* Maraming salamat po sa mga good reactions and good reviews niyo po about sa story ko.
******
[Kabanata 10]
"Anong pinagsasabi mo?" tanong niya sa akin.
"Ikaw? Hindi mo ba ako naalala, ako yung nasa bar" pagpaliwanag ko.
Kumunot lang siya ng noo at tila ba hindi niya alam ang pinagsasabi ko. Napatingin ako kila Ainah, Ally, ma'am Akisha at kay Alther na nakatingin pala sa akin.
Biglang kumabog ang puso at namula ang pisngi ko dahil sa ginawa ko.
"Sorry" maikling sabi ko saka umupo.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa inasal ko. Tiningnan ko ng mabuti ang lalaking kasama ni ma'am Akisha, narealize kong hindi siya yun at kamukha niya lang ito. Pero malakas ang kutob kong siya ang nasa bar noon.
"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo Mr. Dale' sabi ni ma'am Akisha habang paupo sa office chair niya.
"Siya ang anak ko, Leonadrosia. Ahead siya ng 1 year sainyo at kabilang siya sa TRANS family" dagdag ni ma'am Akisha.
Napatango na lang kami ng sinabi iyon ni ma'am Akisha. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sakanya dahil nahihiya pa rin ako sa inasal ko.
Stupid Dale Cafter Heave !
Nagpaalam na rin si Leonadrosia at medyo gumaan ang ambience ng kwartong ito.
Biglang nag sink in sa utak ko kung bakit nga ba kami pinatawag ni ma'am Akisha dito.
"Ma'am bakit niyo po kami pinatawag?" lakas loob na tanong ko.
Nakayuko lang silang tatlo samantalang ako ay nakatingin lang kay ma'am Akisha na naka ngisi.
"Pinabilib niyo ako"
Parang nabuhayan kaming apat sa sinabi ni ma'am Akisha. Nakita kong napangiti silang tatlo at napatingin sakanya kaya ngumiti na rin ako.
"I will be giving you 5 points and you are safe for the incoming eviction this week" sabi ni ma'am Akisha saka umalis na.
Naiwan naman kaming apat sa loob na nagtatalon sa mga narinig namin. Akala ko talaga papagalitan kami dahil kinalaban namin yung babae pero ngayon, hindi kaming nagsising kinalaban ang babae.
"Yes ! Ligtas tayo sa Eviction" saad ni Alther habang nagtatalon.
Eviction ? Ngayon ko lang narinig yan. Nagtaka ako kung ano nga ba ang Eviction na sinabi ni ma'am Akisha ganon din si Ally.
"Anong eviction?" tanong ko.
Napatingin sa akin si Ainah pati na rin si Alther.
"Ang Eviction ay mangyayari palang next week, ang ibig sabihin nito mag tatanggal tayo ng mga kaklase natin sa pamamagitan ng pagboto" saad ni Ainah.
"Kailangan nating magboto base sa kanilang kinikilos o kanilang mga ugali" singit naman ni Alther.
Napatango ako sa narinig ko. Mahirap ang ganito, paano pag may bumoto sa akin na ibang family.
"Saan naman mapupunta ang mga na evict?" ngayon si Ally naman ang nagtanong.
"Maipupunta sila sa Spiral Dimention para maturuan ng leksyon at madisiplina kaya kailangan nating maging mabait" sabi naman ni Ainah.
Nagsi-sink in pa rin sa utak ko lahat ng mga narinig ko. May mangyayaring eviction sa loob ng classroom namin at mang e-evict kami base sa kanilang pinapakitang ugali, kung sino man ang may pinakamataas na boto ay siyang mapupunta sa Spiral Dimension para maturuan ng leksyon at madisiplina.
![](https://img.wattpad.com/cover/163064440-288-k470979.jpg)
BINABASA MO ANG
RAINBOW HIGH : School of LGBT
FanfictionIsang eskwelahang ang mga nag-aaral lamang ay parte ng grupong LGBT Community. Isang eskwelahang pinagbabawalan ang mga straight boys and girls na mag aral dito. Isang eskwelahang kinamumuhian ng gobyerno dahil sa kakaibang patakaran nito. Meet Dal...