"Ipinagpalit sa malapit"
Isa ka rin ba sa nabiktima?
Nang isang relasyon na masaya lamang sa una?
Ating imulat ang mga mata
Dahil kapag malayo ka ipagpapalit ka niya
Sabi nila pagmahal mo di mo ipagpapalit kahit kanino
Pero ano? Nawala lang ang aking anino
Napunta kana agad sa ibang lalake na di ko pa alam kung sino
Sabi mo noon di moko ipagpapalit
Pero ano? Porque malapit agad agad ka ng naakit?
Sino nga ba naman ako para hindi ipagpalit
Pagmamahal Pagmamahal
Jan ko natutunang sumugal
Kahit alam kong malayo ka
Mahal pa din kita
Pero imbis na mahalin mo rin ako pabalik
Ako'y iyong iniwan
Sumama ka sa mas malapit na kaya kang puntahan
Ganun nalang ba ako kadali iwan?
Dahil kung ako tatanungin mo
Base sa pinaramdam mo kapalit palit talaga ako
Sana dumating yung araw na muling magkita tayo
At sa araw na yun wala nakong pake sa mga sasabihin mo
Dahil di naman talaga basihan ang layo kung pano mo mahalin ang isang tao
Dahil kung mahal mo talaga ako di moko pagpapalit sa mas malapit sayo
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoezjaFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.