CHAPTER 21

1.8K 35 0
                                    

Dedicated to: Annalyn Villacarlos

CHAPTER 21

Shayne's POV

"K-Kairum?" Nauutal kong tawag sa kanya.

Kumalas ako sa kanya at napatakip kaagad ako ng bibig.

"Kairum!" Sigaw ko nang makita kong natamaan siya ng baril.

"Pumasok ka, dali! Sa driver seat."

"P-pero..."

"Dali!"

Sinunod ko nalang siya.

May nakita akong van na pinapuputukan kami ng baril. Napapayuko ako.

Nakapasok na si Kairum ng kotse at agad din naman akong pumasok.

Hirap na hirap siyang ibinigay sa akin ang susi ng kotse niya.

"Mag-drive ka."

"H-hindi ako marunong!"

Kinuha ko nalang ang susi nang makita kong gaano siya kahirap habang iniinda ang tama niya sa tagiliran.

Nanginginig ang kamay kong ipinasok ang susi sa keyhole.

Halos mapamura ako nang sabay-sabay na putok ng baril ang narinig ko.

You can drive Shayne. Minsan ka ng tinuruan ni Jewel di ba? Di ba?

Do it for Kairum.

Nagpapasalamat ako ng marami dahil nawala na iyong van. Iyong van na halos papatayin na kami. Marami na kasing bahay rito sa dinadaanan namin kaya siguro hindi na nila kami sinundan pa.

Mabagal ang pagmamaneho ko. Aside sa sobra akong kinakabahan ay naging dahilan din ang hindi ako magaling sa pagmamaneho.

All my life, never akong nagka-kotse.

Napatingin ako kay Kairum.

Sobra akong naawa sa kalagayan niya. Napapapikit siya sa sakit. Kahit hindi ako 'yung natamaan ay ramdam na ramdam ko pa rin ang hapdi at sakit na nararamdaman niya.

Naiyak tuloy ako. Yes, I hate him. Pero never kong ipagdadasal na sana magkakaganito siya.

"K-Kairum..." I called him.

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko na nakahawak sa manibela.

Sa kabila ng kanyang paghihirap ay nagawa niya pa rin akong lingunin.

"J-just focus in d-driving."

Mas lalo akong naiyak sa boses niya. Nauutal siya dahil sa sakit. Tumitingala siya at napapangiwi.

"Huwag ka munang mamamatay please." Umiiyak kong sabi sa kanya.

Tumitingin ako sa kanya pero binabalingan ko pa rin naman ng tingin ang dinadaanan namin.

"Dadalhin kita sa hospital... lumaban ka please. Promise me you won't die."

Gusto kong magmura kasi hindi ko kayang patakbuhin itong kotse ng mabilis.

Gusto kong makarating na kami sa Hospital. Kailangan na siyang gamutin.

"H-huwag sa Hospital."

Nakakunot ang noo kong napapatingin sa kanya.

"H-ha? Hindi, dadalhin kita do..."

Napatigil ako sa pagsasalita nang hinawakan niya ang kamay ko sa manibela.

"S-sundin mo ako."

"Baliw ka ba ha?! Kailangan nating ipagamot 'yang sugat mo!"

"N-no... dumeritsiyo tayo sa bahay. K-kaya nila akong g-gamutin... doon."

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon