Chapter 2: Girlfriend

22 5 0
                                    


Kinabukasan, maaga akong nagising dahil naramdaman kong naglalambing si yinni sa pisngi ko.

"Good morning yinni, ang aga mo naman nagising" Nakatingin lang sya sakin at muling nahiga sa gilid ko. Napaka cute nya talaga, kung sino man ang nag iwan nito sakin thankful narin ako kahit papaano kahit hindi sya nagpakilala.

Maya maya lang ay napag pasyahan ko nang bumangon at gawin ang morning routine ko at nang matapos ako ay bumaba nako kasama si yinni para mag umagahan.

Naabutan ko sina mama, papa at ate na nag aalmusal na kaya mabuti narin para masabi ko ang tungkol kay yinni.

"Ma, Pa good morning.  Okay lang ba na may aso sa bahay? Kagabi po kasi nakita ko po kasi to na nasa labas ng bahay kaya kinuha ko na kawawa naman po." saad ko

"Hm wala namang problema, pero ikaw ang bahala sa aso na yan okay?" Sabi ni papa

"At baka naman may naghahanap sa tuta anak, hindi kaya may naka iwan lang nyan, siguraduhin mo lang na ibibigay mo yan kung sakaling may maghanap dyan, pero sige payag kami na rito na muna satin yan hanggat walang naghahanap" dagdag naman ni mama

"Opo ma, pa, kung sakali mang may maghanap sakanya ibibigay ko po"

Kung masabi ko lang sainyo na para sakin talaga ito at iniwan lang sa labas ng bahay. Hays pero okay narin to para iwas sa maraming tanong dahil wala rin naman akong maisasagot.

Nang matapos ay bumalik ulit ako sa kwarto kasama si yinni at napag desisyunang kunin muli yung maliit na box na naglalaman ng sulat at singsing. Nakakapagtaka lang kung bakit may kasama itong singsing, ano kayang ibig sabihin nito at bakit may nagpadala sakin nito.

Naputol ang pag iisip ko ng tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Khalid. Umagang umaga natawag tong baklang to ano bang kailangan nya ng gantong kaaga!?

"Yanyan ano asan kana!? Don't tell me nakalimutan mo nanaman na may lakad tayo today!?" Shems pagkatapat ko palang sa tenga ko muntik nakong mabingi sa lakas ng boses nya!

Sabi nya? May lakad kami ngayong araw?
Shocks! Oo nga pala, nakalimutan ko nanaman

Nang hindi ako magsalita ay muli kong narinig sya mula sa linya.

"Daanan na kita dyan sainyo, wait nalang kita bilisan mo!"

Kaya pagkapatay nya ng tawag ay dali dali akong nag ayos. Ngayon ko lang naalala na ngayon nga pala yung meeting namin who chose us to organize their wedding.

Nagsuot lang ako ng simple dress at flat shoes at nag ayos ng konti sa buhok ko. Sakto naman ng matapos ako ay tinawag ako ni mama at nasa baba raw si khalid hinihintay na ako.

Pagkababa ko heto nanaman ang bunganga nya, dami nanamang sinasabi

"Mader stress ako nitong anak nyo jusme kukupas ang beauty ko sakanya, kung hindi ko tinawagan hindi makaka alala na may mahalaga kaming meeting today!"

"Shh khalid ang ingay ingay mo ang aga aga. Btw Ma una na po kami text you lateeeer" Sabay higit kay khalid at nag wave kay mama para magpaalam.

"Yanyan care to explain what the hell is going on you!? Lately napapansin ko na madalas kang mag spacing out. May problema kaba except sa problema mo para higitan ang beauty ko?" Ayan nanaman sya, daig nya pa yung manok ng kapit-bahay namin sa daldal ng bunganga nya.

"You know what khalid kahit isang araw lang itikom mo naman yang bibig mo, matutuluyan na talagang bumigay at mabingi ako sayo sa sobrang ingay ng bibig mo!" Sabay tulak sakanya sa loob ng kotseng dala nya ngayong araw.

Infairness nag iimprove si bakla, parehas kasi kaming nag iipon para makabili ng sasakyan at pangarap naming bahay habang nagtatrabaho. Nauna nakong makabili ng sasakyan kumpara sakanya pero pag magkasama kaming makikipag meet ay sasakyan nya ang ginagamit namin hehe wala lang trip ko lang.

Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa meeting place namin. Pagkababa palang ni khalid ay bilisin na kaagad syang maglakad at kung lumakad pa parang nasa runaway. Hinayaan ko nalang syang mauna at sumunod na ako.

"O shoot aray!" Nabigla ako ng nabunggo ako sa pader, ang tigas ang sakit ng ilong ko at medyo nahilo pa. Hindi ko naman alam na may pader na nakaharang sa nilalakaran ko nung pagtingin ko sa likod ko at pagkaharap ay mabubunggo ako.

"Sorry miss are you okay?" pagkatingala ko nasilaw ako sa liwanag ng araw pagkamulat ko pero naging aware ako na hindi pala pader ang nabangga ko, tao pala.

"No its okay thanks for the concern" pagtapos ko at nilagpasan na yung nabangga ko. Wala na akong time para makipag usap don at baka masermonan nanaman ako ni khalid dahil natagalan ako. Dumiretso nako kung nasaan si khalid at ang ka meeting namin at nag simula na.

Someone's POV

Nang lagpasan ako ng babaeng nakabunggo ko ay hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko alam kung bakit naging ganto ako at hindi makagalaw samantalang nagkabanggaan lang naman kami.

Yes, alam kong si yanna yon kahit hindi ko napansing sya yon, narecognized ko lang nung marinig ko boses nya.

Mali ang nararamdaman ko dahil una sa lahat matagal ng tapos ang kung anong connection naming dalawa. Pangalawa hindi na dapat kami magtagpo pa dahil may mga sarili na kaming buhay at masaya na sya. Alam kong magugulo nananamn kung sakaling magkaharap kami kaya pasalamat narin ako ng umalis kaagad sya.

I wonder why bakit nag iisa sya, ang alam ko nakakasama nya yung asungot na lalaking yon whatever his name tsh. Ano naman wala na dapat akong pakialam, matagal na namang tapos ang saamin hindi na dapat ako namomroblema sa gantong bagay.

Nang maka recover nako ay nagpatuloy nako sa paglalakad, pupuntahan ko ngayon si miana girlfriend ko dahil may sakit sya ngayon.

Sa taong lumipas natutunan kong buksan ang puso ko para sa iba. Natutunan kong hindi ko dapat sayangin ang oras ko at lalo na ang luha ko sa babaeng hindi naman ako kailan man pinahalagahan. Kaya nang dumating si miana sa buhay ko, pinaramdam nya sakin kung paano mahalin, bigyan ng halaga at mahalin na kailan man ay hindi ko naramdaman sa babaeng minahal ko noon. Kay yanna.

"Zeckery ayan kananaman sa nakaraan, masaya kana wag mo nang balikan ang nakaraan" Sabi ko sarili ko

At nang makarating ako sa bahay nila ay agad akong kumatok at sandali lang ay pinagbuksan ako ng babaeng mahal ko. Si miana.

Hindi ko kailan man pinagsisihan na magmahal ulit lalo na at si miana yon. Sakanya ko nahanap ang pagmamahal na kayang ibalik saakin at may kasiguraduhan. Ayoko syang saktan dahil lang sa pagbabalik ni yanna. Kaya yung tuta at box na iniwan ko sa bahay nila ay para lang yon sa mga gusto kong sabihin sakanya. Wala akong balak mang gulo sa buhay nya ngayon dahil parehas naman na kaming maayos ang buhay kahit wala ang isat-isa.

Natigil ang pag iisip ko ng may maramdaman akong pitik sa ilong ko. Oo nga pala kaharap ko nga pala si miana.

"Mahal okay kalang ba? Bat natutulala ka dyan?" pagtatanong nya habang nakangiti.

"Wala, tara pasok na tayo sa loob pagluluto kitang lugaw ng gumaling kana" sabay sarado ko ng pinto nila at dumiretso sa kusina nila.

Sana ito na ang huling makikita ko si yanna, natatakot ako sa pwedeng mangyari kung sakaling magkaharap pa kami.

Love Until It LiesWhere stories live. Discover now