Three

50 4 5
                                    


Nang makapasok na kami sa bahay nila, nagkwentuhan kami saglit, pero hindi ko na inopen up pa ang tungkol sa parents nya baka kasi masira ang mood nya.

"Princess, may assignment ka ba?" Tanong ko sa kanya habang nilalabas ang mga books nya.

"Wala po, Ate Allison. Wala naman kaming ginawa sa school kanina, may urget meeting kasi ang mga teachers." Sagot nya sakin tsaka sumubo ng chocolate cake.

"Ganun ba? E, ano lang ginawa nyo sa school?"

"hm. Kwentuhan lang po." Sagot nya.

"O sige. Mag-advance reading tayo, para mas mabilis mo ma-catch up ang lesson nyo, okay?" Kinuha ko yung English book nya.

"Po? Mag-aaral pa rin po tayo?" Takang tanong nya.

"Oo naman. Kahit naman wala kayong lesson kanina, dapat pa rin mag-advance ka." Mukhang tinatamad ang Princess ko.

"Ate naman e!" Naka-nguso nyang sabi sakin.

"Tinatamad ka ba, Princess Alice?" Tinitigan ko sya sa mata, nag-iwas sya ng tingin at tumango.

"Nako. Hindi pwede yun Princess." Tumingin sya sakin, nginitian ko sya. "Sige, mag-aadvance reading tayo, pagtapos mo basahin, tatanungin kita,okay?"

"Sige po, Ate. After ba natin Ate aalis kana?"

Malungkot nyang tanong. 5:30 palang naman may 3 hours pa kami.

"Hm. Hindi muna, pero pag 8:30 na kailangan ko na umalis, alam mo naman na may isa pa akong work diba? Bilisan na lang natin, pero dapat may naintindihan ka talaga, okay?" Paliwanag ko sa kanya.

"Okay Ate. Start na po tayo para matapos agad Hihi." Natatawang sabi n'ya.

Nag-start na kami ng pag-aaral. Pinabasa at tinanong ko sya tungkol sa mga nabasa nya, para makasigurado akong may natutunan nga s'ya. Nag-aral lang kami ng nag-aral, siguro natapos kami seven na.

"Hay! Natapos din tayo, Ate! Grabe ka talaga." Parang pagod na pagod naman 'to. Hahaha sabagay nakakapagod nga naman magbasa.

"Hahaha. Kailangan yan, Alice. Trabaho lang po~" Natatawang sabi ko.

Nagkwentuhan muna kami habang hindi pa tapos ang oras ng trabaho ko.

"Ma'am Alice, nakahanda na po ang hapunan." Sabi ni Ate Maira, kasambahay nila.

"Sige po, salamat. Ate, dito ka na kumain minsan ka lang kumain dito. Lagi mo kasing sinasakto ang oras mo." Totoo yun, sinasakto ko lagi ang oras ko, alam ko kasing papakainin nila ako, nahihiya ako pag ganun. Kaya hangga't maari sinasakto ko ora ko.

"Hindi na, Alice. Eight na din kasi."

"May 30 minutes pa naman, Ate Allison e. Please, join me. Mag-isa na naman akong kakain." Kinu-konsensya ata ako ng bata 'to!

"Sige, pero after that aalis na ako ha? Baka malate ako sa trabaho ko." Pagsang-ayon ko sa kagustuhan nya.

"Yes! Sabi na nga ba hindi mo matatangihan ang charms ko! Im so brilliant talaga Hohoho." Juice colored, nautakan ako ng batang ito!

Hinila na ako ni Alice sa Dining para makakain na kami.

"Ate, Ilan ba trabaho mo?" Tanong nya sakin habang nanguya.

"Alice, don't talk if your mouth is full. Pangit tignan yan sa babae o sa lalaki man. Tatlo, tatlo ang trabaho ko, umaga, hapon at gabi."

"Ano?! Tatlo?! Ate, nagpapahinga ka pa ba? Baka naman magkasakit ka sa dami ng trabaho mo!" Nanlalaki ang mata n'ya. Nakakatuwa talaga sya.

"Oo naman nakakapag-pahinga pa ako. Mabuti mabait si Lord, hindi ako binibigyan ng sakit." Nakangiti parin ako sa kanya.

Totoo naman nakakapag-pahinga parin naman ako pero hindi maiiwasang hindi mapagod, lalo na't tatlo ang trabaho ko, five times a week ang trabaho ko. Sabado at Linggo lang ang pahinga ko.

"Ganyan mo talaga ka-kailangan ng pera, Ate at talagang tatlo pa ang trabaho mo?"

"Sa ngayon, masasabi kong, oo kailangan ko ng pera dahil marami akong gastusin at nagiipon ako para sa pagaaral ko ulit. Gusto ko makapagtapos." Sagot ko sa kanya.

Tumango-tango muna sya bago nagsalita muli, "Ate, mahirap ba mabuhay mag-isa? Well, sa sitwasyon ko para mag-isa lang din ako pero iba pa rin ang sitwasyon mo dahil ikaw ang kumakayod para sa sarili mo. Ako kasi financially may sumusuporta sakin." Mahaba nyang lintanya.

"Oo, sobrang hirap. Kaya nga sinasabi ko sayo na maswerte ka pa rin na may magulang ka, may sumusuporta sayo, sakin wala." Ngumiti lang ako sa kanya ng malungkot, naalala ko kasi sina Nanay at Tatay, sensitive pa rin kasi ako when it comes to family topic.

"Sorry ,Ate ah? Tinanong ko pa sayo." Nakayuko nyang sabi, alam ng pamilya ni Alice ang lahat tungkol sakin, hindi naman as in lahat.

"Ayos lang. Pa'no ba yan, Princess 8:30 na kailangan nang umalis ni Ate. Pag may time ako dadaan ako dito, okay?" 8:30 na kasi, 30 minutes lang ang pahinga ko.

"Okay po, Ate. Pero may free time ka ba Ate, sa dami ng trabaho mong yan?" Nagtatakang tanong nya.

"Oo naman. Sabado at linggo ang free time ko. Alis na ako, ha? Promise babalik ako, dahil tutor mo ako! Hahaha." Totoo naman kasi, dalawang araw lang kaming hindi magkikita.

"Sige, Ate. Ingat ka ha? I love you, Ate." Kiniss nya ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

"I love you more, Princess. Bye na." Kiniss ko din sya at niyakap.

After ng good bye scene namin ay umalis na ako, need ko nang pumunta sa convenience store.

Captured MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon