CHAPTER 22

1.8K 35 0
                                    

Dedicated to: Tae Tae

CHAPTER 22

Shayne's POV

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Iniisip ko si Kairum. Hindi kasi sinabi sa akin nina Eunice kung ano na ang kalagayan niya.

Hindi naman daw ako pwedeng pumasok doon sa clinic nila rito.

Nakakainis naman.

Lumabas ako ng kwarto. Sunday ngayon. Parang gusto ko tuloy magsimba. Ilang linggo na rin kasi akong hindi nakapagsimba.

"Ang tanga mo boss. Ba't ka naman nabaril?"

Nakita ko kaagad silang lahat na nag-uusap sa sala.

"Pupusta ako ng limang libo. Iniligtas niyan si Shayne." Ani Hanz.

Napatingin ako kay Kairum. Nakangisi siya. Mukhang wala man lang sa kanya ang nangyari kahapon. Akala mo tulog pa siya hanggang ngayon. Mabuti at mukhang ayos na siya.

"Isang tama pa boss. Siguradong mamamatay ka na." Sabi ni Eunice.

Napalunok ako sa narinig ko.

"Mukha yatang tayo na ang target nila ngayon."

"Syempre, niloko natin sila e."

"Siguradong kukunin talaga nila sa atin si Shayne. Ano sa tingin mo boss?"

Tumahimik silang lahat. Bakit ako ang pinag-uusapan nila?

"Mas lalo ko siyang pag-iingatan para hindi siya maagaw sa'kin."

"Wooh! Iba ang interpretation ko dun ha."

Napalunok ako.

"Hoy, andiyan si Shayne."

Napatingin silang lahat sa akin. Napaiwas kaagad ako ng tingin. Baka isipin nilang kanina pa ako nakikinig sa usapan nila.

Hindi ako lumapit sa kanila. Mas mabuti sigurong magkulong nalang ako sa kwarto. Hindi ko kayang makita si Kairum. Nang dahil sa akin ay muntik na siyang mamatay.

"Magpapahinga na muna ako." Sabi ni Kairum at tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin. Nakahawak siya sa kanyang tagiliran habang naglalakad pataas.

Iniiwasan niya ba ako?

Bigla kasi siyang umalis nang malaman niyang nandito ako.

Hayst! Mas mabuti na nga 'yun para hindi na kami mag-uusap pa.

"I'm just going to prepare our breakfast." Sabi ni Eunice at tumayo. "Shayne? Pwede mo ba akong tulungan?"

Tumango kaagad ako.

"Oo naman."

Nauna siyang naglakad papunta sa kusina. Ngumiti muna ako kina Apple, Hanz at Kieth bago ako sumunod kay Eunice.

"Ano ba ang nangyari kahapon?"

Napapatigil ako sa ginagawa ko sa tuwing nagtatanong sa akin si Eunice. She's frying while I'm preparing a coffee.

"Ahm... Pumunta kami kahapon sa rati kong paaralan."

"Tapos?"

"Tapos noong nasa labas na kami ay..."

"Ay ano?"

Napapikit ako.

"May van na pinaputukan kami ng baril. A-ako sana 'yung tatamaan k-kaso iniligtas niya ako."

Napatingin siya sa akin. Nakita ko kung paano umangat ang isang kilay niya.

"He saved you?"

Tumango ako.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon