ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝟡𝟚

1.3K 29 1
                                    

ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝟡𝟚

Shayne's POV

I look myself on the mirror. Napakagat-labi na lamang ako nang makitang namamaga ang mga mata ko. Malapit na kaming mag-dinner at natatakot ako na baka mahalata nila ito. Ayaw kong isipin nilang umiiyak ako. I'm affected of what's happening now, ngunit nahihiya akong malaman nila.

Naghilamos ako at kinusot nang maigi ang mga mata. Atleast, mawawala man lang ang pamamaga nito... Kahit konti lang.

Tumingin ulit ako sa salamin at sinubukang ngumiti. Ayos na 'to.

Lumabas na ako ng banyo at nagulat naman ako nang makita ko si mommy. She's sitting on my bed. Nakatalikod siya sa 'kin at mukhang naramdaman niya ang pagbukas ko ng pintuan sa banyo kasi nilingon niya kaagad ako.

"M-mom," ginawa ko ang lahat para ngumiti sa kanya. Mukhang hindi ko magagawa kaya inabala ko ang sarili ko sa pagpupunas ng mukha.

"Bakit masyado kang nagtagal sa loob ng banyo anak?"

Bigla akong napatigil sa ginagawa. Napalunok ako at tinignan ulit si mommy.

"N-naglinis lang po ako ng katawan." Sagot ko. I slightly smile at her. "B-bakit po? Kanina pa ba kayo rito?"

"Mga five minutes." Sagot niya. Inisip ko kaagad ang ginagawa ko five minutes ago. Mukhang tumigil na ako sa kakaiyak sa mga oras na 'yon kaya hindi niya na siguro narinig ang mga hikbi ko.

"By the way, ipinabibigay ito ni Kairum sa 'yo."

Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya ulit doon sa banda ng kama kung saan siya nakaupo kanina. May kinuha siyang box doon. She handed it to me immediately. Marahan ko naman itong kinuha.

"It's a cellphone. Tatawag daw siya mamaya sa 'yo."

Tumango lang ako.

Binuksan ko na ang box at kinuha ang nasa loob. Bago siya pero naka-set na ang lahat. Siguro si Kairum na mismo ang nag-set nito.

"Tara na sa baba. Kakain na tayo."

"S-sige po."

Naunang lumabas si mommy. Bago ako sumunod sa kanya ay nilagay ko pa muna ang cellphone sa side table.

Pagdating ko ng dining ay nakita ko roon sina daddy, Fhevie, at Jane. Katabi ko pa rin si Fhevie at si mommy ang katabi ni Jane.

"Let's eat," malamig na sabi ni Daddy. Napatitig ako sa kanya. Para yatang may nagbago.

"Anak, kumain ka na."

Bumagsak ang mga mata ko sa pagkaing nasa harapan. Mukhang napapansin yata ni mommy na hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

May naramdaman akong kamay na humawak sa palapulsuhan ko. I look in my right side and saw Fhevie smiling at me. Medyo nabawasan ang bigat ng puso ko. Ngumiti rin ako sa kanya at saka na ako kumain.

"Where's your mom, Jane?"

Napapatingin ako kay daddy. Napakalamig ng kanyang boses. Nakakatakot ang paraan ng kanyang pagtatanong.

"B-bakit po?" Napasulyap ako kay Jane. She's nervous.

"I want to talk to her. Siya ang nag-alaga sa dalawang babaeng may posibilidad na anak ko." Ani Daddy. Tumigil pa talaga ito sa pagkain para tignan nang maigi si Jane.

"I don't know where she is."

"Bakit?" Tanong ulit ni Daddy.

"Because after she said na anak ako ng mga Idelson, she ran away from me. K-kaya hindi ko na po alam kung nasaan siya."

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon