Walang tayo , Una sa lahat panaginip lang ito , panaginip na kung saan sa tunay na mundo ay nahihimbing ako , mulat sa katotohanang Hindi tayo , Walang tayo , na tanging isang pangarap na hindi ko makamit umaasang hindi ipagkait ng tulad mo ang salitang mahal mo din , Walang tayo , salitang sumasampal sa akin sa bawat sandaling ninanais ka parin , Tanging dito nalang ba kita muling makakapiling , sa panaginip na kung saan pantasya ko ay natutupad , dumaan ang ilang sandali tuluyan akong nagising sa pagkakahimbing , muli ko na namang haharapin ang katotohanang sakanya ka parin , na Walang tayo na kahit sa salamin ay hindi ko magawang aminin na akoy naka piring sa pagmamahal na hindi magiging akin , walang tayo ? oo alam ko sapagkat merong kayo , bagay kayo at alam ko na sayo nakalaan ang puso ng ibang taong higit na nararapat sayo , kaya ngayon mas nanaisin kong mahimbing sa sandaling mabalik ulit sa pag pikit ay muling mananaginip na ikay maging akin pagkat sa aking munting panaginip ay hindi imposible na akoy iyong mahalin .
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoesíaFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.