CHAPTER 69

1.3K 31 0
                                    

Dedicated to: Reimelyn Jane Garcia Derota II

CHAPTER 69

Shayne's POV

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagpaalam na sa amin sina Desiree at Amira. Hindi nga natuloy ang pagpasyal namin dahil sa nangyari kaninang umaga.

I hope Doctor Ian will be fine. Kung sino man ang gumawa no'n sa kanya, sana makonsensiya ito sa ginawa niya. Hindi maganda ang nangyari kay Doctor Ian. If ever he did something wrong why it happens to him then for me it's wrong. May iba pa naman sigurong nararapat gawin kapag naagrabyado ang isang tao.

Nakakainis lang isipin kasi kailangan talagang manakit ng tao para maging patas ang sitwasyon.

"Ate Shayne, ikaw po ba talaga si Ate Lauryn?"

Napatingin ako kay Fhevie. Nasa kwarto niya ako ngayon para patulugin siya. Nakahiga ako sa tabi niya.

"Hindi ko alam." I said and looked at the ceiling.

Hindi ko talaga alam. Kanina pa nga rin ako ginugulo ng bagay na 'yan e. Napakaimposible lang kasi sa akin. Gayunpaman, napapaisip din ako sa buhay ko.

Sinabi sa akin ni Tita Fatima na nakita niya lamang ako sa basurahan. Ibig sabihin no'n ay hindi talaga nila ako tunay na kadugo. Maaaring nawala talaga ako sa totoo kong pamilya at posibleng ang mga Idelson 'yon.

Sa ibang banda naman sa akin ay maaari ding iba ang pamilya ko. Seven years old na si Lauryn nang mawala siya at baby pa lamang daw ako nang makita ako ni Tita sa basurahan. Basta! Hindi ko talaga maintindihan. Ang gulo-gulo na.

Dalawa lang ang babasehan ko ngayon. Kapag mapatunayang ako talaga si Lauryn, wala akong ibang iisipin kundi nagsisinungaling lang sa akin si Tita Fatima. Kung hindi naman, iisipin kong iba talaga ang pamilya ko.

"Daddy called you 'anak' earlier Ate Shayne. It means you are Ate Lauryn, my sister."

Hindi na natanggal ang paningin ko kay Fhevie. Oo nga, tinawag akong 'anak' ni Mr. Idelson kanina. I feel so happy when he embraced me earlier. At ang pakiramdam na iyon ay hindi pa natatanggal hanggang ngayon.

Ngumiti ako kay Fhevie.

"Siguro nami-miss niya lang ang Ate mo nang sobra kaya inisip niya kaninang ako ang Ate Lauryn mo." Paliwanag ko.

Natawa na lamang ako kasi titig na titig talaga sa akin si Fhevie. Bahagya siyang nakatingala para matingnan ako.

"Sinabi rin po ni Ate Amira na may pagkakahawig kayo ni Ate Lauryn."

Napaisip kaagad ako ng isasagot.

"Marami namang ganyan baby e. Magkakahawig pero hindi sila magkaano-ano. But if I am really your sister, I will be very, very happy."

"Me too Ate Shayne."

"Oh sige na. Matulog ka na para mas lalo kang tumangkad."

She nods at me. Ipinikit niya na ang mga mata niya at agad ko naman siyang niyakap. Ang sarap maging Ate.

Sa buhay ko, hindi pa ako nakakaranas ng pagiging isang Ate. Namulat kasi ako sa mundong ito na walang nakilalang mga magulang at kapatid. Tiyahin lang at pinsan. Iwan ko lang talaga kung masarap ba talaga magkaroon ng kapatid. Sa tingin ko naman ay oo. Ang lungkot kaya kapag nag-iisa lang na anak.

Nang masigurado kong tulog na si Fhevie ay saka na ako dahan-dahang kumalas sa kanya. Lumabas ako sa kwarto niya nang walang nililikhang ingay.

Mabilis naman akong pumasok sa kwarto ko since nasa tabi lang ito ng kwarto ni Fhevie.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon