Ngayong gabi si san miguel ang bida, si patrick at allan, ang kanyang kasama, kami ang tatlong magkakaibigan na nagdadamayan
sa aking pagkabigo sila ang nakakaunawa"Bote ka pa?"
"bote pa!"Samut saring pulutan ang nakalapag makulay pa sa ating pinagdaan
tila may handaang nagaganap mani, sisig, balut, chichirya at inihaw na isda
isang perya ng panlasa ang dapat mararanasan
yan ang mga makakapag pasaya sa aking kalooban"Bote kapa?"
"bote pa!"imbis na makalimot dagdag lasing ang bawat tagay
at sa lasa ng mga pulutan
nais kong balikan ang nakaraan
kung saan sana'y di na sana kita nakilala
ang imahe mo saken na nag papasaya noon ito na ang nagpapalungkot ngayonsaksi ang bawat hagupit ng alak na umiikot sa aking katawan
pira pirasong larawan mo at mga binigay sa sahig nakaratay
luha't pagsisisi ang aking nararamdaman"Bote pa ba?"
"Sige bote pa!"Ngayon itatama na ang pait ng serbesa at ng iyong mga alala
katulad ng aking nararamdaman para kang baso na aking pinagtatagayan
bawat lagok, unti onti nakakalimot"sige lang bote pa"
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryFeel free to read this. Ito nga po pala yung mga compilation ng mga ginawa kong poetry or poems, Enjoy reading.