The day

58 1 0
                                    

Lea's POV


Andito na kami, and dito kami nagstay sa isang parang resthouse na nandito sa Ligaya.




Apat ang kwartong natutulugan dito. Ang isang kwarto ay para sa boys ang isa sa girls. Hanggang ngayon ay wala parin yung teacher at yung host.




6am na at nagising ako. Lumabas ako sa kusina at nadatnan si Harshey at Carlo na nagluluto.





"Oh gising ka na pala Lea, come kumain ka na may luto na dyan." tinignan ko lang sya at umupo na.




"Pinadala ng school tong foods good na to satin for ilang days. By the way nagtext si ma'am baka super late daw silang makapunto kaya enjoy our selves daw muna." she said and then smiled at me.


Maya maya ay lumabas na din ang mga tao sa kwarto at nagsikainan na. Nagpalaro si Harshey sa amin at talagang naenjoy namin.




"Okay guys ang lalaruin lang naman natin ay habulan. Ang huling mataya sya ang panalo!" tapos nagsimula na kaming magtakbuhan.





Tatakbo palang sana ako ng kinalbit ako ni Jerick sabay sabi ng "Taya ka na! HAHAHHAHA" sobrang lakas ng tawa nya akala mo nanalo sa loto e





At dahil hindi ako papatalo. Nagtatakbo na din ako at nagsimulang manghuli ng mga tao.





Wala kang ibang maririnig kundi halakhak at 'Taya' na binabanggit ng mga tao dito hindi kasi masyadong mainit at may ilog naman sa tabi.





Tanghaling tapat ay nagsimula ng magihaw para may pang boodle fight kami.





"Hoy Lea, paypay lang ng paypay hanggang sa ikaw ay malupaypay!"






"Hoy Nica! Kung binubudbod mo na yan! Bilis!"




"Eto na eto na."


"Hoy puta sub! Sub! Tangina init na init na ako dito ang itim itim ko na ako pa yung pagagantohin nyo ng uling." lahat kami ay napatawa sa sinabi ni Gab




"Hays sa wakas luto na! Halina kayo kain na tayo!" sigaw sa amin ni Harshey.



Wow. Ang ganda ng pagkalatag ng pagkain.





Mabilis lumipas ang oras ang nagdidilim na lahat kami ay nasa loob na ng rest house.




Nagulat kami ng namatay bigla ang ilaw.




"Ay omg vakla! Grabe naman bakit naman nawala gurl liblib pa naman dito!" hindi ko alam pero kinabahan ako bigla.





Hinila ako ni Andrea palabas. Lumingon lingon pa sya bago tuluyang magsalita.



"Pakiramdam ko gumagawa na sila ng hakbang." sabi nya sakin.



"We need to find who is behind this as soon as possible bago pa sila makagawa ng masama." sabi ko sakanya.



"Yes, we really need to but for now. Bantayan muna natin ang mga kaklase natin." pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob.




Pagkapasok namin sa loob ay may ilaw na nasapat para makita namin ang isa't isa.





"Don't panic, maglaro nalang tayo guys!" Harshey said nervously.




"Anong lalaruin natin?" tanong ni Nike.




Killer, KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon