CHAPTER 27

1.8K 43 1
                                    

Dedicated to: Animrac Selitnab-Aralat Nabetse

CHAPTER 27

Shayne's POV

Tahimik si Kairum. Nakatingin lang ako sa labas at hindi siya binabalingan ng tingin.

Sana mali ang iniisip ko. Sana talaga nag-a-assume lang ako. Sana feeling ko lang.

Isang buwan palang kaming magkakilala kaya imposible talagang gusto niya ako. Hindi naman siguro nahulog ang loob niya sa'kin di ba?

Lord, sana talaga hindi totoo 'tong iniisip ko.

I can't love him back. Eunice told me that he's only for Lauryn.

"Bumaba ka na."

Saka lang ako tumingin sa kanya nang sinabi niya 'yun sa'kin. Hindi niya na ako hinintay pa kasi nauna na siyang lumabas.

Nanatili pa rin akong nakaupo rito habang pinagmamasdan siyang naglalakad papasok.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang mawala na siya sa paningin ko.

Sigurado akong hindi niya na naman ako kakausapin.

"Shayne halika. May sasabihin kami ni Eunice."

Sinalubong ako ni Apple nang makapasok ako. Hinila niya kaagad ako papasok sa kwarto niya.

Nakita ko kaagad si Eunice pagpasok namin.

"Anong sasabihin niyo?" Tanong ko.

"Birthday kasi ngayon ni Hanz." Panimula ni Eunice.

Napasinghap ako.

"Talaga?"

"Yup! May party mamayang gabi sa swimming pool." 

Tumango lang ako.

"Here, suutin mo 'to mamaya."

May inihagis sa akin si Eunice. Halos mapamura ako nang malaman ko kung ano ito.

Bikini.

Inilingan ko silang dalawa.

"No, ayokong suutin 'to."

"Ano ka ba Shayne! Huwag kang KJ. Tayo-tayo lang naman e." Sita sa akin ni Apple.

Pinagmasdan ko ang hawak ko.

"Napakasagwa naman kasi."

"Don't worry, lalayo naman tayo sa mga boys. Sigurado naman akong may mga sariling mundo rin ang mga 'yun mamaya."

Matagal bago ako sumagot.

"Titingnan ko nalang. Sige, magpapahinga lang muna ako."

"Bakit? Napagod ka ba sa lakad niyo ni boss kanina?" Tanong ni Eunice.

"Hindi naman."

Marami lang talaga akong iniisip.

"Sos sige na. Marami kang ekwe-kwento sa amin ni Apple mamaya."

Magsasalita pa sana ako pero atat na atat na talaga akong magpahinga. Gusto ko munang matulog.

Hanz's POV

Birthday ko nga ngayon pero ang mga gago ako pa ang ipinagbitbit nitong isang case ng beer.

Ang sarap pagbabarilin e.

"Hoy Ghandi! Bilisan mo nga! Uhaw na uhaw na ako rito o."

Pabagsak kong inilagay ang hawak ko sa lupa.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon