Chapter 8: Call

10 5 0
                                    

Zeckery's POV

Alas dose na ng gabi pero gising na gising parin ako, bumaba ako sa kusina para uminom saglit at bumalik para matulog na. Ramdam ko na na bumibigat na ang mata ko kaya sa wakas makakatulog nako.

Hindi nagtagal naalimpungatan ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung anong oras na, mag aalas dos ng madaling araw, sino naman kaya ang natawag.

Sa pang limang ring ay nasagot ko na ang tawag at nalaman kong si Khalid ang natawag. Nagtaka man pero pinakinggan ko nalang ang sinabi nya.

Hindi agad ako nakapag salita ng marinig ko ang sinabi ni khalid na nasa panganib si yanna. Mas lalo pa kong kinabahan ng malaman na si helion ang nasa likod ng lahat ng ito, inalam ko kung nasan ngayon sina khalid at pinlanong itrack ang phone ni yanna para malaman kung nasaan sya.

Ilang minuto lang nakarating nako sa address na sinend ni khalid, alam ko ang lugar na to dahil pumunta nako dito noon para iwanan si yanna ng tuta kaya alam ko na ang papunta rito, pero ito palang ang una na makakapasok ako sa loob ng bahay nila.

Nasa loob kumpleto ang magulang nya pati na ang kapatid nya pati rin si khalid at halata sa kanila na sobra na silang nag aalala dahil wala paring balita kay yanna.

Hindi ko maintindihan kung bakit nag aalala sila e si helion naman ang kasama ni yanna. Pero narinig ko na kinidnap ni helion si yanna, anong ibig sabihin non? Hindi ba dapat hindi sila mag alala dahil kilala naman nila si helion at sya ang kasama ni yanna pero bakit sinabi nilang kidnap?

Napagpasyahan naming dumiretso na sa malapit na police station para humimgi ng tulong, habang nasa byahe ay kinausap ko si khalid.

"Khalid anong sinasabi nyong kinidnap si yanna? Pasensya na pero naguguluhan talaga ako. Hindi ba dapat hindi kayo nag aalala kasi si helion naman ang kasama nya?"

"Wala ka ba talagang alam? O sadyang hindi mo lang kilala si helion? Matagal ng walang koneksyon si yanna kay helion kaya dapat talaga tayong matakot sa kung anong pwedeng mangyari kay yanna dahil nakay helion sya ngayon, at mahirap mapanatag dahil hindi natin alam ang kayang gawin ni helion" sagot nya

Sa sinabing yon ni khalid ay hindi nako nakapag salita, ngayong punto na ako natakot, hindi ko alam na ganon na pala ang nangyayari at ganong kalaki ang dapat ikatakot dahil nasa kamay ni helion si yanna.

Nakarating na kami sa malapit na prisinto at humingi ng tulong, at makalipas ang ilang minuto ay naitrack narin nila kung nasaan ngayon sina yanna.

Paalis na sana kami para puntahan ang lugar kung nasaan sila ng bigla kong naramdamang nagba-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko muna at sinagot ito.

"Hello sino to?" pangunguna ko magsalita

"Alam mo naba na nasakin ngayon si yanna? Yung babaeng hindi ako magawang mahalin dahil sa nakaraan nya at dahil sayo!?"

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo" Walang emosyong  saad ko sa kanya mula sa linya

"Wag ka mag sinungaling zeckery, alam ko ang lahat. Ngayon gusto kong pumunta ka sa isesend kong address sayo, huwag na huwag kang magdadala ng pulis at kung matunugan kong may parating na pulis ay papatayin ko si yanna" pagtatapos nya bago ako babaan ng tawag.

Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa parehas na number, address kung nasaan si yanna at helion.

Hinarap ko ang mga kasama ko at pinaalam sa kanila ang tawag at ang message na natanggap ko, tinanong nila ako kung susunod ako sa gusto ni helion at pupunta mag isa ron ay sinabi kong oo dahil ako ang kailangan don.

Love Until It LiesWhere stories live. Discover now