Andito ako ngayon sa isang park, kumukuha ng mga litrato. Hindi ako photographer, sadyang mahilig lang ako kumuha ng mga litrato. Kahit saan ako napunta ginagawa ko iyon.
Ang sarap sa pakiramdam na, hindi lang sa isipan mo naalala ang mga pangyayaring naransan mo kundi meron ka rin mga litrato na nagpapatunay na nanduon at naranasan mo iyon.
Kanina pa ako nandito sa park, pinagmamasdan ang mga batang galing eskwelahan na naglalaro kasama ang mga kamag-aral nila. Magkasintahan na naglalambingan, at mga pamilyang masayang nagkwekwentuhan ng kanya-kanya pangyayari sa buhay nila.
Ni-isa doon wala ako. Wala akong kaibigan, kasintahan at lalo nang wala akong pamilya.
May pamilya ako noon, pero wala na sila. Labing-pitong taon ako nang kinuha Niya sila. Hindi ko sila tunay na magulang pero tinuring at minahal nila ako na parang tunay na anak. Hindi nila ako pinabayaan, hanggang sa dumating yung araw na iniwan nila ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yun, wala kaming ibang kamag-anak para umalalay sakin. Nairaos ko ang kanilang libing, mag-isa lamang ako nu'n, walang sinasandalan para umiyak, walang makausap para mapaglabasan ng hinanakit. Wala.
Mabuti na lamang napagtapos ako nila Nanay at Tatay ng fourth year high school. Kahit paano nakahanap ako ng trabaho, kadalasan kasi sa mga trabaho kung hindi ka college graduate, at least ay graduate ka ng High school.
Sa ngayon hindi ako nag-aaral, hindi pa kasi sapat ang ipon ko. Ang dami kong gastusin sa pang araw-araw na pangangailangan ko. Malaking tulong ang bahay na tinitirahan ko, hindi ko na kailangan pang magrenta ng bahay dahil sa magulang ko ang bahay na iyon.
Ang hirap pala mamuhay mag-isa. Kinakailangan mong mag-trabaho ng mag-trabaho para magkapera. May tatlo akong trabaho, isa akong crew sa isang fast food chain at tutor ng isang grade school student at cashier sa isang convenience store. Mahirap magtrabaho lalo na't tatlo ang trabaho ko , sobrang nakakapagod. Alas-otso ng umaga dapag nasa fast food na ako, hanggang alas-kwatro ako ng hapon duon, pagtapos ko duon ay dumidiretso na ako sa tutor ko, from four thirty to eight thirty naman ako dun, nine pm to two am naman ang trabaho ko sa convenience store. Pag nadagdagan pa ng isa ang trabaho ko iisipin kong si Wonder Woman na ako hahaha.
Masaya kong kinukuhanan ng litrato ang mga tao sa park, ang sasaya nila, animo'y wala silang mga problema.
Oo nga pala, etong camerang ginagamit ko ang regalo sakin ng magulang ko ng maka-graduate ako ng high school, kaya kahit hirap na hirap ako hindi ko ito magawang ibenta o isangla.
Tumingala ako sa kalangitan, nag-sisimula nang dumilim ang kalangitan, uulan ata. Wag sana, wala akong dalang payong!
Tumayo ako sa kinakaupuan ko ng maramdaman kong umaambon na. Sabi na nga uulan e! Nagmadali akong tumakbo at humanap ng masisilungan. Nakasilong ako sa labas ng isang book store.
"Ano ba yan ang lakas ng ulan!" Reklamo ko, habang pinapag-pagan ang sarili ko.
"asdfghjkl?" Biglang akong kinalabit ng lalaking katabi ko. Nagtatakang tinignan ko sya.
Tinanggal ko ang ear phone ko, tsaka binalingan muli sya ng tingin.
"Naka-ear phone pala, kaya hindi ako narinig." Bulong nya.
"Bakit, kuya?" Tanong ko.
"Okay ka lang ba? Kinausap mo kasi sarili mo." Ah yun pala.
"Oo naman. Ge!" Sagot ko at nagpaalam na din ako. Kailangan ko ng umuwi sa bahay, gutom na ako at kailangan ko magpahinga ng maaga dahil lunes na naman bukas.
Tumakbo ako papunta sa kabilang side ng street dun kasi ang sakayan ng jeep papunta sa bahay ko. Sumilong muli ako sa waiting shed, wala pa kasing jeep na nadaan.
Nang may nakita akong jeep, agad ko itong pinara ng makauwi na ako. Pumara na ako sa jeep ng makarating ako sa street kung saan ako nakatira.
Nang makauwi ako agad ako naligo at nagpalit ng damit, baka magkasakit pa ako, mahirap yun. Pagkatapos kong naligo at magbihis, nagluto na ako ng pagkain ko. For meryenda and dinner na ito.
Fried fish and rice ang niluto ko, mabilis lang kasi lutuin ang isda. Habang nakain ako, iniisip ko kung ano kaya ginagawa namin nila Nanay at Tatay sa mga oras na ito? Nanunuod kaya kami, nagkwekwentuhan, naglalambingan o namamasyal? Three years na silang wala but for me parang kahapon lang. Simula nang mawala sila, natutunan ko lahat, magluto, maglinis ng bahay, magtrabaho at kung minsan maranasan ang hindi kumain sa loob ng isang araw. Twenty na ako, hanggang ngayon mag-isa parin ako.
After I ate, hinugasan ko na ang pinagkaingan ko at naglinis ng bahay, para naman wala na akong lilinisin kinabukasan. Naupo muna ako sa sala para magpahinga, at manuod ng tv.
Sa oras na 'to balita pa lang ang paglabas sa mga telebisyon. Pagkatapos naman ng balita, ay may palabas na din. Lagi kong inaabangan yung palabas ng Crush ko. Uy, may crush din naman ako kahit paano nu!
Si Liam Ventura yung crush kong artista, may palabas kasi sya pagkatapos ng balita. Ang gwapo nya kaya. Hihihi!
Tapos na yung balita! Yes. Mapapanuod ko na din si Liam. Nine na ng matapos ang palabas nya. Kailangan ko ng matulog, inaantok na din naman ako.
Umakyat na ako para matulog, I pray to Him, thanking Him for the blessings, and for keeping me safe always. After kong magdasal natulog na ako.
Another tough week for me. Hayys.
BINABASA MO ANG
Captured Moments
RomansaAll I have is captured moments with you. © Chareelot Started: August 2014 Finish: -----