Four

45 6 5
                                    

Sumakay na ulit ako ng jeep papuntang convenience store. Dapat bibili ako ng pagkain para may lakas ako at hindi tinatamad-tamad pero nakalibre ako ngayon dahil pinakain ako ni Alice. Edi pamasahe lang ang ginastos ko ngayong araw.

Mababa lang ang sweldo ko sa mga trabaho ko, kung pagsasamahin mo lahat ng sahod ko ang total ay; 3500 + 2500 + 2500 = 8500.

Php 8,500.00 ang sahod ko, hinahati ko pa sa iba't-ibang gastusin. Enumerate ko mga gastuhin ko,

Electricity: Php. 1,000.00 (Minsan naman ay hindi isang libo ang ilaw ko, minsan mababa.)

Water: Php. 300.00+ (minsan kasi hindi saktong 300)

Food: Php. 2000.00 (For one month na yan, para hindi ako kapusin.)

Transportation: Php. 1,500.00 (Pang isang buwan na din yan.)

For myself: Php. 700.00 (Yung para naman sa gusto ko.)

Sinusobrahan ko talaga pamasahe just in case may kailangan akong bilhin. Php. 5,500.00 ang nagagastos ko sa isang buwan, at ang sobrang Php. 3000.00 ay iniipon ko sa banko para secured. Yung Php. 700.00 ay para sa gusto ko, hindi naman sya luho, kumbaga gift ko na sa sarili ko for my hard works.

Naikwento ko naman sa inyo na, kumukuha ako ng mga litrato? Pag may bago akong mga pictures pinapa-develop ko sya at nilalagay sa scrap book tapos nilalagyan ko ng mga caption. Yun kasi ang kasiyahan ko, nakikita ko yung mga pangyayari sa araw na yun.

Pumara na ulit ako, nasa kanto na kasi ako ng convenience store, nilalakad ko pa ng onti para makarating duon.

"Good evening po Ate Sam." Bati ko sa cashier, sya muna yung duty bago ako.

"Sayo din, Allison. Kumain kana ba?" Mabait si Ate Sam sakin, alam nya din kasi storya ng buhay ko. Hindi naman sobrang open book ang buhay, gusto ko lang ibahagi sa kanila.

"Oo, Ate pinakain ako ng tinuturuan ko." Nakangiti kong sagot.

"Si Alice ba 'yon? Yung kinu-kwento mo sakin?"

"Oo, Ate siya nga. Magbibihis po muna ako Ate Sam, para mapalitan na kita." Paalam ko.

"Sige." Ngumiti sya sakin.

Nagpalit na ako ng damit at pinalitan na si Ate Sam.

"Alis na ako, ha? Ingat ka dito, bunso." Paalam nya sakin.

"Opo. Ikaw din, mag-ingat sila sayo-este ingat ka sa kanila! Hahaha." Sabi ko. "Sira ka talaga. Alis na talaga. Bay-bay!" Natatawang sabi nya.

Nagsimula na ako magtrabaho, hindi ganun nakakapagod ang trabaho ko dito, chini-check ko lang stocks, inaayos ang mga products, at syempre cashier.

Nag-aayos ako ng stock ng marinig kong bumukas ang pinto ng store.

"Good evening po." Bati ko dito at ngumiti.

Tinitigan nya lang ako at ngumuti ng nakakaloko. Kinakabahan ako sobra! Unti-unti syang lumapit sakin, naging triple ang kaba ko! Please, sana walang syang gawing masama sakin!

Nang tuluyan na syang makalapit ay sinabunutan nya ako. "S-sir, an-ano p-pong problema? Bi-bitawan mo po ako!" Nauutal na ako sa takot.

Mas hinigpitan nya ang pag-sabunot sa buhok ko, ang sakit na! Wala tao dito ngayon, wala costumer at lalong wala si Manong Guard! Pa'no na ako neto! Nanay, Tatay tulungan nyo ko!

Nagpupumiglas na ako sa pagkaka-sabunot nya sakin at sinipa ko ang tuhod nya, napahiga naman sya sa sakit, mahihirapan syang tumayo kaya dun ko sya sinipa.

"Aray ko! Walangya kang babae ka!" Patakbo na sana ako palabas para humingi ng tulong ng bigla nyang nahila ang paa ko.

"Aray ko!" Napahiga ako sa sahig dahil sa ginawa nya.

Dinaganan nya ako at naglabas ng kutsilyo, hindi ko malaman kung totoo ang kutsilyo o peke,  mas nangingibabaw ang takot ko. Tinapat nya sa leeg ko ang kutsilyo.

"Pa-pakaw-walan mo ako!" Hindi ko magawang gumalaw, baka sa isang galaw ko lang may lumabas na dugo mula sa leeg ko.

"Papakawalan naman kita, Miss e. Ibigay mo lang sakin ang kita n'yo." Hinaplos haplos nya pa mukha ko. Natatakot na ako, sobra! Naiyak na ako.

Muli kong narinig ang pagbukas ng pinto ng store. Nana-nalangin ako na sana hindi sya kasabwat ng unggoy na 'to!

"Hoy! Bitiwan mo sya!" Lumapit yung lalaki samin at tinulak yung unggoy para mailayo sakin ang kutsilyo, kahit naiyak ako alam ko ang nangyayari.

Captured MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon