15 days

422 8 3
                                    

Lea's POV





"Good Morning, Lea!"  bati nilang lahat.




Late kasi talaga ako laging magising. Sanay na yan sila.



Lumabas ako at nilanghap ang sariwang hangin na nagmula pa sa mga matataas na bundok.




Kitang kita mo mula dito ang mga naggagandahang tanawin. Matagal na rin mula ng makasinghap ako ng ganto ka sariwang hangin.  Maamoy mo rin mula dito ang halimuyak ng mababangong bulaklak.



Habang pinagmamaadan ko ang mga tanawin ay may bisig na lumapit at yumakap sakin mula sa likod.




"Namiss kita sobra." banggit ng lalaking iyon




Dahan-dahan kong hinarap ang taong kanina pa nagpapatibok ng puso ko.



Si Trav.



"Hindi ko alam na nagbago ka na." sabi nya.



"2 years is 2 years Trav." akmang aalis na ako kay hinawakan nya ang aking mga kamay.





"I'm sorry" sabi nya.



Trav's POV




Kanina ko pa pinagmamasdan ang isang magandang tanawin. Oo sya yun.




Hindi ko na mapigilan ang bugso ng aking damdamin kaya nilapitan ko sya at niyakap.



I miss her so much.




Sana maintindihan nya.



Flashback





"Anak, alam na namin kung bakit lagi kang sinasaktan." sabi ni Mommy habang nakahiga ako sa puti at malambot na kama.




Nasa ospital kami ngayon.



"Tell me Mom, what is it?" tanong ko kay Mommy.



"Anak may cancer ka." nagulat ako dahil bigla nila akong niyakap.





"Stage 3 ka na at medyo imposible ng maagapan dito sa Pilipinas, We have to go to America."




"No, hindi pwede! Paano si Lea!?" sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa aking mga mata.




"I'll be the one to take care of her." napatingin ako sa nagsalita si Leo pala ang nakababatang kapatid ni Lea.





"Just go Kuya, Hihintayin ka namin" pagkatapos non ay niyakap ko agad si Leo.




Masakit man sakin na iwan sya ginawa ko parin. Para sa ikabubuti nya at namin.



End



Ayoko din naman na matali sya sakin gusto kong gawin nya lahat ng gusto nya. Nararamdaman ko naman na minsan naiinip na sya sakin eh.




Nilisan ko ang bansang ito noon kasabay ng magagandang alala namin noon. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Pagkadating namin sa America nun tinext ko sya na nasa America na ako at may mahal na akong iba tapos pinaltan ko na yung Sim ko but everyday I call her and text her with an Anonymous number.



Lea's POV




"Get off me! We're over!" sigaw ko sa kanya



"Nakipagbreak ba ako?" sabi nya at ngumisi.




Killer, KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon