Dear Crush

1.5K 24 2
                                    

"DEAR CRUSH'

Sabihin natin na gusto kita pero di ko mapakita sayo dahil nahihiya ako o natotorpe ako, wala namang masama dun diba na magustuhan kita kasi babae ka lalaki ako! Hindi koto ginawa upang magpasikat,
o anuman ginawa koto dahil gusto ko ,gusto kong masabi sayo sa pamamagitan ng salita,
salita magsasabi na "Ikaw oo,
ikaw ang gusto ko di ko man masabi ng harapan at nasasabi ko lang sa salita sana ay matanggap mo" Napakaikli pero may kahulugan.
Gusto kong isigaw na gusto KITA kaso baka maraming humusga andami kong gustong sabihin sayo at gabi gabi kong panalangin " IBIGAY NIYO NA PO SIYA SA AKIN" medyo corny diba? Pero para sakin meaningful ganto pala ang pakiramdam na mahulog ka sa isang babaeng nakilala mo lang sa social media pero araw araw kita nakikita di mo man ako pinapansin pero nabubuo ang araw ko makita ko lang ang yung pagngiti gaganahan ako sa hanggang paguwi at dahil sayo ginanahan ulet ako sa pag-aaral nagkakulay ang mundo kong Black and White.
Tuwing umaga inaabangan ko ang yong pagdating sa ating paaralan mukhang tanga mang tignan wala e gusto kita at gugustuhin pa, Araw-araw kitang kukulitin mapansin mo lang ako pero dahil sa tropa ako'y napansin mo "Ate!ate crush ka niya" yun yung araw na di ko makakalimutan dahil sa sobrang saya at sa magkakilala tayong dalawa ikaw at ako'y parang malagkit na di mapaghiwalay tayo'y buong araw magkachat at sa tuwing may lakad ay sinasamahan ka para sigurado akong ika'y ligtas pero habang patagal ng patagal lalo akong nahuhulog sayo pero ng umamin ako biglang huminto ang pagikot ng mundo ng sinabi mong gusto mo rin ako at sa sinabi mong iyon ay tuwang tuwa ako di makatulog sa sobrang saya pero napaisip ako baka hanggang dun nalang? Araw-araw kong iniisip na baka may nagkakagusto sayong iba,mas gwapo,mas matalino at gustong gusto mo at yan yung taong mahirap labanan ang magagawa ko nalang ay supportahan ka sa lahat ng gagawin mo, ipakitang mahal kita, labanan ko siya kahit mahirap na kakayanin ko hanggang ika'y mapasakin.
Yan ang araw araw kong gagawin wag ka lang maagaw sa akin,
pagsisilbihan ka,gagawing kitang prinsesa, sa oras na kailangan mo agad akong pupunta sayo,
para lang mapakita kong mahal kita pero di ko alam kung ganun kadin sakin,di ko alam kung ako'y mahal mo rin,
di ko alam kung pwedeng magkaroon ng tayo.
Araw-araw gabi-gabi iniisip ko sanang mayrong tayo,
pero bat ganun akala ko masaya na tayo pero bakit may humahadlang sa ating dalawa ang yong mga kaibigan na di boto sa akin at bota sa iba! Ano ba ang wala sakin na meron sa iba ako lang nama'y tunay at seryosong nagmamahal sayo hindi katulad niya na katawan at pera ang habol sa iyo ang puso'y ko'y mawawasak kapag napunta sa iba hindi ko kakayanin kasi ika'y napamahal na gusto kong ipagsigawan sa mundo na " HOY! MAHAL KITA MAHALIN MO NAMAN AKO?!DI MO BA NAmkyK,oIKITA? KULANG PABA??"
At na pag isip-isip ko na itigil ko na to feeling ko kasi nahihirapan nako pero lalaban parin ako para sayo.
Pero hinihiling ko sana kung wala kang nararamdaman para sakin sabihin mo ng maaga maawa ka naman sa taong nagmamahal sayo ng todo pero pinapahirapan mo ano ba talaga gusto mo ? Boyfriend o katulong napapaisip ako kung para san yang ginagawa mo sakin para kunwari madaming nagkakagusto sayo? Para sikat ka? Kaya sana liwanagin mo kung ano ang namamagitan satin kasi mahal na mahal kita at ipakita mo lang na mahalaga ako gaganahan ulit akong magpakatanga sayo.
Ako kasi yung tipo ng lalake kayang mawala ang lahat wag lang ang babaeng pinakamamahal uunahin ka sa lahat bago ang sarili pero magtitira ako para sa sarili para kung sakaling iwan mo ko ay masakit lang hindi masakit na masakit pero wag kang mag alala hindi ko hahayaang mawala ka sa aking piling dahil ikaw ay ang aking binibi,prinsesa at mahal tatapusin ko na to hanggang dito nalang.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon