Final Chapter: Apart

13 3 0
                                    

Nagising ako ng maamoy ang amoy ng gamot at sa pagkasilaw ng aking mga mata. Sa pagmulat ko ay kita ko ang puting kisame, puro puti ang paligid actually.

"Anong ginagawa ko rito?" tanong ko sa sarili ko.

Sarili ko?

Watdahel wala akong maalala.

May pumasok na ginang sa loob ng kwarto at biglang namutla.

Sheez bakit!?

"Doc! Doc! Doc! Yung babae sa Room 105 nagising napo!"

Rinig kong sigaw nung ginang palabas sa pintuan. Kasabay naman non ang pagpasok ng isang di katandaan na sa palagay ko ay isang doctor.

Inexamine nya ako at nagtanong ng ilang bagay pero nabigla sila dahil hindi ko sila masagot

Wala akong alam. Wala akong maalala

Rinig ko naman na bumukas muli ang pinto at nakita kong may pumasok na mag asawa at isang babae at lalaki.

Nabigla naman ako ng biglang umiyak ang babaeng kasama nung lalaki at agad akong niyakap. Nagtataka man ay niyakap ko nalang sya pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap na iyon at naramdaman ko ring yumakap ang iba.

Sa hindi ko malamang dahilan ay napalauha ako, ramdam ko sa puso ko ang saya at may hindi rin ako maipaliwanag sa nararamdaman ko habang yakap nila ako.

Kumalas na silang lahat sa pagkakayakap saakin at isa isang nagpakilala. Nalaman kong ang mag asawang pumasok ay ang mga magulang ko, at yung babae ay kapatid ko at yung isa ay matalik kong kaibigan.

"Doc bakit hindi nya kami makilala? Ano pong nagyari?" pagtatanong naman ng sinsabing sya ang mama ko.

"Napakataas ng chance na magkaron sya ng amnesia dahil sa impact ng pagkakabagsak nya lalo na at ulo ang mas napuruhan sakanya. Comatose rin sya for about 1 year and 3 months but napaka laki parin naman ng possibility na makaalala sya pero pakaunti unti. Dont force her to remember everything dahil hindi makakabuti para sakanya yon" mahabang litanya ng doctor

Watda seryoso ba ang lahat ng naririnig ko!? Pero alam kong totoo ang lahat ng to sana bumalik na ang alaala ko ang hirap ng ganito.

***

Ilang buwan narin ang nakakalipas ng makalabas akong hospital. Normal narin ang pakiramdam ko at maayos ang samahan between my family and I. Nakakalabas din ako ng bahay kasama si khalid which is my business partner and also him as my friend na pagpapakilala nya noon saakin.

Nakakaalala narin ako ng mga ilang bagay kaya Im getting better as day goes by.

Ngayon nasa park ako, I dont know but this place makes me feel so light, Im enjoying to be here kaya madalas akong narito.

Napagpasyahan kong bumalik na sa bahay dahil ramdam kong nagugutom na ako, wala naman akong makitang bibilhan ng pagkain, masyadong malayo para lakarin.

Habang naglalakad ako ay binuksan ko ang phone ko, I check again my gallery, nandoon ang mga pictures ng mga place na napuntahan ko before, pictures ng cute na aso which is yinni and also my own pictures.

Sabi ni ate si yinni daw yung tuta na nakuha ko sa labas namin at inampon ko kaya nagka idea na ako kung bakit may tuta ako sa loob ng kwarto ko.

Napatigil ako sa pagchecheck ng mga laman ng cellphone ko ng may mabangga akong bata. Oemjiii ang cuteeee

Pumantay ako sa bata at nginitian ito.

"Hi little boy what's your name?"

"Im Yohan" Magiliw nyang pagpapakilala. Pinisil ko naman ang cheecks nya na mas lalong ikinatuwa nya. Napaka cute nya talaga.

Narinig kong may tumawag sa bata kaya agad na tumakbo ang bata papunta sa boses na pinanggalingan nito. Tumayo na ako at humarap sa tumawag kay yohan.

Buhat buhat na si Yohan ng mama nya and beside her was her husband I guess kasi halata naman sakanila.

Nagtaka naman ako dahil may gulat na nakarehistro sa mukha nung lalaki habang nakatingin sakin habang yung babae naman na karga si yohan ay palapit sa akin.

Nang makalapit na sila sakin ay ngumiti naman sila, ngumiti narin ako sakanila.

"Oh my ghad is that you Ms. Yanna Madrigal!? Long time no see" masayang saad nung babae

"Uhm Hi, yes Im Yanna Madrigal but may I know you?" magalang na pagtatanong ko

Halata sa mukha nya na nabigla sya kaya muli akong nagsalita.

"Im sorry, I was comatose for about 1 year and nagka amnesia ako kaya hindi ako maka alala" muli kong saad at tipid na ngumiti.

Muling bumakas naman muli sa mga mukha nila ang gulat lalo na sa katabi nyang lalaki.

"Oh, hindi ko alam Im sorry. By the way ako nga pala si Amiana Lerin Llarez and this is my husband Zeckery Llarez at ito si Yohan anak namin" pagpapakilala nya sa wakas

Nakipagkamay naman sila sakin at tinanggap ko naman ito, ngunit yung sa asawa nyang si zeckery napaka lamig ng kamay anong nagyare? Ahahahaha

Nagulat naman ako ng magsalita yung zeckery.

"We're glad to see you again Yanna"

Hindi ko maintindihan pero parang may gusto pa syang sabihin at hindi ko malaman kung anong emosyon meron sya. Whatever Im glad to see them too.

Nagpaalam na ako pagkatapos non. Kinuha ko muli ang cellphone ko habang naglalakad. Pabalik nako at malapit na ng bigla akong matisod sa malaking batong nakaharang.

Shit!

Hindi agad ako nagmulat, andaming rumehistro sa utak ko, andami sumasakit ulo ko sheez!

Halo halong pangyayari ang pumapasok sa isip ko hanggang sa tumigil at unti unti kong minulat ang mata ko.

Napaluha ako.

Naalala ko na.

Naalala ko na ang lahat

THE END

~~~

Author's note
Happy new year everyoneeeeee *Sabog confetti!" yey tapos na rin ang kwento. Thank you sa mga readers na nagbasa I love you all ♥

December 23, 2018 - January 1, 2019 ♥

Love Until It LiesWhere stories live. Discover now