tumingala ako, nakita ko syang nakangiti- ngiting sincere.

Umalis sya saglit sa harapan ko, nakita ko syang kumuha ng kung ano sa fridge ng store.

"Eto oh.  Uminom ka muna, para kumalma ka, kanina ka pa nangiginig." Inabot naman nya sakin yung tubig na kinuha nya.

Ininom ko naman din agad, babayaran ko nalang 'to.

Maya-maya pa ay dumating na din si Ma'am.

Agad s'yang lumapit sakin at niyakap ako.

"Allison, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nya?" Nag-aalala onyang tanong. Mabait at maalalahanin si Ma'am Sopia hindi tulad ng iba. Isa pa, dalaga sya.

"A-ayos lang po ako, Ma'am. Hindi naman po nya ako nasaktan, dumating po kasi sya." Sagot ko sabay turo kay Kuya Saviour.

"Thank you sa pagligtas kay Allison. Mr?" Ma'am

"Gabriel po." Sagot nya. "Thank you ulit, Gabriel." Tumango lang sya at ngumiti.

"Sigurado ka bang hindi ka nya nasaktan, Allison? Mag-pacheck up tayo." Halata sa mukha nya ang pag-aalala.

"Opo Ma'am, ayos lang po talaga ako, hindi na po natin kailangan magpacheck-up." Nginitian ko sya para mawala na ang pag-aalala nya.

"Sigurado ka?" Tumango lang ako. "Sige umuwi ka na. Mag-pahinga ka, okay? Sige na, Mag-ingat ka. Ako na bahala dito." Inalalayan nya akong tumayo, umalis sya saglit at pumasok sa staff room, pagkalabas nya ay inabot nya sakin ang bag ko.

"Salamat po, Ma'am. Pasensya na po sa abala." Pagpaumanhin ko.

"Okay lang yun, ang mahalaga ay ligtas ka."

Nakangiti nyang sagot.

"Pa'no po kayo dito, Ma'am? Wala kayong kasama." Tanong ko.

"Magsasara na ako. Wag ka ng mag-alala. Sige na, umalis kana." Sagot nya.

"Ingat ka po, Ma'am." Tumango lang ito sakin.

Lumabas na ako ng store, 11 pm palang. Dalawang oras lang ang trinabaho ko, mas okay ng umuwi ako, hindi ko na rin kakayanin pang magtrabaho matapos ang nangyari kanina.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Alice Calling

Si Alice? Ba't naman kaya sya tumatawag ng ganitong oras?

Sinagot ko na ang tawag, tuloy-tuloy na kasi ang pag-ring nito. "Hello Alice? Ba't ka napatawag, late na ah?" Dire-diretsyo kong tanong.

"A-ate?" Nanginginig ang boses nito.

"Alice, anong nangyayari sayo?" Nag-aalala na ako, first time nyang tumawag sakin ng ganitong oras.

"Ate, p-pwede ka bang pumunta d-dito ngayon sa bahay? Please?" Paki-usap nya.

"Teka lang. Pasakay na ako ng jeep! Wag ka nang umiyak. Wag mong i-end yung call, okay?" Natataranta na 'ko. Talaga naman oh! Kailangan sabay-sabay? May nangyari sakin pati ba naman kay Alice? Im not sure kung may nangyari nga sa kanya, pero natataranta pa rin ako.

"Opo, Ate." Sagot nya, narinig ko pang suminghot sya.

Nang may nakita na akong jeep, agad ko 'tong pinara. Naramdaman kong may isa pang sumakay, at tumabi sakin. Pag-tingin ko si Gabriel ang katabi ko. Ginagawa nito dito?!

"Anong ginagawa mo dito? Ito ba daan mo pauwi sa inyo?" Curious kong tanong.

"Ginagawa ko dito? Malamang nakasakay?" Tanong nya na may halong pagka-sarcastic. Aba loko to ah! "Kung ito daan pauwi samin? Hindi." Sagot nya ulit.

"Hindi? E, bakit ka sumakay?" Nagtatakang tanong ko. Hindi kaya may balak din syang masama sakin. Agad napakunot ang noo ko sa iniisip ko.

Nagulat ako ng bigla syang tumawa. "Wala akong gagawing masama sayo, binabantayan lang kita hanggang sa makauwi ka, baka kasi balikan ka ng kasamahan nya." Nagmamagandang loob lang pala sya. Sorry naman daw!

"Teka, pa'no mo nalaman iniisip ko? Wag mong sabihing nakakabasa ka ng isip? Hindi kaya-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumawa na naman sya. Baliw po sya!

"Hindi ako mind reader at lalo nang hindi bampira." Napakunot nalang noo ko.

"E, pa'no mo nalaman iniisip ko?" Tanong ko.

"Ang dali kasing basahin ng ekspresyon ng mukha mo, nakakunot ang noo at nakatingin ng masama sakin." Ganun ba ginawa ko?

"Ah okay." Wala na akong masabi e.

"Ikaw, dito ba daan mo pauwi sa inyo?" Biglang tanong nya, agad naman akong napatingin sa kanya at umiling.

"Kung hindi din dito daan mo pauwi, ba't ka dito pupunta?" Halata sa mukha nya ang pagtataka.

"Pupuntahan ko yung tinuturuan ko." Simpleng sagot ko.

"Nang ganitong oras?" Nanlalaking matang tanong nya sakin. "Oo, emerg-" Naputol ang sasabihin ko ng magring ang cellphone ko.

Alice Calling

Nakalimutan ko si Alice!

Captured MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon