Para umakyat sa entablado
Tanggapin ang sertipiko
Para sa mga umano'y matatalinoTinawag ang pangalan ko.
Mayroong nagtatanong
Sagot sa ikatlong bilang
Na aki'y binalewalaTinawag ang pangalan ko.
At may mga dinagdag na salita:
Walang kwenta't walang modo
Ang sambit ng aking inaTinawag ang pangalan ko.
Isang boses na maligaya
Iyon pala'y, nasa aking ulo
Habang tumutulo ang aking luhaTinawag ang pangalan ko.
Tila 'di ako makagalaw.
Madaming taong nagsitakbo.
Kanina'y, sa bintana lang ako nakadungaw.
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.