* *********
[Kabanata 9]Ako nga ba ang nasa propesiya?
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Wala pa namang pruweba na ako talaga ang nasa propesiya kaya walang dahilan para hindi ako maging kabado.
"Wala pa namang proof na ako talaga diba?" tanong ko kay Ainah.
"Oo naman".
Stress na ako pero kakayanin ko ito. Magmula ngayon wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao.
Naalala kong wala pa pala akong tulog dahil pumunta ako kanina sa Library para maghanap ng libro. Hindi ko na rin namalayang 4 pm na dahil napasarap ang kwentuhan namin ni Ainah. Buti na lang mamayang tanghali pa ang klase namin which is Wiity Subject.
"Ainah, matulog muna ako ? Inaantok ako ulit" sabi ko saka humikab.
"Sige"
Tumayo na ako papasok sa dorm namin ng saktong palabas ni Ally. Magulo ang kanyang buhok pero lalo siyang naging cute sa totoo lang.
"Good morning Dale" bati niya sa akin.
"Good morning din".
Isinarado ko na ang pinto pagkapasok ko sa kwarto namin. Nakita kong natutulog pa si Alther kaya hindi ako gumawa ng ingay. Humiga na rin ako sa kama ko at ilang saglit lang nakaramdam na ako ng pagka-antok.
o_O
Nagising ako nang may naramdaman kong may bumubulong sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Alther na nakatingin sa akin at sa tingin ko siya ang bumubulong sa akin.
"Good Morning" saad niya.
Hindi ko siya sinagot dahil inaantok pa talaga ako. Napatingin ako sa wall clock at 9am palang! 1pm pa ang klase namin kaya bakit niya ako ginising ng ganito kaaaga.
"Bangon na Dale" saad niya habang hinahaplos haplos ang aking mukha.
"Maaga pa".
"May pupuntahan tayo".
Hindi na ako sumagot at nagtalukbong na lang ako ng kumot para hindi na ako kulitin nito.
Inaantok pa ako, nagsisisi akong pumunta ako sa Library para lang maghanap ng Libro pero ayos lang dahil may nahanap akong librong makakatulong.
"Ayaw mo talagang magising?" tanong niya.
Naramdaman kong umayos siya ng pagkakaupo ewan ko ba kung paano.
"Ay--" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay kiniliti niya na ako.
"HAHAHAHA tama na babangon na "
Humahagalpak ako dahil sa pangkikiliti niya sa akin, halos maglaway na ako sa katatawa.
"HAHAHAHA BABANGON NA!" hindi pa rin niya ako tinitigilan kaya bumawi din ako. Kiniliti ko rin siya at hindi ko inaasahang ambilis niyang makiliti.
"HAHA ayoko na" hagalpak niyang sabi.
Patuloy kami nagkikilitian sa isa't isa at pareho din kaming naglalaway sa ginagawa namin.
Hindi na rin ako makahinga dahil nakapatong siya sa akin habang kinikiliti ako kaya wala akong laban sakanya.
"HAHAHA"
BINABASA MO ANG
RAINBOW HIGH : School of LGBT
FanfictionIsang eskwelahang ang mga nag-aaral lamang ay parte ng grupong LGBT Community. Isang eskwelahang pinagbabawalan ang mga straight boys and girls na mag aral dito. Isang eskwelahang kinamumuhian ng gobyerno dahil sa kakaibang patakaran nito. Meet Dal...