19 days

706 14 2
                                    

Lea's POV



"Ano kailan na tayo dadalaw kala Angel at Jay magkatabi lang naman yung pinagburulan nila daw." tanong Ivy


"Mamaya na mga 3:30 lang" sagot ko na ikinagulat nila



"Sigurado ka Lea? Okay ka na ba?" tanong ni Kat.




"Oo" maikisi kong sagot



Napatingin ako kay Andrea tahimik lang syang sumangayon. Tahimik talaga yan at laging mag isa pero alam kong may galit yan sa isa sa amin.




3:00 pm



Iminulat ko ang aking mga mata at bumangon dahil sa ingay ng mga tao sa labas. Sino ba to sila?



Biniksan ko ang pinto at tinignan kung sino ang maiingay na yun.




"Hoy ano ba Lea! Ang tagal tagal mo!" sabi ng maingay na si Isa.




"Oo nga usapan natin ngayon ahhh" baklang to kahit kailan talaga ang ingay ni Ivy.




Nagbihis ako. Ang suot ko ngayon ay White plain t-shirt at pantalon




"Grabe teh hah! Ang tagal!" sabi ni Richy



Sumakay na ako sa Van at isinalpak ang earphones ko sa tenga ko alangan naman sa mata diba?



Ivy's POV



Mag Vaklang to tinulugan ako. Nakakalungkot lang talaga na nabawasan kami ng dalawa.



"Mga bakla gising na andito na tayoooo!" sigaw ko sa kanila with matching malakas na paghinga para naman gising agad sila.




"Tangina mo Iviana! Ang baho!" hindi ko nalang pinansin si Joy at bumaba nakakaloka masasayang lang ang beauty ko sa inyo




Bumaba sila isa isa at pumasok na.




Pumasok na din ako una naming pinasukan ay si Angel. Nakipagdasal kami at niyakap si Tita Gel iyak sya ng iyak.




Walang tao sa may pinto ng pinagburulan ni Jay kaya hindi kami nahiraan pumasok.




Lea's POV



Tinignan ko ang bawat mukha nilang dalawa masakit para akin dahil di ko ito na pigilan. Sana ako nalang awang awa ako sa kalagayan nila at ng pamilya nila.  They don't deserve this.




Lumabas na kami ng nakaramdam ako ng kaba.




Panganib. May parating na panganib.




Medyo umunti ang aking kaba at napatingin ako sa isang matandang nakatitig sa akin she's weird. So weird.





Iniiwasan ko ang bawat tingin ng matanda ngunit alam kong hanggang ngayon ay nakatingin pa sya saakin.





*boom*





Narinig ko may nabangga ang mga kaibigan ko sa isang gamit ng matanda kaya kinabahan ako ng mas todo pa. Nararamdaman ko na parang may gustong ipahayag ang matanda.





Akmang paalis na kami ng biglang nagsalita ang matanda.





"May camping kayo diba? Mga bata panganib ang dala nun sa inyo" wala sa sariling sabi ng matanda





Hindi ito pinansin ng mga kaibigan ko at mabilis na umalis alam kong nawiwierdohan din sila sa matanda.





Naiwan ako malapit sa matanda naramdaman kong may humawak sakin na napakalamig na kamay.





Lumingon ako sa Matanda at hinarap ko ang kabang kanina ko pa nararamdaman 




"Ija huwag mo nang ituloy. WALANG MAKAKALIGTAS SA INYO.





WALANG MAKAKALIGTAS



WALANG MAKAKALIGTAS



naramdaman kong nawala na ang malamig na humahaplos sa balat ko at unti unting nawala ang matanda.



Lumingon ako at hinanap amg matanda ngunit kahit anong hanap ko ay wala kong nakitang matanda ni bakas ay wala.



Muling nagflash ang sinabi ng matanda na di na ko malimutan


WALANG MAKAKALIGTAS



hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng matanda.



Kusang umalis ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at sumakay sa Van.




"Guys wag na tayong tumuloy sa camping please." I pleaded




"HAHAHA Lea naman naniniwala ka parin sa sabi sabi?" umalingawngaw ang mga tawa nila sa sasakyan




"Oo nga beks nakakahiya ka haha"




Naaptingin ako kay Andrea na nakitingin sakin di sya nagtatawa at parang alam nya ang iniisip ko.




I warned them. It's not my fault.





Umuwi na ako dahil pagod na pagod na ako.




Binukas ko ang pinto ng aking kwarto at tinggal ang mga sapatos ko. Humiga ako at pumikit nang makaramdam ng pag ka uhaw.





Lumabas ako para kumuha ng maiinom ng may nakita ako na papel na nagpakaba sa akin





'walang makakaligtas sa larong iyon'




Tumakbo ako palabas ng bahay at unti unting tumulo ang mga maiinit na likido mula sa aking mata.


Andrea's POV




Parating na ang delubyo, at wala sino man sa amin ang makakaligtas.




Matutulog nalang ako para malimutan ang lahat ng iyun.





Pero hanggang huli hindi ko sila iiwan.




Sama sama kaming lilisan sa mapanakit at mapaglarong mundong ito.



Ivy's POV



Nagaalala ako kay Lea pinasasabi kaya nung Vaklang yun?




Siguro nauntog lang yun kanina. Pero dapat pa nga ba kaming sumama sa camping?

Killer, KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon