Chapter 8: First Kiss

73 7 0
                                    

** Dedicated this chapter to Alexa1023 for plugging my story to your famous page :>

*******

[Kabanata 8]

Kanina ko pa hinahanap si Alther. Hingal na hingal akong tumatakbo para libutin ang buong Rainbow High para lang makita siya.

Iba ang ang pagkaka-intindi ni Alther kanina. Maski ako kanina ay nagulat dahil sa paghalik sa akin ni Allean. Pag nakita ko ulit yang Allean na yan mapupuruhan talaga sa akin yun.

Pinuntahan ko lahat ng pwedeng puntahan ni Alther pero wala akong nakita ni anino niya.

Napasalampak na lang ako sa lupa dahil sa nangyari. Bakit ganito ako sakanya ? Bakit ganito ako kaapekto pag nagagalit siya ? Bakit ganito ang nararamdaman ko ?

Nalilito ako sa nararamdaman ko tila ba hindi ko pa kilala ang sarili ko. Kahit isang linggo pa lang kami ni Alther na magkasama ambilis kong ma-attach sakanya. Marupok na ba ako ?

"What are you doing here ?" napatingin ako sa nagsalita.

"Ikaw pala Christ" saad ko."May hinahanap ako".

"Sino?"

"Hindi mo kilala" saad ko.

Bigla siyang umupo sa lupa at tinapik tapik ang balikat ko.

Pagod na pagod na akong
kahahanap sa kaniya, imbes na mag saya kami ngayong oras na ito ay tagu-taguan ang nangyari.

"Si Alther ba ang hinahanap mo?"

"Yup"

"Kahit isang beses ko pa lang nakikita ang mukha niya ay nakita ko siyang pumunta sa Rooftop ng Andromeda Building".

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumaripas ako ng takbo papunta sa Rooftop ng Andromeda Building. Hindi na ako nakapagpasalamat kay Christ dahil ang iniisip ko sa mga oras na ito ay kung paano ko ipapaliwanag kay Alther lahat ng nakita niya.

Buti na lang at walang curfew dito tuwing gabi kaya laking pasalamat ko para mapuntahan si Alther sa Rooftop.

Pagkarating ko sa ground floor ng Andromeda Building ay gumamit na ako ng elevator paakyat sa Rooftop pero laking gulat na Under Maintenance pala lahat ng elevator dito sa Andromeda Building kaya napilitan akong gumamit ng hagdan.

Dali dali kong inakyat ang hagdan patungo sa Rooftop. Kakayanin ko ito, hingal na hingal akong tumatakbo paakyat sa Rooftop.

Pagkarating ko sa Rooftop ay unti-unti akong sumilip sa nakaawang na pintuan at hindi nga nagkakamali si Christ dahil andito si Alther.

Unti-unti kong nilapitan si Alther na nakaupo sa Railings at nakatingin lang ito sa malayo. Umupo ako sa tabi niya ng hindi niya namamalayan.Nanginginig ang mga paa ko pati na rin ang kamay ko. Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita.

"Andito ka lang pala" saad ko.

Nagulat siya sa akin dahil agad siyang napatingin ng walang emosyon. Kitang kita ko sa mga mata niya ang paghihinagpis dahil namumula ang kanyang mga mata, katatapos niya lang atang umiyak.

"Bakit ? Doon ka lang kay Allean" malamig niyang pagkakasabi.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit habang nakatingin siya sa malayo.

"Aksidente iyon, nagtatanong lang siya kung saan ang cr kaya tinuro ko"

"Bakit may pahalik?"

"Hindi ko alam, maski ako nagulat dahil sa ginawa niya".

Napatingin siya sa akin samantalang nakatingin ako sa malayo.

"Totoo yang sinasabi mo?" tanong niya.

RAINBOW HIGH : School of LGBTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon