Chapter 1: Past

41 5 0
                                    


Matapos kong mabasa ang sulat ay hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang ilaw rito sa sala. Nagising pala si ate at dumiretso sa kusina para uminom.

Dali dali kong tinago ang papel at yung box na may lamang singsing. Shoot! Walang nabanggit tungkol sa singsing na nakasulat sa papel. Ano kayang meron at may singsing na kasama.

Nawala ako sa pag iisip ng maramdaman kong nasa tapat ko na si ate at kalong na nya sa bisig nya si yini.

"Yow ate bat nagisig ka?"  Tanong ko sakanya dahil obviously nasa harap ko nga sya.

"Nauhaw lang ako kaya ako bumaba. E ikaw bat narito ka at bakit may tuta kang kasama sa sala. And btw ang cute ng tuta sino nagbigay?" tanong niya.

Sheez sasabihin ko ba na may stranger na nagpadala nito para sakin?

"Hmm ano ate kasi... Ah may narinig kasi ako sa labas kaya nung pagkalabas ko nakita ko itong tuta, kinuha ko na kawawa naman kasi" pagpapalusot ko.

"Ah ganon ba. Osige matulog kana rin pagkatapos mo dyan babalik nako sa kwarto para matulog. Matulog kana rin wag kana magpuyat dyan."

"Sige" at umalis na sya at naiwan muli kami ni Yinni dito sa sala. Nagtataka talaga ako kung bakit at sino ang nagpadala nito sakin. Kung kilala koba kung sino sya kasi sa sulat nya pakiramdam ko kilalang kilala nya ko. May nakasulat din na Zck sa baba, ano kayang ibig sabihin non.

Hays kaiisip inaantok na tuloy ako. Isasama ko narin si Yinni sa kwarto dahil mula ngayon dito na sya titira, ipagpapaalam ko nalang kinabukasan kina mama at papa.

Someone's POV

Umalis nako ng makita kong patay na ang ilaw sa sala ng bahay nila. May halong tuwa ang nararamdaman ko ngunit hindi parin nito maiibsan ang lungkot na naramdaman ko dahil hindi kona magawang makalapit man lang sakanya. Ni hindi ko narin sya makausap kahit hindi sa personal o chat tulad noon. Maski marinig boses nya na ako ang kausap hindi ko narin magawa. Napakatagal na ng panahon ang lumipas pero heto ako patuloy na nakasubaybay sakanya. Nakasubaybay kahit alam kong may ibang nasa tabi nya, nakakausap nya, nakakatawagan, kausap mag damag pero heto ako ganito parin. Walang pinanghahawakan, walang kinakapitan na kung sa balang araw ba mapupunta sya sakin na wala ng hahadlang. Pero mula naman noon wala na akong assurance sakanya. Ni hindi ko nga alam kung may naramdaman manlang sya sakin non nung nag uusap pa kami. Kung may minsan bang may nagustuhan manlang sya sakin para mabaling ang atensyon nya sakin pero mukhang malabo ata ang mga naiisip ko. Hindi naman kami aabot sa puntong ito kung naging okay kami noon, na may pag asa para samin kahit konti man lamang pero walang nang yari. Umabot na kami sa puntong walang pag uusap at walang pansinan, walang pansinan to the point na parang walang nag eexist na ako sakanya at walang sya sa buhay ko.

~

"Hey" sabay ngiti ko sa babaeng nasa harap ko.

Nagtaka ata sya kung bakit may tumawag at ngumiti sakanya pero ngumiti naman sya pabalik. Awkward smile ngalang at nagpatuloy ng maglakad palayo.

Alam ko kilala ko yung babaeng yon e diko lang maalala pero lakas din ng loob ko para tawagin at ngitian yung babaeng yon.

Napatawa ako ng wala sa oras at naalalang may pasok nga pala ako ngayong araw na to, baka malate pa ako.

Ngunit sa mga araw na nagdaan hindi ko akalain na magiging kaibigan ko ang babaeng yon. Mabait sya, may pagka mahiyain na humarap sa ibang tao at higit sa lahat matalino rin sya. Nalaman kong Yanna ang pangalan nya at nagpakilala naman ako sakanya. Nakakausap ko rin sya kaso thru chats lang kasi hindi ako ganong may lakas ng loob para kausapin sya, wala lang hindi ko lang alam kung bakit. Masaya ako na nakakausap ko sya kahit sa chat lang kc magaan at madali syang kausap, may pagka ewan nga lang kasi madalas nauubusan ng topic.

Sa mga araw na nag daan mas naging malapit kami, nagbabatian at kung masasaktuhan naman ay nakakasabay sa uwian.

Hanggang sa nalaman ko na may lalaki palang umeepal na nakisingit sa buhay ni Yanna. Dun na nagkaron ng komplikasyon sa pagkakaibigan namin. Nawawalan na sya ng oras, kadalasan pa nga pati sa sarili nya ubos na ubos narin. 

Mula non nabaliwala nako. Hindi ko man aminin pero gusto ko sya. Kaso sa pag amin ko mas lalong nagkaron ng malaking pagitan saming dalawa. Hindi man nya diretsahin sakin sa mga salita nya ay ramdam kong pinalalayo nya ko sakanya dahil sa pesteng lalaking yon na hindi ko alam kung anong ganap sa buhay ni yanna. Tsk

~

Naalala ko nanaman ang nakaraan. Yung magandang umpisa na nauwi sa nabaliwalang pagkakaibigan... Nabaliwalang nararamdaman.

Love Until It LiesWhere stories live. Discover now