Chapter 7: New Classmate

64 10 0
                                    

* *********

[Kabanata 7]

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Nagulat ako sa pwesto namin ni Alther dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nakayakap ang kamay niya sa akin. Sinubukan kong kumalas pero hindi ako makagalaw dahil sa sobrang higpit ng pagkakayap niya sa akin.

Natigilan ako dahil nakatingin sa akin sila Ainah at Ally na kakarating lang ng hindi ko napansin. Napahinto sila at parang hindi makapaniwala sa nakikita.

Nagising na rin si Alther kaya nakakalas na ako. Dali dali akong umayos ng pwesto ganon din si Alther.

"Good morning" bati ni Alther.

"G-good Morn-ning din" utal utal na saad ni Ainah.

"Kamusta na kayo?" tanong naman ni Ally habang inilalapag ang mga pagkaing binili ata nila sa Shintellium.

"Medyo okey naman na ako" saad ko.

"Mababa na rin ang lagnat ko" singit naman ni Alther habang nakatingin sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil bigyan ng malisya nila Ainah at Ally.

"Sabi ni nurse Yeona, pwede na rin kayong makalabas mamaya. Ichecheck niya na lang ulit mamaya"

"Salamat naman"

"Ayaw ko nang matulog dito , may nanghaharass" saad ko saka tumingin kay Alther.

Natawa na lang sila Ainah at Ally sa sinabi ko samantalang si Alther ay napakamot na lang sa batok niya.

"Ginusto mo naman"

"Aba'y sumunod lang ako sa gusto mo para umalis si Fuse"

Natigilan sila sa sinabi ko at napatingin sa akin. Saka ko lang narealize yung sinabi ko.

Pero nagtataka pa rin ako, bakit nandon kahapon si Fuse sa may pintuan na nakasilip ?

"Bakit si Fuse ?" tanong ni Ally."Nag usap kayo?"

Biglang kumabog ang dibdib ko, napatingin ako kay Alther na nakayuko at patagong hinawakan ang kamay kong nakatago sa kumot.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa tensyon, kaibigan ko lang sila pero bakit ako nagkakaganito.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. Ikinuwento ko kagabi lahat ng nangyari at tahimik lang silang nakikinig.

"Bakit naman gusto kang kunin ni Fuse?" tanong ni Ally.

"Hindi ko rin alam, ang ipinagtataka ko nga din kagabi nakasilip siya sa may pintuan ng matagal"

"Nagdala siya kagabi ng letter para patunayan na meron siyang order mula sa nakakataas na pwede niyang kunin si Dale" singit ni Alther.

"Pumayag ka naman?" ngayon naman si Ainah ang nagtanong.

"Syempre, hindi. Makakayanan ko bang iwan si Alther dito ng mag isa" saad ko saka napatingin sakanya.

Ngumiti lang siya at naramdaman ko ring mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin.

"By the way bakit wala kayo kagabi dito?" tanong ni Alther.

Nagkatinginan sila sa isa'isa saka nagsalita.

"Pumunta kami pabalik ng dorm para kumuha sana ng damit niyo pero habang papunta kami rito, may nagkakagulo sa Quadrangle kaya pinuntahan namin ni Ally".

"Anong nangyaring kagabi ?" tanong ko.

"May nakapasok na isang tao i mean straight girl na nanggugulo. Kaya pinagtulungan ng iba't ibang families".

RAINBOW HIGH : School of LGBTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon