CHAPTER 59

1.5K 38 1
                                    

Dedicated to: Dinoy Faith Yani

CHAPTER 59

Apple's POV

Nakakapagtaka, hindi nakasunod si Hanz sa amin. Ano na kaya ang nangyari sa taong iyon? He knows where we up to.

Nagdra-drama na naman siguro 'yun. Kunyari dinamdam niya talaga 'yung pag-iwan namin sa kanya. Tss! Akala niya naman lalambingin siya ni Eunice. Ew! It will never happen.

"Woah!" Natawa kaagad si Kieth nang makapasok na kami sa loob ng bahay. "Ang galing mo 'tol ha!"

Nakita kasi namin si Hanz na nakatulalang nakaupo. Diretsiyo ang tingin niya sa amin pero makikita naman sa mukha niya na wala sa amin ang pag-iisip niya.

He's not blinking. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Ang weird talaga ng mga tao ngayon. Una, si boss. Pangalawa, 'yung Auntie ni Shayne. Ngayon naman siya. Sabihin niyo nga sa akin, anong nakain ng mga tao ngayon?

"Hoy!"

Kieth clapped his hands infront of Hanz's face. Hindi pa rin kasi ito kumikibo.

"Bakit hindi ka sumunod sa amin?" Malamig na tanong ni Eunice sa kanya. Hindi ito sumagot.

Nagkatinginan kaming tatlo. We are all clueless.

"Anong nangyayari sa taong ito?" Nagtataka kong tanong. "Parang baliw, e." Sabi ko pa. "Hoy Hanz!"

Sinampal ko na siya nang malakas kaya bumalik na ito sa diwa niya.

"Oy, nandito na pala kayo."

Woah, pangalawa na siya kay boss, ah.

"Teka nga, bakit mo ba ako sinampal ha?!" Galit na sigaw niya sa akin.

Natawa na lamang ako nang hindi makapaniwala. Seryoso ba 'to? Nagagalit nga ang pananalita niya pero iba naman ang ipinapakita ng mga mata niya. Hindi ganito mag-react ang isang Hanz Ghandi. Mukha naman siyang walang pakialam sa pagsampal ko sa kanya.

"Ikaw kasi Eunice, e. Bakit mo ba kasi siya iniwan? Ayan tuloy, nagkakaganyan 'yan." Sabi ni Kieth ngunit hindi naman siya pinansin ng pinagsabihan niya nito.

"Hoy, Hanz. Umayos ka nga." Tila nawawalan na nang pasensiya si Eunice. "Ano ba ang nangyari sa 'yo ha?"

Nakita kong nag-isip si Hanz. Konting-konti nalang, iisipin ko na talagang kakaiba ang araw na ito.

"Nagkita kami ni Congressman Yakinawa kanina." Sabi ni Hanz na ikinagulat naming lahat.

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eunice. "Anong ginawa niya sa 'yo?" Ayan na, nagsimula na siyang mag-alala.

Tss! Baka naman umaarte lang ang Hanz na 'to kasi gusto niyang makaganti sa amin.

"Wala." Sabi nito.

Wala? Napaka-imposible naman yata nun. Alam naming lahat na nangangati na ang mga kamay ni Yakinawa na patayin kami.

"Pa'nong wala?" Tanong ni Kieth.

"Wala, wala siyang ginawa sa 'king masama." Sagot ni Hanz. "Pero may pinapasabi siya."

"Ano?" Naintriga kaagad ako. Mukha talaga itong seryoso sa sinasabi niya. It interests me.

"Kukunin niya talaga sa atin si Shayne kahit anuman ang mangyari."

Natulala ako sa sinabi niya. Napaupo ako sa upuan kasi nangangalay na ang mga paa ko.

"Si Shayne?" Sabi ni Kieth. "Gago ba siya? Wala na rito si Shayne kaya bakit sa atin niya ito hinahanap?"

"Tumahimik ka nga Kieth!" Sinigawan ko siya. "Talagang tayo ang guguluhin ng taong 'yun kasi niloko natin siya. Sobra ang pagpapanggap natin para lang makapasok sa mansiyon niya. Alam niya pang itinakas natin si Shayne." Paliwanag ko.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon