Chapter 6: Clingy

61 9 0
                                    

Dedicated this chapter to @GoddessofNothingness.

*********
[Kabanata 6]

"Mark me as your protector"

Napatingin ako kay Alther at nakatingin pala ito sa akin.

"Seryoso ka ba ?" tanong ni Ainah.

Hindi ako makapaniwalang sinabi 'yon ni Alther maski sila Ainah at Ally.

"Kaya ko ang sarili ko" sabi ko saka inilabas ang muscle ko.

Hindi ko kailangan si Alther para ipagtanggol niya ako dahil kaya ko ang sarili ko. Ano ako baby ? Para protektahan niya ako?

Ano ba ang nakain nito? Bakit biglang siyang nagbago at umaarteng gusto niya akong alagaan.

Napatingin ako kay Alther at nagulat na lang ako dahil hinatak niya ako palabas ng dorm namin.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Bitawan mo'ko Alther, Ano ba?" saad ko pero hindi siya tumigil at hinila niya ako papuntang rooftop ng Andromeda Building.

Pagkarating namin sa Rooftop ay hinila ko na ang kamay ko sakanya. Umupo ako sa railings ng pader kung saan kitang kita mo ang kabuuan ng Rainbow High.

Napatingin ako kay Alther dahil sinara niya ang pinto palabas ng Rooftop. Tumabi siya sa akin sa pagkaka-upo pero bago siya tuluyang maka-upo ay tumayo ako.

"Ano bang problema mo ?" nanggigilaiti kong tanong. Bakit ganito ang inaasta niya ?

"Wala, ayaw ko lang na nakikita kang nasasaktan ng ibang tao"

"Kaya ko ang sarili ko"

"Pero-"

Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay umalis na ako. Wala akong mapapala sakanya. Bigla siyang nagbago, parang dati lang wala siyang pake sa akin pero bakit ngayon tila ba nagbago siya at bakit ba naisip niyang ipunta ako sa rito sa Andromeda Building ?

Aish, masakit pa rin hanggang ngayon ang kamay ko dahil sa pagkakahila niya. Akalain mo yun parang namanhid na, napatingin ako sa kamay ko na namumula- mula. Hindi ko na lang pinansin ito.

Hinila ko ang Doorknob ng ilang beses at hindi ko mabuksan. Agad akong kinutuban dahil hindi ko mahila hila ang doorknob.

Lumapit sa akin si Alther kaya gumilid ako para buksan niya. Sinubukan ni Alther na hilain ang doorknob ngunit hindi niya rin mahila. Sinubukan niya pa ng ilang beses ngunit hindi talaga niya kayang buksan. Hinila ko ulit ang doorknob pero ayaw talagang mabuksan.

"Na lock tayo" saad niya.

"Ano !? Paano na tayo makakapasok sa klase natin?" galit kong tanong."Paano na tayo makakalabas dito ?"

Mas lalo akong nainis kay Alther dahil kung hindi niya ako dinala dito, sana hindi mangyayari ito.

"Sorry"

"Kasalanan mo'to dahil kung hindi moko dinala dito sana walang mangyayaring ganito" sigaw ko sakanya.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspressyon ng mukha niya. Hindi maipinta ang kanyang mukha at nakatingin lang sa akin.

Naglakad ako palayo sakanya at pumunta sa Railings ng Pader saka nagsisigaw.

"WAAAAAH! BAT GANITO !"

Sumigaw ako ng sumigaw hanggang mamaos ako. Gusto ko lang ilabas lahat ng problema ko. Gusto kong mawala at mabura lahat ng yon sa katauhan ko.

Napatingin ako kay Alther na nakaupo at nakatingin sa malayo. Nakaramdam ako ng pagka-guilty dahil sa inasal ko kanina pero hindi pa rin nawawala ang pagka-inis ko sakanya.

RAINBOW HIGH : School of LGBTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon