Six

31 3 1
                                    

Nakaka-inspire yung love story nina Hiro Mallari at Michelle Ann Banzo. Nakaka-touch yung sweetness nung lalaki.

**

"Hello Alice? Malapit na ako. Stay put ka lang dyan!" Dire-diretsyo kong sabi.

"Opo, Ate." Sagot nya.

"Alice?" Tanong ni Gabriel.

"Oo, sya yung tinuturuan ko." Sagot ko. "Para po!" Nang huminto ang jeep, dali-dali akong bumaba.

"U-uy, teka lang!" Kasama pa rin 'tong Gabriel na 'to!

Hinila nya yung braso ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Ano ba?! Namamadali ako! Baka ano nang nangyari kay Alice!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Nagmamadali ako!

"Teka lang naman kasi! Sasamahan nga kita, kaya pwede mang-antay ka!" Naging kalmado naman ako dahil dun, dapat kasi sinabi agad!

"S-sorry naman! Tara na nga!" Hinila ko na yung kamay nya ang bagal kasi.

"Mags-sorry nga pagalit naman. Ano kaya yun? Tss." May binulong sya pero 'di ko narinig.

Hindi ko na sya pinansin pero hila-hila ko pa rin sya.

"Hindi mo na ako kailangang hilain, kaya ko maglakad mag-isa." Mahinang sabi nya kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya.

"Tsk. Bilisan mo." Halos mag lakad-takbo na ang ginawa namin makarating lang agad sa bahay nila Alice.

Nang makarating kami agad akong nagdoor bell.

"E-eto bahay nang tinuturuan mo?" Tanong nya.

"Oo." Agad din naman may nagbukas ng gate, isa sa mga kasambahay nila. Teka, asan si Kuya Romano yung guard nila. Yaan na nga ang mahalaga si Alice.

"Ate, asan si Alice?" Nag-aalala na naman ako.

"Nasa kwarto nya, kanina pa umiiyak. Nagulat nga kami ng may narinig kaming malakas na iyak, agad kami pumunta sa silid nya kaso hindi kami pinapa-pasok sa kwarto nya. Ikaw hinahanap." Mahabang sagot nya. Ang tanong ko lang naman nasaan si Alice e.

"Osige po. Akyat na po ako, ha? Baka ano ng nangyari sa kanya." Tanging tango lang ang naging sagot nya, kaya naman dali-dali na akong umakyat at nagtungo sa kwarto nya.

"Alice, si Ate Allison mo 'to. Buksan mo na ang pinto, Princess." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Agad naman binuksan ni Alice ang pinto at niyakap ako ng mahigpit.

"Princess, ano bang nangyari sayo? Nag-aalala sayo sila Ate." Sabi ko sa kanya.

"A-ate na-napaginipan kong patay na daw sila Mommy at Daddy! D-duguan sila, hindi ko s-sila matulungan,Ate! Huhuhu." Paliwanag nya sakin habang umiiyak.

"Hush down, Princess. Andito lang kami. Tatawagan natin sila Mommy mo para maka-sigurado tayong okay sila. Pasok muna tayo sa kwarto mo." Tumango lang sya.

Ang hirap maglakad, nakayakap pa rin kasi sya sakin e.

Nang tuluyan na kaming makapasoksa kwarto nya ay pinaupo ko na sya.

"Kukuha lang ako ng tubig, okay?" Palabas na sana ako ng hilaim nya ang damit ko. Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Princess, kukuha lang ako ng tubig. Babalik ako agad." Umiling s'ya, hindi nya pa rin binibitawan damit ko. "May problema ba?" Yumuko ako para mapantayan s'ya.

Captured MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon