Chapter 7: Abduct

13 4 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakakalipas nung huli kaming magkita ni zeckery para sa plano ng kasal nya. Narito ako ngayon ulit sa park pero 10:30 na ng gabi.

Hindi kasi ako makatulog kaya napag pasyahan kong lumabas ng bahay at dinala ako ng mga paa ko rito sa park. Iniwan ko si yinni sa kwarto na mahimbing na natutulog kaya hindi ko na sya ginising. Hindi narin ako nagpaalam kina mama o kahit na sino sa bahay dahil mga tulog na sila, dinala ko nalang ang cellphone ko.

Napakasaya ng nagdaang pasko at bagong taon, kahit na predicted ko na ang mangyayari ay na enjoy ko parin naman ang celebration, yung gifts nalang talaga ang may thrill then puro saya at kain nalang.

Napakasarap sa pakiramdam ng hangin, nakakarelax. Narito ako sa isang bench nakaupo lang nakatingin sa kalangitan. Napaka ganda talagang pag masdan ang kalangitan pag puno ito ng bituin mas lalong nakakarelax at nakakagaan ng pakiramdam.

Tinignan ko ang oras, malapit na pala mag ala una ng madaling araw, masyado ata akong napatagal. Gantong oras kasi ramdam ko na payapa ang paligid, walang magulo walang maingay, naisipan kong pagtripan si Khalid, tatawagan ko sya ng maistorbo ko beauty rest nya.

Habang nagriring ay tumayo nako at magsisimula nang maglakad ng may maramdaman akong may humawak sa braso ko, pagkaharap ko nabigla ako dahil may lalaking nasa harap ko at ng tingalain ko ay ganon nalang ang kabang naramdaman ko ng mapag tantong si helion ang lalaking nasa harapan ko.

Nakasuot syang black sweater na may hoodie. Teka parang pamilyar pero nawala ang naiisip ko ng humigpit ang kapit nya sa braso ko.

Pinilit kong tanggalin ang braso ko sa pagkakakapit nya pero masyado syang malakas.

"Helion ano ba bitawan moko, nasasaktan ako!"

"Nasasaktan? May gana ka pang magsalita na nasasaktan ka sa hawak ko pero naisip mo ba ang sakit na binigay mo ng ipagtabuyan mo ko!?" Sigaw nya pabalik at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.

Seryosong nasasaktan nako sa paraan ng pagkakahawak nya sa braso ko, sigurado pag tinanggal nya yon ay pulang pula na ito.

Natatakot ako sa paraan ng pagkakatingin nya sakin at sa higpit ng paghawak nya sa braso ko kaya pinilit kong manlaban.

Hinatak ko ang braso ko at ng hindi nya binitawan ay kinagat ko sya. Sa pagkakakagat ko ay nabitawan nya ko at agad naman akong tumakbo palayo sakanya. Ramdam kong nakasunod sya sakin kaya mas binilisan ko pa.

Sa di inaasahan ay natumba ako dahil nadapa ako. Pesteng bato! Hanggang ngayon ba naman aaargh nakakainis!

Huli na ng makabangon ako dahil nahawakan na muli ako ni helion at hinigit ang buhok ko.

Pakingtape masakit!

Muli akong nanlaban.

Napapagod nako sa panlalaban sakanya, masyado syang malakas kumpara sakin kaya nung binalak kong sipain sya ay huli na dahil nasikmuraan na nya ko.

Sobrang sakit, halos yung sakit ay kumakalat sa buong sistema ko, animal ka helion!

Ramdam ko narin na nagdidilim na ang paningin ko at ramdam parin ang sakit.

Unti unti nakong nanghihina at hindi ko na kaya kaya bumagsak nako kasabay ng pagdilim ng paningin ko.

Khalid's POV

Impakta impakta impakta!

Sinong impaktang tumatawag ng gantong oras aaaargh impakta talaga!

Pinilit kong abutin ang cellphone ko sa katabing drawer malapit sa higaan ko at nang makuha ay sinagot ko ang tawag.

Love Until It LiesWhere stories live. Discover now