Andito na ako sa work ko ngayon, medyo madaming kostumer kaya nakakapagod, pabalik-balik para ihatid ang order nila at para linisin ang pinagkainan nila. Well, that's life! Kailangan kumayod at kumita para mabuhay lalo na't ang mamahal na ng bilihin sa Pilipinas. Ang dating syete pesos na pamasahe naging 8.50 pesos dahil sa pagtaas ng gasolina. Hay! Buhay nga naman parang life. Ang daming korapsyon na dapat bigyan diin pero iba ang binibigyan pansin mga walang kwentang isyu kaya 'di makaunlad ang Pilipinas. Pati pagseselfie bawal na din, hindi ba't paglabag naman yun sa 'freedom of expression' ng mga taong mahilig mag-piktur?
Naputol ang mga hinaing ko tungkol sa problema ng Pilipinas ng tawagin ako ni Mattet.
"Alli, pahatid sa table #24." Utos sakin ni Mattet.
"Sige." Kinuha ko na ang order at hinatid na sa kostumer, isang pamilyang masayang nagkwekwentuhan. Namimiss ko tuloy sila Nanay at Tatay.
"Eto na po order nyo, Ma'am, Sir." Nilapag ko na ang order nila. "May kailangan pa po ba kayo?" Minsan kasi ang mga kostumer may pahabol, kaya naman bago kami umalis sa table nila tinatanong na namin.
"Wala na, Miss. Salamat." Sabi ng babae at ngumiti sakin kaya naman ngumiti din ako pabalik at kailangan yun sa trabaho namin ang aming 'a million dollar smile' Hahaha.
Umalis na ako pagkatapos nu'n para ipagpatuloy na ang mga gawain ko. Nakakapagod talaga!
Nag-off na ako dahil 4:30 na din. Buti pinakain kami kanina sa trabaho kaya dagdag ipon na naman! Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep at sumakay na ng may nakita akong jeep na ang byahe ay papunta sa paruroonan ko. Inexplain ko pa talaga ano? Hahaha.
Pumara na ako nang makarating kami sa kanto nila Alice. Lakad-lakad para makarating sa kanila, sayang ang pamasahe pag nagtricycle pa ako.
Nag-doorbell na ako, nang napagbuksan na ako ng gate ay pumasok na agad ako to start my job hehe.
Nadatnan kong nagbabasa si Alice habang nakain. "Alice?" Tawag pansin ko sa atensyon nya.
"Ate! Ate! Wala tayong aaralin ngayon." Masigla nyang sabi sakin na s'yang ikinataka ko.
"Bakit naman? Tinatamad ka ba kaya mo sinasabi yan?" Pang-aasar ko sa kanya.
Nag-pout at kumunot ang noo nya. "Nako, hindi po Ate! Wala kaming klase sa loob ng tatlong araw." Nakakatuwa talaga si Alice, nageexplain s'ya sakin habang winawagay-way ang kamay nya.
"Tatlong araw? Bakit anong meron?" Tanong ko.
"May ginagawang project at may aattendang seminar daw ang mga teacher sa loob ng tatlong araw kaya walang dapat pagaralan." Sagot n'ya.
"Wala man lang ba silang iniwang activity, home work or project sa inyo?" Diba ganun ang mga teacher pagwala sila may iniiwang gawain para may napagaaralan ang mga estudyante nila.
"Meron po assignment at project." Sagot nya habang nakangiti.
"Yun naman pala e. Taralets na, gawin na natin para matapos agad." Sabi ko at umupo na.
"Wala na po. Tapos na po lahat! Kaya chill na lang tayo. Nagawa ko na lahat." Proud n'yang sabi.
"Ngek! Wala na pala akong gagawin dito." Kailangan kong sabihin kay Ma'am na wala kaming ginawa ni Alice para di nila isama sa sweldo ko.
''Wala tayong gagawin about sa school pero may gagawin tayo sa kitchen!" Masiglang sabi n'ya.
"Ano naman gagawin natin dun? Magluluto, magbibake? Hahaha. " Natatawang sabi ko.
"Ang galing mo, Ate! Tama ka. Magbibake tayo! Hihi." Tumatalon pa s'ya habang sinasabi yun.
At ano? Bake? Nako hindi ako mahilig d'yan kahit pa nung high school, culinary kasi ang TLE namin dati, alam nyo ba ang TLE? Basta yun! Culinary kami at major in pasty pa! Lagi lang akong katulong sa pamimili ng ingredient, pagmimix ng mga ingredients. In short, assistant lang ako mga chef chefan.
"Hindi ako marunong magbake, Alice. At isa pa bata ka pa hindi ka marunong sa kusina, baka pagpinagsama tayong dalawa sumabog kusina n'yo. Edi nagbayad pa ako para mapa-ayos yun!" Exagge kong sabi sa kanya. Aba tama naman ako! Makakapagbayad pa ako ng wala sa oras.
"Don't worry, Ate Allison. Ako bahala sayo." Sabi n'ya at kumindat pa!
"Tama. Ikaw bahala sakin ako naman kawawa sayo." Nang-aasar kong sabi.
"Ihh. Naman Ate! Chill ka lang, walang kang mababayaran para sa paggawa ng kusina, leave it to me. Tsaka may cook book tayo, follow-follow lang parang sa instagram at twitter." Pati Instagram at Twitter napasama pa.
"Osya. Basta we should follow the procedure correctly, para iwas diskrasya. Okay?" Tumango-tango lang s'ya at hinila na ako papuntang kusina.
Aba't akalain mo yun, prepared na lahat. Equipment: check! Ingredients: check! Cook book: check! Take note hindi lang isa ang cook book kundi tatlo, puro about pastry lang naman.
"Hindi mo naman 'to pinaghandaan, ano." Natatatawang sabi ko.
"Hehe. Girls scout ata 'to, Ate!" Proud naman n'yang sagot.
"Game na, Ate." Hinila nya ulit ako at pinaupo katabi nya kaharap ang mga makakapal na cook book na ito. "First, kailangan natin ang recipe ng ibibake natin." Ay syempre kailangan talaga yun.
"E, ano ba ibibake natin?" Tanong ko.
"Ay! Oo nga nu? Recipe agad hinahanap natin wala pa pala tayong alam na ibibake. Hehe." Pasaway na bata. "Teka, baka may alam kang ibake Ate." Seryoso n'yang tanong sakin.
"Wala. Hindi ako mahilig sa ganyan." Boring kong sagot. Seriously? Wala talaga akong maisip.
"Ano ba yan? Sige, ganto nalang. Ikaw dyan sa isang book ako naman dito sa isa, then pag may nakita kang sa tingin mo masarap ifold mo yung page na yun, ganun din gagawin ko. After that tsaka tayo magdidecide kung ano ibibake natin." Mahaba n'yang lintanya.
Tumango na lamang ako. "Teka, para kanino ba 'to? At nag-effort ka pa talaga." Curious lang naman.
"For Mom and Dad. They called me, they say uuwi na sila, and I want to surprise them. Can you help, Ate?" For her parents naman pala. Akala ko naman para sa walang kabuluhang bagay lang.
"Of course, I'll help you." Napangiti naman s'ya dahil sa sagot ko. "What time ba sila uuwi?" Baka kasi maabutan nila kaming gumagawa edi hindi na yun surprise!
"Mom said, around 8 pm daw." Napatingin naman ako sa wall clock ng kitchen nila. 5 pm na.
"Let's start! We only have 3 hours to finish our mission." Nagstart na kaming maghanap at later on nakapag-decide na kami ng ibibake namin.
Good luck na lang samin. Hahaha. Two girls who don't know how to bake inside the kitchen, will surely need a guidance of adults. Well, good luck to the both of us.
BINABASA MO ANG
Captured Moments
RomanceAll I have is captured moments with you. © Chareelot Started: August 2014 Finish: -----