CHAPTER 1 :)

80 4 0
                                    

"The ESSENCE of being you is not your RANK or GREATNESS but being who GOD made you to be."
--------------------

-10 years ago-

"I-I w-wanna m-make y-you s-smile w-whenever y-your s-sad c-carry y-you around when your .." Napatigil ako sa pagkanta dahil minsan ay hindi pala lagi akong sinusumpong ng sakit ko "memory gap". Ang bata-bata ko pa pero may memory gap na kaagad ako lagi naman akong nainom ng gatas nung bata pa ako. Ngayon kasi pag hindi kape ay juice na ang iniinom ko. Sa tingin niyo yon kaya ang dahilan kung bakit ako nagkaka-memory gap? Hahaha - pero ano naman ang connect nun diba? Napaka-nonsense ko talagang mag-isip pero kasi curious lang kasi ako, kayo ba hindi?

"HAHAHAHA .... " Naputol ako sa pag-iisip ko at hinanap ko sa paligid ko kung sino yong tumatawang halimaw, at tama nga ang hula ko HALIMAW nga yong tumatawa -  kasi nakita ko na na naman ang anak ng ninang ko. Ninang namin ng kapatid ko.

Parang bahay na rin nila itong bahay namin. Halos araw-araw silang andito at laging kasama ni Ninang ang anak niyang halimaw. Ang anak niyang sobrang kulit. Kung minsan nalalaman ko lang na padating sila dahil lagi itong sinasabi sa amin ni Mommy. At kapag nasa bahay na namin ito ay umaalis na ako at pumupunta sa garden kung saan tahimik lugar kung saan walang nakakita sa akin. Pero di ko alam kong sinasadya ito ng tadhana dahil ang makulit na anak ng Ninang ko ay laging andito para inisin at sirain ang araw at gabi at heto siya ngayon tawang-tawa sa nakikita niya. Alam niyo yong tipong inis na inis ka na at ano mang oras ay sasabog ka! Pero di mo masabi kasi pag sinabi mo at narinig ka ng Nanay mo ay sure na sure 100% pagagalitan ka. At mukhang hindi siya aware sa pwedeng mangyari kaya heto siya dahil hindi makukumpleto ang araw ng hindi ako binabadtrip. Masaya siya pag nakikita niya akong namumula na sa inis ng dahil sa kanya.

Kaya katulad na lang ng lagi kong ginagawa hindi ko na lang siya pinapansin. Tumayo  ako at tinalikuran ko na lang siya. Aalis na lang ako kaysa hayaan ko na lang ang sarili ko na pagtawanan na lamang nitong taong ito.

"I-I w-wanna m-make y-you s-smile w-whenever y-your s-sad c-carry y-you around when your .." panggagaya naman sa akin ni Kenneth para asarin ako. Umalis na ako sa kinauupuan ko kanina ng hawakan niya ng mahigpit yong kamay ko at hinigit ako.Tiningnan ko la mang siya ng masama.

"Bakit ba?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Woahh !! Dapat pala lagi kang galit para di ka nauutal at ng di ka dinaraanan ng memory gap mo." Pang-aasar naman niya sa akin.

Yumuko na lang ako dahil sa inis at hiya. Nahihiya ako kasi lagi na lamang niya akong nakikita sa mga nakakahiyang bagay. Naiinis ako kasi sa t'wing nakikita niya ako sa mga nakakahiyang bagay na nangyayari sa akin ay nang-iinis lagi ito. Kaya minsan o madalas ay lagi akong high blood pagnakikita ko siya.

Hinawakan ni Kenneth yong mukha ko at iniangat - napatitig ako sa mga mata niya. Para akong nahipnotismo dahil sa mga titig ng mga mata ni Kenneth sa akin dahil mata palang ni Kenneth talagang magugustuhan mo na siya. Gwapo naman kasi si Kenneth pero nawawala yon sa tuwing ilalabas niya ang nakatagong pagkatao niya. Dahil sa tuwing nilalabas niya ito para na siyang pokemon na nag-evolve.

"P-pwede ba wag m-mo akong hawakan." Nanginginig at nauutal na sabi ko sabay alis ko sa kamay niyang nakahawak sa baba ko. at nagkaroon ako ng pagkakataon na makaalis sa isang sitwasyong alam kong mahihirapan ako kapag sumama ako sa agos nito.

KENNETH's POV

Natatawa na lang ako sa mga ipinakikitang reaksyon ni Juniel sa tuwing nakikita ko ito. Lagi kasi kaming napunta dito sa bahay nila at madalas ay nakikita ko na lagi siyang mag-isa. At lagi kong napapansin na kapag andito kami sa bahay nila lagi siyang nawawala. Kaya pag nawawala ito ay sa garden o kaya ay sa kwarto niya lang ito makikita. Kahit wierd siya - natutuwa ako sa kanya kaya naman lagi ko siyang iniinis para mapansin niya ako.

You + Me = LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon