"People with experiences talk more than the inexperienced one."
~ Anonymous
--------------------
JUNIEL's POV
Inaabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga story ng mga writers para mai-publish na kaagad. Minsan naman ay sa puntod ni Daddy, ko ginagawa yong trabaho ko. At kung minsan pa nga ay nag-o-overtime pa ako sa trabaho.
Pero kahit na anong gawin ko walang pumapasok sa isipan ko. Argggg... ilang araw na akong ganito siguro mga isang linggo na. Yeah, isang linggo na nga rin palang di ko nakikita si Kenneth dito sa opisina at hindi rin siya nakakasama ni Ninang Carmina sa bahay pag pumupunta si Ninang.
Pagkatapos kasi nung nangyaring yon, ni mukha ni Kenneth di ko na nakita pa. Wala siya sa opisina - sabi ni Cheryl wala daw sinasabi si Kenneth kung saan siya pupunta o kung aalis ba siya. Ngayon alam ko na - alam ko na wala talaga siyang gusto sa akin. As in wala talaga. Siguro nagsisisi na yon ngayon kung bakit pa niya ako hinalikan. D@mn. Bakit ba sa t'wing naaalala ko yong nangyari nung gabing yon eh, feeling ko lagi akong namumula. Di kaya hanggang ngayon umaasa parin ang puso ko na mamahalin ako ni Kenneth. Sh*t ang corny ko na. Waaahhhh .. I hate this feeling.
Dahil sa inis ko sa sarili ko yong hawak-hawak kong lapis ay naibato ko na lang sa kung saan. Sorry na lang sa matataman. Ganito talaga ako pag naiinis - kung ano-ano na lang ang hinahagis. Haaayyy .. buhay ko parang life.
"Hey! Juniel, magpahinga ka kaya muna. Hindi yong namamato ka ng lapis." Narinig kong sabi sa akin ni Janelle.
"Di pwede, kailangan kong matapos 'to. Malapit na ang deadline ng submission nito sa publishing department kaya dapat matapos ko na ito." Binalik ko na lang ulit yong tingin ko sa monitor ng computer ko pero di naman ako makapag-concentrate.
"Juniel, alam mo pansin ko lang nag-iba ka anong nangyari sa iyo, dati naman di ka ganyan. And FYI kaka-submitte lang natin ng story sa publishing department. And hello gabi na po." Napatingin ako sa wrist watch ko and OMG, 6 P.M na pala. Ilang oras na rin pala akong nakatanga dito sa harap ng computer pero still nasa chapter 1 parin ako.
"Tara, sama ka sa amin. Di ka na kasi nasama sa amin pag na labas ang barkada eh."
"Sige na nga. Wait lang." Pinatay ko na yong computer ko at kinuha ko na lahat ng gamit ko. Iniwan ko na lang sa parking lot yong motor ko dahil ang sabi ni Janelle yong car na lang daw niya ang gagamitin namin. Sina Cheryl at Gael daw ay andun na at hinihintay na daw kami. Ako ang pinagdrive ni Janelle ng car niya. After mga 20 minutes nakarating na rin kami sa isa sa mga sossy na restaurant na di naman kalayuan sa opisina namin.
?_? -- Ako
^_^ -- Janelle
"Don't give me that freaking smile, Janelle." Banta ko kay Janelle. Minsan lang yan ngumiti ng ganyan pero may meaning naman. Minsan maganda, pero minsan masama.
"Tara na!!" Sabay higit sa akin ni Janelle sa loob ng restaurant. Pumunta kami sa isa sa mga VIP room dun at pagpasok ko di lang sila Gael at Cheryl ang andun. May apat silang lalaking kasama, pero yong tatlo kilala ko pero yong isa hindi. Ang bobo ko ba? Nakatalikod kasi kaya di ko pa nakikita yong mukha.
"Hi Sis. Sorry na late kami ni Juniel." Sabi naman ni Janelle sa kanila at hinigit na naman ako ni Janelle sa loob -_-///. Tama bang lagi na lang akong hinihigit?
"Okay lang yon." Sagot naman ni Gael kay Janelle. Pinatabi nila ako dun sa guy na nakatalikod kanina at parang statue dahil di siya gumagalaw tao pa ba ito? Pagka-upo ko tiningnan ko siya kaagad. Sorry curious ako sa mukha ni Kuya eh.
BINABASA MO ANG
You + Me = LOVE
RomanceThis is a story about a girl who fell in love with her childhood friend, enemy, and her secret boyfriend in disguise. Paano mo sasabihin sa kanyang MAHAL mo siya kung naiwan ka niyang nag-iisa. Sinong makakasama, makaka-usap mo kung pati ang family...