Sabi mo.

413 9 3
                                    

Sabi mo di ka aalis,

Pero bakit kasing bilis ng kidlat

Lumisan ka at tinangay ang lahat?

Na walang natira para sakin

Dahil pati puso ko tinangay mo kasama ng hangin.

Hangin na nagpapaalala sakin

Kung gaano kasaklap ang nangyari satin.

Sa kwento natin.

Sabi mo di ka mawawala,

Pero bakit umalis ka na lang bigla?

Naglaho na parang bula

At hindi na nagpakita.

Tanging iniwan sakin ang ating masasayang alala.

Anong nangyari sa kwento nating dalawa?

Anong nangyari bakit bigla tayong nasira?

Anong nangyari bakit tinuldukan mo ang ating storya?

Sabi mo lilibutin natin ang mundo,

Pero bakit nilisan mo ako gayong wala pa tayo sa dulo?

Sinusuyod bawat pulo

Para makita ang milyong-milyong piraso,

Piraso ng mundong hinayaan mong gumuho.

Dahil umaasang mahahanap ang daan pabalik sayo.

Umaasang matutupad ang mga pangako

Na binuo nung buo pa ang salitang tayo.

Sabi mo di mo ako sasaktan,

Pero bakit hinayaan mo akong mag-isa sa laban?

Ang sundalong handa kang ipaglaban

Ngayon ay nasasaktan at nahihirapan.

Nahihirapan na saluhin ang mga bala,

Dahil wala ng kasangga.

Nahihirapan bumangon sa pagkakadapa,

Dahil ang inaasahang kong saki'y poprotekta,

Umalis sa kalagitnaan ng giyera.

Sabi mo di ka bibitaw,

Pero bakit paggising ko isang araw

Mag-isa na lang dito sa mundong ibabaw?

Hinahanap at tinatanaw ang mga bulalakaw

Upang hilingin na ibalik ang dating ikaw.

Ikaw,

Na sa atensiyon ko'y tanging nakapukaw.

Na tanging nakapuno sa'king pagkauhaw.

Sabi mo ika'y kakapit,

Pero bakit iniwan mo akong mag-isa sa himpapawid?

Mag-isang tinatawid ang manipis na lubid

Hinarap lahat ng balakid

Dahil nagbabakasakaling ito'y pabalik sa'yong bisig.

Pabalik sa relasyon natin na puno ng pag-ibig

Na parang isang musikang puno ng masayang himig.

Sabi mo tayo hanggang huli,

Pero bakit iba ang landas na iyong pinili?

Tinatanong ang sarili,

San ba ako nagkamali?

Hinihiling bago matulog sa gabi

Sana nandito ka na sa'king tabi.

Kagaya ng dati

Na masayang nakangiti

Habang pinagmamasdan ang mga tutubi.

Sabi mo tutuparin natin ang mga pangakong ito,

Pero bakit hinayaan mong ang mga pangako ay mapako?

Minu-minuto. Segu-segundo,

Umaasang babalik ang dating tayo.

Na tuwing hapon ako'y magtutungo sa balon

Para humiling ng huling pagkakataon.

Huling pagkakataon na ibalik ang kahapon,

Yung masaya pa tayong naglalaro sa alon ng karagatan.

Pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan,

Sa ibabaw ng bubungan habang nagtatawanan.

Pumupunta tayo sa simbahan,

Para ipagdasal na magkasama pa din sa walang hanggan.

Marami akong bakit,

Pero walang pa ring sagot na kapalit.

Marami akong di maintindihan

Kagayan ng bakit mo ako iniwan?

Sana panaginip lang ang mga ito,

Upang magising na ako.

Magising na wala na talaga.

Magising na tapos na talaga tayong dalawa.

Magising na tinuldukan mo na ang ating storya.

Magising na hindi na pwede pa.

Magising na iniwan mo na ako,

Kasama ng mga pangako mo.

Kasama ng mga sinabi mo.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon