CHAPTER 63

1.3K 35 0
                                    

Dedicated to: Alyssa Marieh Calar Lopez

CHAPTER 63

Apple's POV

"Naiintindihan ko." Sabi ni Commander nang ikwento namin sa kanya ang paghihirap namin sa pinapagawa niya. Hindi naman sa naghihirap talaga kami nang sobra kasi hindi pa naman kami umaaksiyon nang bayolente. Maliban na lang kung ginawa na namin 'yon at wala pa ring pagbabago.

Ibinalik ko ulit ang atensiyon ko kay Commander. Seryoso itong nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nag-iisip nang malalim. Nakatingin ito sa kisame habang pinaglalaruan ng kanang kamay niya ang isang ballpen.

"Mahirap talagang pakiusapan ang Auntie ni Shayne Commander kaya napaisip ng bagong misyon si Eunice. Nandito kami para sabihin din 'yon sayo." Sabi ni Kieth. Ito mismo ang kaharap ni Commander sa upuan. "Gusto ni Eunice na kunan namin ng impormasyon ang Auntie ni Shayne. Sa palagay niya kasi ay may tinatagong sekreto ang babaeng 'to."

Tumango-tango si Commander. Umayos ito ng upo at isa-isa niya kaming tinignan.

"Ano nga pala ang pangalan ng taong tinutukoy niyo?" Tanong niya.

"Fatima Allensa." Sagot ni Hanz.

Nakita ko kung paano natigilan si Commander. Parang nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Though I'm not sure if he really reacts that way. Si Commander kasi ay hindi nagpapakita ng ekspresiyon kailanman sa amin. Sa palagay ko ay babalik lang siya sa rati kapag makikita na namin si Lauryn.

"Bakit po Commander?" Tanong ko. "May problema ba?"

Tumingin siya sa akin nang magtanong ako.

"Fatima Allensa? Pamilyar sa akin."

Nagkatinginan kaagad kaming lahat. Sana nga kilala ni Commander si Mrs. Allensa nang sa gan'on ay mabibigyan kami ng hint tungkol sa Auntie ni Shayne.

"Magandang ideya ang naisip mo Eunice." Sabi ni Commander. Tinanguan lamang siya ni Eunice na nakikinig lamang sa amin. "Sigurado akong may kinalaman ang babaeng ito sa pagkawala ng anak ko."

Nanlaki kaagad ang mga mata ko.

"Po?" Nagtataka kong tanong. Anong ibig niyang sabihin?

"Alam niyo ba kung bakit ko pinaiimbestigahan si Shayne Allensa sa inyo?" Tanong ni Commander.

Umiling kaming lahat.

"Kasi malakas ang kutob ko na siya ang nawawala naming anak."

Shayne's POV

Bago kami lumabas ng kwarto ay pinasuklayan ko pa muna kay Fhevie ang buhok ko. Araw-araw niya na itong ginagawa sa akin kaya nasanay na ako.

"Done!" Pasigaw na sabi ni Fhevie. Natawa kaagad ako nang yakapin ako nito mula sa likod at ipinagsangko ang mga pisngi namin.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. Ang cute talaga ng batang ito.

"Kuya Kai, magkamukha kami ni Ate Shayne 'di ba? Ang pretty naming dalawa, right?"

Napalunok kaagad ako. Tinignan ko si Kairum na nasa harapan namin. Matama itong nakatingin sa amin nang nakahalukipkip.

He's just staring at us until he realized that Fhevie is waiting for his answer.

"Yes baby, mas maganda ka nga lang. Hahaha!"

Sinamaan ko kaagad ng tingin si Kairum. Hindi naman ako nainis sa sinabi niya. Naiinis lang talaga ako sa pagmumukha niya.

"Hindi, biro lang." Sabi niya at lumapit sa amin.

Agad naman akong napatingin sa sahig nang hawakan ni Kairum ang buhok ko. Lumayo na sa akin si Fhevie nang itali ni Kairum ang buhok ko.

"There, magkamukha na kayo." Sabi niya. Oo nga pala, nakatali ang buhok ni Fhevie. Kaya siguro itinali rin ni Kairum ang buhok ko para magkapareho kami ng bata.

"Really Kuya Kai? Yieh! I will tell that to mommy." Sabi ni Fhevie at tumatakbong lumabas dito.

Tumingin kaagad ako kay Kairum.

"Huwag ka na lang pala magtali ng buhok kasi naaakit ako sa leeg mo." Sabi niya at mabilis na kinuha ang tali sa buhok ko. "Baka makain ko 'yan ngayon." Sabi pa niya at itinapon ang tali sa kama.

"Ang manyak mo talaga. Kung anu-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo."

Natawa ito. "Anong masagwa ro'n? Biro lang naman ang sinabi ko, hindi naman ako bampira. Unless, iba ang kahulugan ng kainin sa 'yo."

Agad akong tumayo at tinulak siya. Ako pa talaga ang papalabasin niyang manyak dito. Nakakainis siya!

"Ah basta manyak ka!"

Nilagpasan ko na siya. Lalabas na sana ako kaso bigla niya akong hinila.

"Talaga? E kung tutuhanin ko kaya 'yang sinsabi mong manyak ako."

Nanlalaki ang mga mata ko at napapaatras. Ipinagsangko niya ang mga noo namin kaya lumalayo ako.

"T-tumigil ka nga."

Muli ko siyang tinulak at mabilis na lumabas. Narinig ko pa ang mga tawa niya sa loob. Nakakainis ka na talaga Kairum.

Lalakad na sana ako pababa kaso nakita ko sina Apple, Eunice, Hanz at Kieth. Mukhang galing ang mga ito sa third floor.

Nang makita nila ako ay ngumiti sila sa akin. Ewan ko ba pero kakaiba ang mga ngiti nila ngayon.

"Hi Shayne." Binati ako ni Apple. Tinanguan ko lang siya nang nakangiti.

"Nasaan pala si boss?" Napatingin ako kay Kieth.

Sasagot na sana ako kaso biglang lumabas si Kairum ng kwarto.

Nakita ko kaagad sa mga reaksiyon nila na tila kakaiba ang mga iniisip nila.

Natawa ako nang pilit at inilingan sila.

"No, mali ang iniisip niyo."

Tumawa kaagad ang mga ito. Napatingin din ako kay Kairum kasi tumawa rin ito. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakuha niya pa talagang tumawa.

"Bakit? Ano ba ang iniisip namin Shayne?" Natatawang tanong ni Hanz.

Hindi na lang ako sumagot. Baka mas lalo lang akong mapahiya sa harapan nila.

"Pagpasensiyahan niyo na lang ang asawa ko." Sabi ni Kairum.

Nalaglag na lamang ang panga ko at hindi nakapagsalita. Bakit nasasabi niya 'yon sa harapan ng mga kasama niya? This man doesn't know how to limit his words.

Kinabukasan, maaga akong gumising at naligo. Friday na ngayon kaya halos mag-iisang linggo na ako rito.

Habang nagsusuklay ako ay may nakita akong paparating na kotse sa labas. Glass window rin kasi ang wall dito kaya makikita ang nasa labas.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ay lumabas na ako ng kwarto. Pinuntahan ko pa ang kwarto ni Fhevie para tignan siya. Wala na siya rito sa kwarto niya. Ang aga naman yata nagising ng batang 'yon.

Sinara ko na lang ang pintuan ng kwarto niya at mabilis na bumaba.

"Hi po Tita."

"Oy, big girl na ang baby namin noon oh."

Nakakarinig ako ng mga nag-uusap sa living room. Pagbaba ko ay may nakita akong tatlong babae. Hala! Oo nga pala, sila 'yong mga pinsan ni Fhevie na tinutukoy ni Mrs. Idelson noong isang araw.

Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan sila.

Agad naman akong nailang nang makita ako sa isa sa mga pinsan ni Fhevie.

"Lauryn?!"

Nagulat ako nang sumigaw ito. Ha? Teka, anong Lauryn?

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon