Chapter 5: Wedding

14 5 0
                                    

December twenty-third

"Hello khalid daanan mo ko rito sa tapat ng bahay namin okay? Tinatamad ako mag drive ngayon at saan nga pala meeting place today?" Sabi ko habang kausap sa telepono si khalid.

"Hell girl! Sana di kana bumili ng sarili mong kotse kung di mo rin naman yan gagamitin. Sabi ni Ms. Amiana Lerin ay sa malapit na coffee shop sa labas ng subdivision nalang daw tutal malapit naman yung sinend nyang address dito sa atin." Sabi ni khalid sa kabilang linya

"Ow so malapit lang pala. Okay sigee basta daanan mo nalang ako dito para sabay na tayo" then binaba ko na ang tawag.

Natapos nako sa pag hahanda sa sarili ko ng marinig kong bumusina sa labas si khalid. Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kina mama at dumiretso kay khalid pagtapos.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa malapit na coffee shop, nadatnan namin na nandoon na naghihintay yung client namin which is magpapa organize ng wedding.

Dati pa man gusto na namin ni khalid na maging mag partner bilang wedding organizer. Magaling kasi sya sa mga designs at mga ideas for wedding. Ako naman ang mag kukuha ng mga ideas ng client kung anong ideal wedding nila at ako na ang bahala for preparations.

Pagkababa namin ay lumakad na kami papasok sa coffee shop, habang naglalakad ako ay ramdam kong pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Shems sumasama pa ata pakiramdam ko.

Nang makarating kami sa pwestong iookupa ay ganon nalang ang panlalamig ng kamay ko ng makita ang nasa harap namin ni khalid ngayon.

"Good morning Sir Llarez and Ms. Lerin napaghintay po ba namin kayo?" Magalang na tanong ni khalid sa dalawa

"No. Kararating rin lang namin, so shall we start?" Sabi naman ni Amiana according to khalid, Mr Llarez fiance.

Naupo na kaming dalawa ni khalid sa harap nila at umorder muna ng coffee. Hindi ako makapag angat ni tingin sa dalawa hanggang sa dumating na order namin.

Alam kong si zeckery ang nasa tapat ko ngayon pero bakit hindi ko magawang tumingin sa kanya. Walang alam rito sa khalid, hindi ko rin alam kung may alam yung fiance nya tungkol sakin, I hope wala.

Naputol ang pag iisip ko ng tumikhim si zeckery, napatingin naman ako sa kanya

"Ahm so Im Zeckery Llarez and this is Amiana Lerin my fiance" pagpapakilala nya.

"Im Khalid Gente and this is Yanna Madrigal" pagpapakilala ni khalid at sakin.

"So khalid emailed me last night all your plans for your wedding and kulang nalang ng theme color and also flowers for completing it, may naisip na ba kayo o maidadagdag o mababago sa mga plans na naibigay nyo? Or we can give some ideas that can fit for the both of your taste" shems buti nakakapag usap parin ako. Kinakabahan ako sa tingin ni zeckery hindi ako makatingin ng matagal sa kanya. Is he mad at me until now?

"May mga sample kami rito na pwede nyong pagpilian and in case na magustuhan nyo ay pwede nating iapply at idagdag." dagdag na sabi ni khalid

Pinakita ko sakanila lahat ng mga samples then si khalid na ang nagsasalita, buong oras na akong tahimik maski si zeckery tahimik rin lang. Si khalid at yung amiana ang nag uusap.

"So kailan na ang kasal ninyo?" pagtatanong ni khalid

"Hm balak talaga namin na ganapin ang kasal these month of August" sagot naman ni amiana

Siguradong matagal na sila ni zeckery to plan these wedding. Akala ko girlfriend nya palang yung girl, fiance nya na pala.

They look so cute together, bagay na bagay sila.

Nabitter nanaman ako tsk pesteng bato.

Hindi man ako tumitingin kay zeck ay ramdam kong tumitingin sya sakin, may gusto ba syang sabihin? Whatever, pangalawang beses na naming pagkikita to kaya natural lang na maging ganto ang pakikitungo naming dalawa sa isat isa. I admit na namiss ko sya, he's my friend way back then at may magagandang memories na nabuo through our friendship. Nakakapanghinayang.

Naisip ko tuloy kung wala ba si helion dati magiging ganito ba kami ngayon ni zeckery? At kung mas maaga kong pinutol ang koneksyon namin ni helion mahal nya parin kaya ako?

HAHHAHAHA SASABI KO. Kasi naman hindi ko naman maiisip tong lahat kung di ako nanghinayang bwiset. Kung alam nya lang kung anong totoo dati sana okay kami mula noon until now, baka nga walang amiana charot hahahaha joke lang bagay sila ikakasal na nga e

Tsaka hindi parin ako marunong magluto hanggang ngayon, pano kung ako ang nasa tabi nya for sure magugutom lang sya HAHAHAHHA atsaka hindi healthy.
Tapos kahit gaano kalakas ang katawan nya mapapagod at lalagnatin rin sya kung puro sya ang sasalo ng labahin HAHAHAHHAAHA kaya better na napunta sya kay amiana di sya mahihirapan.

Zeckery's POV

May sapi na ata tong si yanna, ngiti ng ngiti wala namang nakakangiti tsk HAHAHHAHAAHA pati ako nagiging abnormal na.

Hindi ko inaasahan na sya pala ang nakuha ni miana as our wedding organizer kaya nabigla ako ng makita si yanna ngayon at nasa tapat ko pa talaga.

Hays namiss ko 'tong babaeng to. Tatlong taon din ng huli kaming magka usap, namiss ko talaga sya. Kumusta na kaya sya at may pagbabago kaya sakanya?

Ano kayang naiisip nya nung nagkita kami ngayon? Takte gusto ko sya kausapin.

Biglang pumasok sa isip ko si helion, asan na kaya yung kumag na yon?

Pansin ko wala sya ngayon, si helion kasi dati kung makatawag kay yanna wagas halos walang palya, minu-minuto nakatawag. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya kundi kaibigan sya ni yanna pero halos parang boyfriend na nya noon dahil sa kakatawag at paglilimita kay yanna, hutek umiinit nanaman ang dugo ko.

Yaan na ikakasal na ko, hindi ko na dapat iniisip pa ang tungkol sa kanilang dalawa, siguro masaya naman sila.

Pero kumusta kana yanna, naaalala mo pa kaya kung anong pinagsamahan natin dati

Love Until It LiesWhere stories live. Discover now