We wish you a Merry Christmas! We wish you a Merry Christmas and a Happy New Year !!
*********
[Kabanata 5]
"Dalian natin" saad ni Ally.
Patakbo kaming pumunta sa first period namin at ito ang Panitikang Filipino. Late na kami ng 5 minutes sa klase namin yon, kahit talaga dito nadala ko ang pagiging late namin.
Pagkarating namin sa classroom ay nakahinga kami ng maluwag dahil wala pa ang teachet namin.Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan.
Napatingin ako sa bintana at hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang nangyari. Dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapos mangyari ang aksidenteng nangyari sa Shwendellum Building.
"Magandang umaga sa ating lahat! " bati ni Maam Salodora.
"Magandang umaga rin po" pabalik bati namin sakanya.
Start of Flashback*
Minulat ko ang mga mata ko at tanging puti ang nakikita ko.
"Buti na lang gising ka na" saad ni Ally habang hawak hawak ang kamay ko.
Lumapit rin sila Ainah pati na rin si Alther na kakarating lang.
"Anong nangyari?" tanong ko sakanila.
I don't remember anything. Ang tanging naalala ko lang ay may ininom ako at saka nawalan ako mg malay.
"Saka muna isipin yan, magpahinga ka na muna" sabi ni Ainah.
"Isang araw ka na ring natutulog" singit ni Alther.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Isang araw na akong natutulog ? I wonder na binantayan din nila ako ng isang araw.
"Thank you pala sa pagbabantay sa akin" pasasalamat ko.
Nagkatingin silang tatlo at tila ba nag uusap sila gamit ang mga mata nila.
"Ang totoo Dale..." sabad ni Ally.
"Hindi kami ang nabantay sayo" singit ni Alther.
What ? Kung hindi sila ang nagbantay sa akin e sino ?
"Kung hindi kayo, sino ?"
"Si Fuse Veneciadolla" sabay sabay nilang sabi.
Fuse ? Siya ? Hindi ko yun kilala at ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Bakit niya naman ako babantayan kung hindi niya ako kilala ?
" Siya ang anak ni Penecidolla"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko! Anak ni Penecidolla ? Ang anak KING AND QUEEN OF LGBT ?
End of flashback*
Natapos na ang klase namin at mamayang hapon pa ulit ang pasok namin.
Nauna na silang tatlo pabalik sa dorm namin dahil pupunta ako ng library. Balak kong magbasa ng libro tungkol sa Rainbow High.
Naguguluhan pa rin ako sa mga pinapagawa sa amin pati na rin ang mga rules at ang mga kaparusahan dito.
Naglakad na ako papunta sa Library, pumunta na kami dati ni Ally sa library kaya alam ko na ang daang papunta roon.
Hinanap ko agad ang History Book ng Rainbow High pagkarating na pagkarating ko sa Library.
Kanina pa ako naghahanap ng Libro dito ngunit wala akong makita ni isa.
"History book of Rainbow High?"
BINABASA MO ANG
RAINBOW HIGH : School of LGBT
FanfictionIsang eskwelahang ang mga nag-aaral lamang ay parte ng grupong LGBT Community. Isang eskwelahang pinagbabawalan ang mga straight boys and girls na mag aral dito. Isang eskwelahang kinamumuhian ng gobyerno dahil sa kakaibang patakaran nito. Meet Dal...
